CHAPTER 2: Camp Night

163 7 0
                                    

CHAPTER 2



[3rd Person POV]


Pagkatapos nilang magdesisyon kung ano ang gagawin nila, pumunta na sila sa kani-kanilang kwarto. May anim na kwarto sa rest house nila Rebecca, isang master bed room, kwarto ni Rebecca at apat na guest room. Bago sila pumunta dito ay napagpasyahan na nila kung sinu-sino ang magkakatabi. Si Jenny at Marie, Angela at Ericka, Camille at Joyce, at sina Gianna at Violet ang magkakatabi sa guest room samantalang si Rebecca naman sa sarili nitong kuwarto.


Matapos silang mag-ayos ng gamit sakani-kanilang kuwarto ay napagpasyahan nilang maglibot muna. Lumabas ng rest house sina Ericka, Angela, Gianna at Camille. Naglibot-libot sila sa paligid pero si Camille pumunta muna sa may swimming pool at ibinababad muna ang mga paa sa pool. Sila Angela, Ericka at Gianna naman ay nagpunta sa may kakahuyan para tingnan ang paligid nito. Gusto din kasi nilang makita kung ano ba ang pwede nilang gawin doon at kung saan maganda mag camping.


Matapos ang ilang minuto sunod na lumabas si Jenny. Pumunta din siya sa may kakahuyan para tingnan ang paligid at para makapag-isip isip.


Si Rebecca naman ay nasa kwarto niya lang, si Joyce naman ay naghahanda ng mga gagamitin at yung mga lulutuin nila sa kusina, si Violet naman ay natutulog sa kwarto at si Marie naman ay nagso-social media sa may living room.


"Nasaan yung iba?" biglang sulpot ni Rebecca.


"Naglibot lang sila saglit. Babalik din ang mga iyon." sagot ni Joyce sa tanong niya.


"Ayusin na natin yung mga gagamitin natin mamaya." utos ni Rebecca.


"Okay, lets go na. I'll get the tent na lang, sa storage room diba?" prisinta ni Marie, tumango lang si Rebecca dito.


"Malapit ng matapos itong ulam natin mamaya. I already prepared the foods, pati na rin yung mga iihawin natin natimpla ko na at naayos ko na din." sabi ni Joyce.


"Hmmm... ang bango naman nung naamoy ko. Bigla akong nagutom." biglang sulpot ni Gianna kasunod nito si Jenny, Angela at Ericka.


"Magca-camp na ba tayo?" tanong ni Jenny.


Tumango naman si Rebecca bilang sagot. Nagsimula na silang lahat dalhin yung mga gagamitin nila. Dalawang tent lang ang gagamitin nila, malaki naman ito kaya pwede na ang dalawa. Nagdala din sila ng mga in-can beers at mga bottled beers. Dinala na din nila yung mga kakainin nila at yung mga chips para sa pulutan. Dinala naman ni Angela yung gitara niya para magkantahan sila. At iba pa na pwede nilang dalhin na gagamitin nila para i-enjoy ang gabi nila.


Pumunta na sila sa may kakahuyan, pumuwesto sila sa malayo lang ng kaunti sa bahay para kung sakaling may kukunin sila madali na lang din nilang makukuha.


Matapos nilang ayusin ang mga gagamitin nila, nagsimula na silang magkasiyahan. Nag-iinuman, naglalaro at nagkakasiyahan na sila. Naubos na nila ang in-can beers nila kaya naman sinimulan na nilang buksan ang bottled beers, bawat lagay ng beer sa baso nila ay iniinom nila maliban sa isa.

Graduation TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon