CHAPTER 8
Nasa living room silang lahat ngayon at tahimik na nakaupo lamang. Wala ni isa sakanila ang nagsasalita. Ngayong araw may nawala—namatay na naman sakanila.
"This is too much..." basag ni Ericka sa katahimikan, napatingin tuloy ang lahat dahil sakanya.
"Mababaliw ako sa nangyayari sa atin." dagdag pa nito.
"We should call for help, this is not normal. Hindi ganitong klaseng bakasyon ang inaasahan ko dito. Gaano ba kalayo ang susunod na bahay dito? I'll go and call for help." sabi nito.
"Wala tayong sasakyan dito, at malayo ang mga bahay dito. Gusto mo bang maglakad ng halos dalawang oras?" sabi ni Rebecca.
"Bakit ba kasi hindi mo pinaiwanan yung van? Dapat pala nagdala na tayo ng sasakyan natin, para kahit papaano pwedeng makaalis." naiinis na sabi ni Ericka.
"Gals, we don't have to make war here. You know, we have to kalma lang." awat ni Marie. Nararamdaman niya kasing nagkakainitan na naman ang dalawa.
"Tama si Marie, hindi natin kailangan mag away-away. Kailangan natin kumalma, at mag-isip ng maayos." pagsang-ayon ni Gianna.
"Teka, alam ko na gagawa ako ng juice. Masyadong mainit ang ulo niyo eh." sabi ni Gianna at nagsimula ng tumayo para pumunta ng kusina.
"Samahan na kita Gie." sabi ni Jenny.
"Okay."
Tinignan naman ni Rebecca ang papaalis na si Jenny at Gianna. Pagkatapos ay umiling lang siya. Naguguluhan siya sa mga naiisip niya pero ayun lang naiisip niya na maaaring posible na dahilan, maliban na lang kung mali siya.
"*sigh* Sorry Rebecca..." sabi ni Ericka.
"No, ako dapat ang magsorry. Tama sila Marie at Gianna, hindi tayo dapat nag-aaway kailangan magka-isa tayo para makaisip ng plano.. plano para makahingi ng tulong." sabi ni Rebecca dito.
Napangiti naman si Ericka, kahit si Joyce ay napapangiti din. Bihira lang nila marinig na ganyan magsalita si Rebecca. Dahil masyado itong bossy at palagi nitong iniisip na siya ang tama.
"Ano na nga palang gagawin natin? Maglalakad na ba tayo para humingi ng tulong?" tanong ni Angela.
Nag-shrugged lang si Rebecca, hindi niya pa din kasi alam kung gagawin nila iyon. Pero wala silang ibang choice kung hindi ang maglakad ng malayo para makahingi ng tulong.
***
Pagdating nila Gianna at Jenny sa kusina ay nag-umpisa na sila gumawa ng maiinom nila. Pagkatapos itimpla ni Gianna ang juice ay kumuha siya ng cube ice sa freezer.
BINABASA MO ANG
Graduation Tragedy
Mystery / Thriller9 students plan to have a vacation before their graduation. Ang gusto lang naman nila ay magsaya at magpahinga dahil makalipas ang apat na taon na pag-aaral sa wakas makakapagtapos na din sila. Ang inakala nila na magiging masayang bakasyon ay magig...