CHAPTER 17
"D-dun ko siya nakitang tumakbo.." tinuro ni Gianna ang bintana sa kuwarto nito.
"Sigurado ka?" tanong ni Ericka pagkatapos ay pumunta sa bintana para tignan kung may tao nga.
"Oo nga may tali dito. Baka eto ang ginamit niya para makatakas matapos niyang pagtangkaan patayin si Gianna." sabi ni Joyce ng makita sa gilid ang isang mahabang lubid.
"Pero bakit pati Gianna, dinamay niya? Diba kayo lang naman ang gumawa nun? At isa pa, ngayong college niyo lang naman nakilala si Gianna." sabi ni Ericka.
"I don't know too. Malay niyo lahat tayo gusto niyang patayin para walang maging ebidensya." naguguluhang sabi ni Rebecca.
"Ibig sabihin, kahit kami pwede niyang patayin. Kahit hindi naman kami kasali sa ginawa niyo four years ago..." natatakot na sabi ni Angela.
"Bakit niyo ba kasi ginawa iyon? Nang dahil lang selos, nakapatay na kayo!" pasigaw na sabi ni Ericka.
Naiinis siya dahil, silang mga inosente ay nadadamay ng dahil sa nagawa nila. Wala naman sila ng mangyari ang bagay na iyon, kaya bakit pati sila ay kailangan patayin?
"A-ano bang sinasabi niyo?" inosenteng tanong ni Gianna sakanila.
Kahit na ba alam niya ang tinutukoy nila ay nagpanggap pa rin siya. May itinago siyang voice recorder sa gilid niya. Gusto niyang irecord ang pag-amin ng mga ito tungkol sa krimen na nagawa nila four years ago. Gusto niyang ipaalam ang totoong nangyari four years ago para makamit niya hustisya na matagal niya ng gustong makuha. Para kahit bago 'man lang matapos ang lahat ng ito at least may ipapakita siyang ebidensya sa nangyari sa kakambal niya.
"We killed someone before." pag-amin ni Joyce.
"What do you mean?" nagpanggap ito na nagulat dahil sa nalaman.
Bumuntong hininga muna si Rebecca bago magsalita. "Si Mia, napatay ko siya four years ago... balak ko lang naman sana ay takutin siya pero..." unti unting pumatak ang luha ni Rebecca habang nagsasalita.
"...aksidente ko siyang napatay."
"Aksidente?!" medyo napataas ang boses ni Gianna. Napansin naman nila ito pero binalewala na lang nila.
"D-di ko sinasadya... biglang nagdilim ang paningin ko at nablanko ang isipan ko ng mga panahon na iyon. Kaya kahit na nagsasabi na siya, hindi ko pa din siya pinakinggan." paliwanag nito habang patuloy na umiiyak.
"Bakit ka umiiyak Gianna?" nagtatakang tanong ni Ericka.
"Wag niyo na akong pansinin... naiiyak lang ako dahil maraming kailangan mamatay at may mga nagsu-suffer dahil sa AKSIDENTENG nagawa nila." malamig na sabi nito.
BINABASA MO ANG
Graduation Tragedy
Mystery / Thriller9 students plan to have a vacation before their graduation. Ang gusto lang naman nila ay magsaya at magpahinga dahil makalipas ang apat na taon na pag-aaral sa wakas makakapagtapos na din sila. Ang inakala nila na magiging masayang bakasyon ay magig...