CHAPTER 6: Where's Camille?

84 5 0
                                    

CHAPTER 6


Kinabukasan, late na nagising ang lahat sakanila. Nakatulog sila ng mahimbing na para bang kahit na may nangyari na masama ay mahimbing parin ang naging tulog nila.


Natulog si Joyce sa kuwarto ni Rebecca, ayos lang naman kasi kay Rebecca na may katabi siya sa pagtulog. At sanay din naman na siya na nakakatabi niya si Joyce sa pagtulog dahil nago-overnight si Joyce sakanila or vice versa.


Mas naunang nagising si Joyce kay Rebecca kaya naman nagkaroon ng pagkakataon si Joyce na titigan ng maigi ang mukha ni Rebecca.


Mahal na mahal niya ang babaeng kaharap ngayon. Pero hindi niya magawang umamin dito dahil natatakot siyang layuan nito. Kaya naman nakuntento na siya bilang isang matalik na kaibigan lang sila.


Tama kayo ng iniisip isa siyang lesbian. Matagal na siyang ganun, at nakumpirma niya noong nakilala niya si Rebecca. Bata pa sila noon, akala niya isang special na pagkakaibigan ang nararamdaman niya dito pero hindi pala. Mahal na niya pala ito.


Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya dito, nakatapat sa kisame ang mukha ni Rebecca habang natutulog kaya hindi na siya nahirapan pang paglapitin ang mukha nila at halikan ito. Matagal na din niyang nagagawa ang ganitong bagay, nagnanakaw siya ng halik dito kapag mahimbing ang tulog ni Rebecca.


Sa may pintuan naman hindi niya alam na may nakakita pala sa ginawa niya. Inilabas nito ang cellphone para kuhanan ng picture ang ginawa ni Joyce kay Rebecca.


"Nice kiss.." bulong nito matapos kuhanan ng picture ang dalawa.


Isinarado nito ang pinto ng hindi namamalayan ni Joyce.


Tinignan niya ang picture, napapangiti siya sa planong naiisip niya.


"Marie?" nagulat siya ng biglang may tumawag sakanya.


"Y-yes?"


"What are you doing there?" nagtatakang tanong ni Ericka.


"Hmm.. nothing. I just want to.. I mean sa CR sana ako pupunta."


"Eh? Nasa kabila yung CR ah? Kaso may tao dun si Angela."


"Aww, ganun ba? I'll just go sa baba na lang." sabi nito at nagpout.


"Okay.." nagtatakang sabi nito, naguguluhan siya sa inaakto ng kaharap.

Umalis na si Marie, samantala nakatingin lang si Ericka dito habang naguguluhan sa kinikilos ni Marie.


"Oh Ericka? Kanina ka pa diyan?" tanong ni Joyce paglabas ng kuwarto, medyo nagulat naman si Ericka ng biglang magsalita si Joyce.


"A-ah? Ginulat mo naman ako." sabi nito at napahawak sa dibdib.


Graduation TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon