CHAPTER 10: Rain

86 5 0
                                    

CHAPTER 10



Maaga nagising si Joyce kaya naman bumaba na agad siya para maghanda ng agahan nila. Hindi parin bumabalik ang kuryente kaya naman hindi niya mapanuod ang balita kung kamusta na ba ang panahon ngayon dahil umuulan pa din at malakas ito.


"Good morning." bati sakanya ni Angela pagkababa nito at uminom ng tubig.


"Morning din."


"Di pa rin bumabalik yung kuryente, tapos umuulan pa.." sabi nito sa sarili.


"Kaya nga eh, hindi tuloy tayo makalabas.." sabi ni Joyce ng marinig ang sinabi nito.


"Sana naman, tumila na ang ulan para makahingi na tayo ng tulong." sabi ni Angela.


"Good morning." biglang sulpot ni Gianna, kasunod nito si Jenny.


"Good morning din."


"Wala pa rin bang kuryente?" tanong ni Gianna pagkatapos ay uminom ng tubig.


"Wala pa nga eh, di tuloy natin malaman kung kailan mawawala itong ulan." sagot ni Angela.


"Ah.. sabagay di rin tayo makalabas para humingi ng tulong." sabi ni Gianna.


"Tulog pa ba yung iba?" tanong ni Jenny.


"Si Ericka tulog pa din." sagot ni Angela.


"Si Rebecca din." sabi naman ni Joyce.


"Maligo kaya tayo sa ulan?" suggest ni Gianna.


"Okay ka lang? Baka magkasakit tayo niyan." sabi ni Angela.


"May dala akong gamot kung sakali, gusto kong maligo hindi ko pa nat-try maligo sa ulan eh." sabi ni Gianna.


"Well that's a good idea, kesa naman sa mabored tayo ng lubusan dahil walang kuryente at hindi tayo makalabas kasi umuulan. I-enjoy na lang natin sa pamamagitan ng paliligo sa ulan." sabi ng bagong dating na si Rebecca.


"Ano yung pinag-uusapan niyo?" tanong naman ni Ericka, kakadating lang din nito.


"Yung paliligo sa ulan." sagot sakanya ni Angela.


"Ah, sige ligo tayo sa ulan. Hindi tayo makapag-swimming dahil sa nangyari, so ligo na lang tayo sa ulan." pagsang-ayon nito.


"So it's settled then... teka nasaan si Marie?" tanong ni Rebecca ng mapansin na wala pa ito.


Bigla naman itong nakaramdam ng kaba, dahil napapansin niyang parang araw-araw na lang may nawawala sakanila.


Graduation TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon