CHAPTER 9: Brown out

89 4 0
                                    

CHAPTER 9


"Sa tingin mo ba aksidente lang ang lahat ng nangyayari?" seryosong tanong ni Rebecca kay Joyce.


Natahimik naman bigla si Joyce dahil sa tanong nito. Alam kasi niyang hindi na normal ang nagyayari sakanila at hindi lang aksidente o nagsuicide ang mga kasama nila.


"Hindi." sagot nito.


"Sa tingin ko isa sa atin ang gumagawa nito, pero hindi ako sigurado kung siya ba yung gumagawa ng lahat ng ito. Hindi ko na alam, siya lang ang pwede ko na maisip na gagawa ng mga ito." naguguluhan na sabi ni Rebecca pati tuloy si Joyce ay naguguluhan na din sa pinagsasabi ng katabi.


"Teka, hindi kita maintindihan. Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi mo... ano bang gusto mong sabihin, I mean naiintindihan ko na may pinaghihinalaan ka kung sino ang gumagawa ng mga ito. Pero sino ba yung tinutukoy mo?" tanong nito.


"Si Jenny.." sagot ni Rebecca.


"Paano mo naman nasabi na si Jenny ang gumagawa ng lahat ng ito?"


"Wala pa akong evidence na makakapagsabi na siya iyon pero malakas ang kutob ko na siya ang gumagawa nito. Gusto niyang maghiganti, gusto niya na magbayad tayo sa nagawa natin noon, dahil sa pagpatay natin kay Mia. " sabi nito.


"Wait, you are not yet sure about that right? At saka matagal ng nangyari yun, sana noon pa niya ginawa diba? At isa pa imposible naman kasi may alam siya sa nangyari, ibig sabihin damay siya kung sakali." paliwanag ni Joyce kay Rebecca.


Para sakanya imposible na si Jenny ang may gawa ng mga ito, kasi kung ito nga ang may gawa ng lahat sana noon palang ay isinumbong na sila sa mga police o kaya naman noon pa sana nito ginawa ang lahat ng ito. At isa pa imposible na gawin niya ito dahil madadamay siya sa nangyari noon, si Jenny pa naman ang tipo ng tao na ayaw madungisan ang pangalan dahil ayaw nitong mapagalitan ng magulang.


"Exactly! Yun ang dahilan niya, inuubos niya tayong lahat dahil sa oras na may makaalam madadamay siya at isa pa diba noon sobrang close nilang dalawa? Baka naku-kunsensya siya sa nangyari sa closest friend niya." pagpipilit ni Rebecca.


"Hindi ko alam, naguguluhan na din ako. Posible ang sinasabi mo, pero imposible din. Hindi ko na alam, hindi ko na alam ang iisipin." gulong gulo na sabi ni Joyce.


Masyadong maraming pwedeng dahilan sa nangyayari sakanila na hindi niya na alam kung alin doon ang pwede niyang paniwalaan.


"Ganito na lang, para sa ikakatahimik ng lahat mamaya umalis na tayo. Maghanap na tayo ng pinakamalapit na bahay na pwede natin hingian ng tulong." sabi ni Joyce.



***


"Sayang hindi tayo nakapagswimming 'no? Sana pala nagnight swimming na lang tayo nung sinabi ni Camille, edi sana kasama pa natin siya dito. Sana hindi siya nalunod.." malungkot na sabi ni Gianna kay Jenny.

Graduation TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon