CHAPTER 3: Hanging in the tree

104 7 0
                                    

CHAPTER 3



Umaga na at ramdam na nila ang sinag ng araw kaya naman nagising na sila. Masasakit ang ulo ng bawat isa dahil sa pag-inom na kanilang ginawa.


"Urrrrgh! This is what I really hate, hang over." sabi ni Camille.


"Can we just sleep pa more? Let's go to the tent o kaya sa house na lang." sabi ni Marie na mahahalata mong inaantok pa din.


"Sige balik na tayo sa bahay, at dun na tayo matulog para maayos din ang pag higa natin. Mamaya na lang natin balikan ito at linisin." sabi ni Rebecca at nagsimula na silang maglakad pabalik sa rest house.


"Gisingin niyo na nga yung iba." utos ni Rebecca.


Dala ng kalasingan ay dun na sila nakatulog sa labas ng tent. Buti na lang ay naglapag sila ng kumot para hindi sila madumihan.


"Hey gals, wake up. Dun na kayo sa bahay matulog, lipat na tayo." sabi ni Joyce habang ginigising si Jenny at Gianna.


Ganun din si Camille habang ginigising ang kambal.


"Teka nasaan si Violet?" nagtatakang tanong ni Rebecca ng mapansing wala sa tabi nila si Violet.


"Hindi ko alam, baka nauna na sa loob." sabi ni Camille.


"Oh siya, tara na lipat na tayo sa bahay. Mamaya na natin ito ligpitin." sabi ni Rebecca at nagsimula na silang lumipat papunta sa kani-kanilang kuwarto.


Pagpasok nila kanya-kanya silang higa sa mga kuwarto nila. Hindi na din nila inisip pa kung nasaan si Violet dahil maaaring kanina pa ito nauna sakanila sa rest house.


Paggising nila, nagsimula ng magluto ng breakfast nila si Joyce. Magaling kasing magluto ito at hilig din talaga niya ang pagluluto kaya naman siya na ang bahala sa pagkain nila.


"Good morning." sabi ni Gianna dito pagkagising.


"Good morning din. I prepared juice para sa hang over natin lahat." sabi niya.

Silang dalawa palang kasi ang gising sa kanilang lahat kaya naman sila lang dalawa ngayon ang nasa kusina at nag-uusap.


Kumuha ng baso si Gianna at nagsalin ng juice na ginawa ni Joyce. Kumuha din siya ng isang piraso ng bread at nagsimulang kumain.


"Nagugutom na kasi ako sa amoy ng niluluto mo eh. Hehe.." sabi niya , napansin niya kasing nakatingin sakanya si Joyce.


"Don't worry matatapos na din ito, maya-maya ay pwede na tayong kumain." sabi niya habang nakangiti.


Sa totoo niyan ay natutuwa siya kay Gianna dahil mahilig itong kumain pero hindi naman tumataba at isa pa natutuwa siya kasi palagi nitong pinupuri na magaling siyang magluto. At kung minsan nagiging taga tikim niya ito kung masarap ba ang niluto niya, honest naman ang mga nagiging sagot nito. Minsan kasi nung may naluto siya na hindi gaanong masarap ay sinabi din nito na yun nga hindi masarap.

Graduation TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon