Pa'no ba yumaman kung mahirap ka?
Simple lang. Magsikap at piliting maabot ang pangarap.
Ang daling sabihin no?
May mga kilala kasi akong mayayaman na pag nag sabi ng mga testimony nila, nakakabilib. Kasi dati lang silang ganito, nag hirap sila ng ganun, nagtsaga sila ng ilang taon, hindi kumakaen sa school at laging kulang sa tulog, libre laitin, at kung ano ano pang pinag daanan nila sa buhay, makamit lang ang pangarap. Sa akin naman, lahat ba ng nagtsatsaga yumayaman. Pareho din naman ako sa kanila. Bakit huli na ang lahat sakin? Bakit umidad ako ng 25 na walang nangyayari sa buhay ko? Bakit? Dinanas ko ang lahat ng hirap pero ano ang kulang? Ang kulang sakin ay ang pangarap na yumaman. Pangarap kong magtapos para umasenso pero laging may pagdududa sa isip ko na baka hindi ako yumaman. Sabi kasi nila, tiwala lang. Pero ayoko lang kasing masaktan, ayoko lang na dahil sa hindi ko natupad ang pangarap ko, magagalit ako sa mundo.
PERO BAKIT GALIT AKO SA MUNDO NGAYON?!
Naiinggit kasi ako sa mga umasenso dahil naghirap sila samantalang ako, walang napala. Isa nalang ang tangi kong pag asa para yumaman. Ang mag asawa ng mayaman. Marami akong naging babae pero sa hiwalayan din nauwi. Dahil mahirap lang ako at hindi pa handa mag asawa. Okay lang sana kung mayaman ang mapapang asawa ko diba? Ngayon ako maghahanap ng mayaman para umasenso. Bahala na. Kapalan nalang ng mukha. Siguro naman may magkakagusto sakin sa dami ng mayaman na liligawan ko? May itsura naman ako.
Ako nga pala si Vincent. Samahan niyo akong tuparin ang pangarap ko sa pamamagitan ng pag aasawa ng mayaman.