4. Very Rich Girlfriend

186 8 3
                                    

Vincent's POV

Wow! Humiga ako sa malambot na kama. Jockpot! Mukhang balak akong ibahay ng babaeng 'yun. Umidlip lang ako saglit.

"Napakabusilak ng puso mo kaya ibibigay ko ang kahilingan mo."

Bigla akong nagising. Sigundo lang akong naidlip dahil kakapikit ko lang. Haaaay! Ang ganda ng Diwata na 'yun. Bakit siya ang lumitaw sa panaginip ko? Sayang nagising na agad ako. Tumingin ako sa paligid. Ang ganda ng lugar na 'to. Parang nananaginip ako. Gaano ba ako kagwapo? Ang swerte ko dahil halatang gusto ako ni Aika. Baka dahil uminit ang ulo ko kahapon at nakuha ko ang atensyon niya? Hindi ako makapaniwala. Nilibot ko ang loob. May dalawang kwarto at sumilip ako sa bintana. Nakita ko ang mga sasakyan na parang laruan lang sa sobrang liit. Kumpleto sa gamit. May malaking Tv at Computer pa. Binuksan ko ang Computer at naglibang muna. Nanood ng movie. Pagtapos ay kumuha ako ng pagkain sa refrigerator. Hindi ako makapaniwala, andaming pagkain. May nagdoorbell. Bigla akong kinabahan. Sino kaya 'yun? Hindi ba nila alam na walang tao dito dahil nagtatrabaho ang may-ari? Sinilip ko sa pinto kung sino. Nakita ko ang isang babae na hindi naman nakakailang. Simpleng babae na alam kong hindi mayaman.

Binuksan ko ang pinto. "Hi!" Bati niya.

"Ano ang kailangan mo?"

"Pinapunta ako dito ni Ma'am Aika para samahan ka. Kung may iuutos ka daw o ipapabili."

"Huh?" Napaisip agad ako. "Pasok ka." Pumasok siya at umupo. Halos kasing edad lang siya ni Aika. Ipapabili? Pamasahe lang ang dala ko?

"May iniwan siyang ATM sa'kin. Baka daw gusto mong magpabili ng pagkain."

"May pagkain na dito!" Wow! Pera ang laman ng ATM na 'yun. Ang saya naman.

"Baka daw may iba kapang gustong kainin. Ako na ang bahala. Ako na rin ang Maid mo pansamantala." Ano daw? Ano ba 'tong napasukan ko? Swerte naman. Naalala ko 'yung panaginip ko kanina. Ito ba 'yung kahilingan ko na makapang asawa ng mayaman?

"Salamat sa'yo ah. Wala naman na akong ipapagawa. Marunong naman akong maglinis."

"Sinunod ko lang Sir 'yung utos ni Ma'am. Ku-kung hindi mo ako kailangan, ayos lang naman."

Wow Sir daw. "Maupo ka nalang diyan."

"Sige. Dito lang daw ako."

"Sige, ibili mo nalang ako ng--" Nag isip ako. Lahat nasa ref na. Burger, cheese, at kung ano ano pa. Ano ba ang ipapabili ko?

"Ano Sir?"

"Wala pala." Mas masaya siguro kung lalabas ako at magpahangin. Kaso hindi pwede. Hula ko dapat niya akong itago dahil hula ko, hindi boto sakin ang mga kamag-anak niya kung sakali. Dito nalang ako sa loob. Hanggang lumipas ang maghapon. Wala akong ginawa kundi manood at kumain. Maglaro ng computer, mag internet.

Tumawag si Aika. "It's already 4pm. After an hour uuwi na ako. Kamusta diyan?" Tanong niya.

"Okay naman. Hindi ba ako pwedeng lumabas?"

"Of course! Pwede, but may pinadala naman akong Maid diyan diba?"

"Ibig kong sabihin, magpahangin ba?"

"Pwede naman. It's up to you whenever you will go."

"Okay."

"Nagustuhan mo ba diyan?"

"Oo naman."

"Sige, wait mo nalang ako. Paki sabi dun sa Maid, mag ready siya at maglinis. May kasama ako diyan mamaya." Binaba niya ang tawag. May kasama daw? Kinakabahan naman ako. Baka kasamahan niya sa trabaho. Maya maya lang ay dumating na nga sila. May kasama siyang tulad din niya na maganda at tulad din niya na mayaman. Ano kaya ang iisipin niya? "Vincent, she's my bestfriend Almira." Pinakilala sakin si Almira tapos nginitian lang ako at napakanatural ng tingin niya. Para bang hindi na niya kinagulat na may kasamang lalaki ang bestfriend niya sa suite nito. Malamang nag-usap na sila tungkol dito. "Tomorrow, we'll have a meeting. Meeting na naman. Nakakasawa!" Sabi ni Aika at binagsak ang katawan sa couch. Umupo din kami ni Almira. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Destiny Can't Be ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon