Aika's POV
"Balita?" Tanong ni Almira nang nasa office kami.
"May nakilala ako. Medyo masungit nga lang." Medyo iritadong sagot ko.
"Masungit?"
"Oo kasi medyo pangit 'yung nangyari. Pero he was very enigma. He got my attention. He speaks mysteriously. Mali ang akala ko na kapag mayaman ka, bibigyan ka ng apecial treatment kahit mali ka. Danas ko na kasi 'yun. May mga tao palang walang paki-alam sa mundo kahit sino pa ang kaharap niya."
"Ikwento mo nga mula umpisa. I can't understand."
So, nagkwento ako at ito ang sabi niya... "Siguro gutom siya at mainit ang ulo."
"Paano mo nasabi?"
"I've experienced na pag nagmamadali ka at may tinatarget kang oras, wala ka nang oras kumain. You said that he was looking for a Job. Then that time was morning so, I think nagmamadali siya."
"Hmmm! I think so but malalaman ko talaga bukas dahil magkikita kami."
"Ang bilis naman. Gwapo ba?"
"Gwapo at napakasimple. Awkward kung kami ang magkakatuluyan but he got my attention. Gusto ko siya, single daw and ewan kung ano ang iniisip niya ngayon. I think nagandahan siya sakin kaya payag siyang makipag kita. Nakausap ko na siya kanina. Hindi nga daw siya natanggap eh."
"Kung nawala na ang init ng ulo niya, malamang nagising na siya sa katotohanan na hindi ka dapat bali-walain lang."
Pag uwi ko galing sa office ay tinawagan ko uli siya. "Hello Vincent."
"Hello!"
"Namiss ko voice mo."
"Sorry nga pala kahapon ah."
"Wala 'yun. Alam ko naman na umaga, baka gutom ka."
"Actually tama ka kaya sorry. Nagmamadali--"
"Alam ko."
"Saka ko narealize na maganda ka pala."
"Haha bolero."
"Bolero? Hindi mo alam na maganda ka talaga?"
"Alam syempre but the word bolero is a kinda word that should have to tell because sometimes those guys were saying special words to take something on one girl. Either she's beautiful or not."
"Parang sinasabi mo na may pakay ako sa'yo?"
Tumawa ako. "Kung ano man ang pakay mo kung bakit mo ako binobola, wala akong paki diyan. Basta ba sasaya ako."
Siya naman ang tumawa. "Kakakilala ko palang sa'yo eh. Napaka advance mo naman."
"Pero maganda ako 'di ba?"
"Oo naman." Sa totoo lang. Ayoko nang patagalin pa ang usapan. Gusto kong magkamabutihan na kami para kung magkikita kami bukas ay date nalang. Wala nang ligawan pang magaganap.
"So, irate mo ako."
"One to ten? I rate you 6?"
"It was just a passing grade. Ang baba naman."
"Atleast pumasa ka sa panlasa ko."
Tumawa kami pareho. "Pasang awa naman."
"Comment gusto mo?"
"Okay sige."
"Inuulit ko, maganda ka. Hula ko madali kang ma-in love. Madali kang ma attract."
Mali siya. "Paano mo nasabi?"