Vincent's POV
May natanggap akong tawag. "Hello, is this Vincent?" Tanong ng hindi ko kilalang kausap ko. Babae at halatang may edad na. Parang si Nanay. Bigla akong kinabahan dahil baka related ito kay Aika. Ilang araw ng dito sa bahay natutulog si Aika at alam kong may mangyayaring kakaiba.
"Ako nga po, pwede ko po bang malaman kung sino kayo?"
"I'm Aika's Mother! I need to talk to you as soon as possible." Lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko.
"Sa-saan po?"
"Pwede bang pumunta ako diyan sa inyo? Wala bang problema?"
"Magkita nalang po tayo!"
"Alam ko kung paano pumunta diyan. May kasama akong alam ang lugar niyo. Para hindi ka na maabala at para maging lihim naman ang pagkikita natin. Para walang makakita bukod sa mga kapit bahay niyo."
"Nakakahiya naman po eh."
"Wag kanang mahiya. I'll go there. Pwede ba?"
"Kayo po ang bahala." Kinabahan ako. Pero ang inaasahan ko ay ang Daddy niya ang kakausap sakin.
Ilang minuto ang lumipas ay may kumatok sa bahay. Binuksan ko at isang lalaki ang bumungad sakin. "Andiyan si Madam Claire, ang Mommy ni Aika." Sabi nito at sumilip ako. Nakita ko ang isang magandang babae at mukhang bata pa.
Para lang silang magkapatid ni Aika. "Tuloy kayo." Sagot ko at dalawa silang pumasok. Hinanda ko ang upuan at pinaupo sila pero ang kasama ng Mommy ni Aika ay nakatayo lang at may dalang attache case. Lalo akong kinabahan
Nagsimula siyang magsalita.. "Ikaw pala si Vincent? Ang gwapo mo. Kung itsura rin lang, kaya kitang irate ng nine over ten. Almost perfect. But sa attire at sa katayuan sa buhay. Make it zero kung ikukumpara kay Aika. Hindi pa kasama diyan ang talino even though may pinag-aralan ka. I think you are a high school graduate. Tama ba? Kaya hindi sapat ang kakayahan mo para mabuhay sa karangyaan na tinatamasa lang ng mga marurunong na tao... But, pwede kang swertehin like, manalo ka sa lotto. Oh di kaya'y sa negosyo. Paano kung wala kang alam kundi ang magtrabaho ng nauukol sa pinag-aralan mo? Think of it Vincent. Gagawin kong ten times na mas mababa si Aika sa katayuan niya ngayon. At gagawin mong 10 times na mas mababa ang katayuan mo. Ano ang kinalalabasan? Gawin na nating thirty times na mas mababa si Aika at ikaw ay ten times lang. Parang isang college student sa isang sikat na eskwelahan sa Pilipinas na pumatol sa isang taong grasa na namamalimos sa daan." Ansakit agad ng mga sinabi niya sa'kin. Hindi ko magawang magsalita. "Ano ang masasabi mo Vincent? Alam kong may itsura kang dapat na pantayan ng isang babae kaya I think, kung pera lang ang hahanapin mo, kaya mong mag-asawa ng isang babaeng maganda na iniwan ng asawa at may sariling hanap buhay na sasapat para hindi ka na magtrabaho. 'Yun ang tanging pinaka mataas na kaya mong makuha. Baka nga hindi ka pwede sa isang may-ari ng franchise ng isang sikat na fast food chain eh. Baka awayin ka ng Magulang ng babaeng liligawan mo? Sabagay, alam ko namang hindi mo mai-isip 'yun dahil kulang ka sa kaalaman. Hindi kita gustong saktan Vincent dahil isa lamang akong ordinaryong babae noon na minahal ng asawa ko ngayon. Pero para makuha ko ang isang asawa na katulad ni Edgardo. Pinasa ko ang board exam na ako ang nasa top. Nakuha ko ang atensyon ng magulang ni Edgardo at ako ang niligawan nila para mapasagot ako ni Edgardo." Tumingin siya sa'kin at ngumiti. Hinihintay niyang magsalita ako pero wala akong masabi. Huminga lang ako ng malalim. "I wondered, paano mo napa-ibig ang katulad ni Aika? Isa lang ang nakikita ko, dahil gusto ni Aika na mamuhay ng normal. Nai-intindihan ko naman 'yun pero dadating din ang araw na sasaya si Aika pag may asawa na siyang karapat dapat sa kaniya. Hindi pa ngayon. But soon, magaganap na. Andito ako ngayon para kumbinsihin ka na hiwalayan si Aika. Hindi mo kasi alam kung sino ang pinasok mo, it's better to say, hindi mo kilalang maigi ang Pamilya ng minahal mo. Minahal mo na kung minahal. Pero since, sayang nga naman ang itsura mo diba? My husband was busy but even if he's a busy businessman, he wanted to talk with you but pinigilan ko siya. Ako na ang umako ng dapat niyang gawin. Para mas maging madali." Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso. Ngayon ko nakikita ang laki ng agwat namin ni Aika. Nagagawa akong purihin ng magulang niya pero nilalait din niya ako. May katotohanan sa lahat ng sinasabi niya kaya wala akong magawa. Wala akong masabi. "Ibigay mo sakin ang brief case na 'yan!" Sabi niya at nilapag ng lalaki ang dala niyang attache case. Binuksan. Sabi ko na nga ba. Pera ang laman nun. Kahit alam ko na ay nanlaki ang mata ko. "Nagulat ka ba?" Hindi parin ako nagsalita at iniwas ko ang tingin ko sa pera. "Even your quality as a person isn't enough for that quantity of that bunch money. Sinadya kong damihan dahil nagawa mong pa-ibigin ang katulad ni Aika. Aba, mahirap ang ginawa mo ah. Think of it. Kung hindi mo tatanggapin 'yan gaya ng napagkasunduan niyo ni Aika. Malaking gulo ang hatid. At kung mas mataas pa diyan ang pangarap mo, 'wag mong tanggapin dahil mas marami pa diyan ang makukuha mo pag kinasal ka kay Aika. Which is maling mali dahil sa dami niyan, hindi malabong buhay ang maging kapalit."
"Wag kang maniniwala sa kaniya."
Ha?! Sino 'yung nag salita? Nakita kong nakatigil ang dalawang nasa harap ko.
"Ako 'to!"
Nakita kong may lumilipad sa paligid na isang dalagang diwata. Nananaginip lang pala ako. Salamat naman.
"Sino ka?"
"I'm your Fairy God Mother. Hindi ka nananaginip." Sabi niya at huminto sa tabi ko.
Kinurot ko ang sarili ko at nasaktan ako. Hindi ako nananaginip! Tumingin ako sa paligid. Walang nagbago pero miski ang mga alikabok na lumilipad ay huminto. "Ano ang ibig sabihin nito?" Tanong ko sa kaniya.
"Wag mong papairalin ang takot Vincent. Saka na ako magpapaliwanag sayo!" Ngumiti siya at lumipad uli at nagpunta sa likod ng Mommy ni Aika na parang istatwa dahil nakatigil. Nagtataka talaga ako.
"Bakit mo sinasabi 'yan?"
"Tinupad ko ang wish mo kaya nakilala mo si Aika. Mabuti kang tao."
Naalala ko ang napanaginipan ko nung naidlip ako sa kama ni Aika sa suite niya. Tama nga ang hinala ko pero naliwanagan na ako. Hindi kami pwedeng magkatuluyan ni Aika.
Poof!!
Waaaah! Naging pulubi ang Diwata. Teka, natatandaan ko siya. Siya ang binigyan ko ng biskwit at kape.
Poof!!
Bumalik siya sa dati. Manghang mangha ako.
"Ano sa tingin mo Vincent? Alam mo na ngayon kung bakit kita tutulungan?"
"Pero walang kapalit ang tulong na binigay ko sayo noon."
"Alam ko."
"Ano ang talagang pakay mo?"
"Naniniwala ka ba sa destiny?"
"Dipende!"
"Kayo ang nakatadhana ni Aika. Kaya kahit buhay mo pa ang kapalit ay 'wag kang susuko. 'Wag mong tatanggapin ang perang 'yan. Nililinlang ka lang ng Mommy ni Aika."
"Paano mo nasabi?"
"Dahil alam ko na gusto nilang layuan mo si Aika. Kung magpapatalo ka sa kaniya. Wala nang chance para yumaman ka."
"Pero kung hindi kami bagay ni Aika. Ayoko nang maging mayaman. Hindi ko tatanggapin ang pera pero lalayuan ko si Aika alang ala sa pwedeng mangyari. Hindi sa natatakot akong mamatay pero para wala nang gulo, hihiwalayan ko nalang si Aika."
"Magagawa mo bang hiwalayan ang mahal mo? Kaya mo bang hayaan si Aika na maging malungkot habang buhay?"
"Kaysa naman magka-gulo pa?"
"Ako ang bahala. Maniwala ka sakin. Kayo ni Aika ang destiny. Kayo ang magkakatuluyan. 'Wag kang matakot sa posibleng mangyari. Isugal mo ang buhay mo."
Biglang nawala ang Diwata. Gumalaw ang Mommy ni Aika at nagsalita. "Ikaw na Vincent ang maging spectator sa paligid. Ano ang iisipin mo kung makakita ka ng katulad ng isang taong grasa na minahal ng isang College student? Ganito nalang, what if ang isa sa kapatid mong babae ay na-in love sa ayaw mo? What if, pinag-aral mo siya at pinagtapos then, ang minahal niya ay isang walang kwentang tambay. Ano ang gagawin mo?" Hindi na naman ako makapag salita. Naalala ko ang sinabi ng Diwata.
"Isugal mo ang buhay mo."
Bahala na. Kung totoong panaginip 'to ay hindi mangyayari ang sinasabi niya. Tama siya na mali nga ang ginawa ko pero kung sa kapatid ko mangyayari 'to, malamang magalit nga ako. Kaya ganun nalang ang awat nila kay Aika. Bahala na. Hindi ko tatanggapin ang pera kahit buhay pa ang maging kapalit. Ayokong malungkot habang buhay si Aika. Kung mabuting tao ang makakatuluyan ng kapatid ko, sa tingin ko, wala akong magagawa kundi pumayag. Hindi ko tatanggapin ang pera.