Aika's POV
Oh my god! Ang galing niya talaga. Idol ko talaga siya. Nanonood ako ng PBA sa Moa. Minsan kasi may libre akong oras kaya sinisingit ko na ang panonood ng PBA. Minsan lang naman akong mag saya eh. Pag uwi ko ay maganda ang mood ko dahil nanalo ang San Miguel Beermen. "Aika!! Saan ka galing?" Tanong ni Daddy. Malas naman. Bakit gising pa siya? 'Yung magandang mood ko napalitan ng badmood. Kainis!
"Nanood lang ng Basketball sa Moa Dad!" Sagot ko dahil ayokong magsinungaling.
"You were spent your time to that nonsense event?!"
"I didn't spend it to nothing. Kasiyahan ko 'to Dad kaya minsan naman, payagan niyo na ako."
"Hindi ka isang ordinaryong babae Aika! Hindi bagay sa'yo ang--"
"Tama na!!" Umalis ako at pumasok sa kwarto. Salita siya ng salita sa labas, I don't care whatever he said. All of my life, sila na nagpapaandar ng buhay ko. I'm already 23 years old at ako na dapat ang masusunod at hindi na sila. Para sa kanila kasi very cheap nga naman ang manood ng PBA. Doon kasi ako masaya. Hindi ko natupad ang pangarap ko dahil sa kanila. Gusto kong maging Animator sa Japan pero ayaw nila. Masakit sa loob ko ang lahat pero tinanggap ko.
The nextday ay nag labas ako ng sama ng loob sa bestfriend ko. Ito ang sabi niya... "Kaya mo bang suwayin sila? Gusto mo ba ng gulo?"
"Oo! Gusto ko ng gulo!!"
"Baliw ka Aika. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Kung ako sa'yo, sunod ka lang sa lahat para wala nang gulo, walang away at walang samaan ng loob."
"Naiinis ako sa takbo ng buhay ko."
Tumulo ang luha ko. "Aika naman, 'wag ka nang umiyak. Lahat naman ng ginagawa ng Family mo ay para sa'yo din." Hinimas niya ang likod ko. Pero walang epekto sa'kin dahil miski si Almira na kaibigan ko ay hindi ako kayang tulungan.
"Gusto kong inisin sila. Ganti sa lahat ng pagkakulong ko. I feel I'm 23 years imprisonment. Kung ano ang gusto ko, ayaw nila, kung ano ang gusto nila, hindi ako pwedeng umayaw."
"Lahat na ng kasiyahan nasa sa'yo na. Naiinggit nga ako sa'yo eh. Hindi katulad ko. Hindi alam ng magulang ko kung ano ang ginagawa ko. Hindi nila alam pwede akong pamahamak kung hindi ako magtitino."
"Ako ang naiinggit sa'yo Almira."
"Aika."
"Ikaw, buti ka pa, walang nakiki-alam sa'yo."
"Mahirap din ang ganito ah. Nagagawa ko nga ang gusto ko, wala namang nag aalala sa'kin na magulang. Feeling ko, walang nagnamahal sa'kin."
"Ako? Sa tingin mo, tamang pagmamahal ba ang binibigay sa'kin?"
"Siguro, ayaw lang nilang magkamali ka."
"I'm almost perfect because of them. I've almost got all the things presciously. I almost forgot what is wrong. And you know what Almira, for me the wrong can do the right. Also those bads can do good 'cos I didn't experience bad things but I've been experienced sorrow and sadness. It's very hard all of my life, I haven't experienced to be happy."
"Aika. Andito naman ako eh. Isa nalang ang kailangan mo."
"What?"
"Kailangan mong ma-in love."
"Hindi ako mai-in love kailan man sa taong hindi ko gusto."
"Mai-in love ka rin dahil tamang lalaki ang magmamahal sa'yo. Sila na ang bahala. Time won't disappoint you. Sundin mo ang gusto nila at pag umandar ang oras, hindi mo namamalayan, nagmamahal ka na pala."