14. Kapalit Ng Buhay

154 5 1
                                    

Vincent's POV

"Magkita tayo!" Patay! Ano ang gagawin ko? Mukhang disidido si Aika sakin.

"Sige!" Sagot ko at sinabi niya kung saan ko siya hihintayin. Dun mismo kung saan kami nagkita. Hindi na ako nagulat kinabukasan pero hindi ako pumayag na sumama sa suite niya. Pigil na pigil ang damdamin ko ng oras na ito dahil kung alam lang ni Aika kung gaano ko kagusto na kasama siya at mahalikan siya. Kung gaano ko kagustong maging kami uli sa kabila nang alam ko na ang kinalalabasan pag naging kami pa uli.

"Pwes! I won't help you." Sabi niya! Kung itutuloy ko 'tong pangyayari. Mababaon kami sa utang pag hindi ako humingi ng tulong sa kaniya.

"Ibaba mo na ako!" Sabi ko at hindi niya tinitigil ang kotse.

"Why?!"

"Alam mo, hindi ako pwedeng sumama sa suite mo!"

"Why?!"

"Hindi magandang pagmasdan! Baka isipin ng mga kasama mo sa building, nanlalalake ka. Ang habol ko lang naman ay matulungan mo akong makahanap ng trabaho!"

"Alam mo Vincent, hindi naman importante kung ano ang isipin ng ibang tao! They could judge me but it's a matter of fact, they will not be the people who can make me happy."

Naku mahirap 'to. "Ibaba mo na ako dahil hinihintay na ako ng girlfriend ko!"

"May girlfriend ka na? Sabi mo wala!"

"Wala kahapon pero ngayon meron na. Akala ko kasi tutulungan mo akong maghanap ng trabaho eh. Hindi pala."

"What are you talking about?! I may help you but it seems like you don't want me to help you! Okay, kung hinihintay ka na ng girlfiend mo. Bumaba ka na!" Ansakit! First time niya akong pagsalitaan ng ganun. Okay lang. Ipagdadasal ko na lang ang mga mangyayari. Halos umiyak ako dahil nakaya kong ibahin ang lahat.

Umuwi ako at nakita ko si Nanay. "Ano balita Vincent?!"

"Wala!"

"Wala! Sige ayos lang." Inaasahan niya kasing may nangyari sa lakad ko ngayon. Bahala na bukas. Pagdating ng hapon ay tinawagan ako ni Aika.

"Hello Vincent!" Sobrang saya ko dahil akala ko maghahanap na siya ng iba. Ano kaya ang kailangan niya?

"Aika."

"Yes it's me! Saulado mo ang boses ko ah!"

"Oo naman, nakasave ang number mo!"

"Oh my god! I thought binura mo!" Ay potek naman. Hindi ko naisip magpanggap!

"Muntik na. Bakit tumawag ka?!"

"Isang tanong?"

"Ano 'yun?"

"Maganda ba ako?" Hmmm alam ko na. Mukhang nagustuhan niya ang ugali ko. Pero kung magpapanggap akong masamang tao, baka umayaw siya sakin. Naalala ko nung nakilala ko siya noon. Wala akong pinakitang ugali na kakaiba. Sunod lang ako dahil mayaman siya. So, it means, mabait ang hanap niya.

"Alam mo Aika. Maganda ka. Wag kang mayabang. Mula pa noong pinanganak ka, alam mo sa sarili mo na maganda ka!"

"So, in short?"

"Mayabang ka!" Napaka pigil ng damdamin ko! Bakit ba natatakot akong magalit siya sakin? Bakit ipinagdadasal ko na wag sana siyang magalit? 'Yun naman ang gusto ko diba?

"Paano naman ako naging mayabang?!"

"Gusto mong malaman ang sagot mula sakin kahit alam mo na naman!"

"So, what is your answer? I know it's enough to know for you, I'm so beautiful." Alam kong medyo ganito nga si Aika pag nag uusap sila ni Almira. Kaya kailangan ng commonsense pag siya na ang nagsalita. Binabaan ko siya at pinatay ko ang phone. Pag humaba pa ang pag-uusap, alam kong magkakaigihan lang kami. Teka! May girlfriend na nga pala ako. Bakit parang interesado pa siya sakin? Ano ba talaga ang pinaka plano nitong babaeng 'to?! Oo nga pala, baka tumawag 'yung isa sa kumpanyang inapplayan ko. Nakakainis naman. Binuksan ko ang phone at nakabasa ako ng text.

Destiny Can't Be ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon