13. Rewind

131 5 2
                                    

Vincent's POV

"Siya ba ang magulang ni Aika?" Tanong ni Nanay ng makaalis na ang kausap ko.

"Oo, siya nga."

"Alam ko na ang pinunta niya dito. Gumawa ka ng paraan para wala nang gulo. Gagawin nila ang lahat para maghiwalay kayo ni Aika. Gusto mo bang ipakulong ka pa nila?"

"Hindi mangyayari 'yun!"

"Walang imposible sa pera Vincent. Hiwalayan mo na si Aika para wala nang gulo." Pumasok ako sa kwarto at nag-isip. Humiga at umidlip. Nagpakita na naman sa'kin ang Diwata.

"Vincent."

"Andiyan ka na naman?"

"Oo, mabuti at tinibayan mo ang loob mo."

"Mahal ko si Aika at masakit sa'kin na hindi na kami magkikita. Pero naguguluhan na ako. Bakit kasi andiyan ka? Nag iba tuloy ang plano ko."

"Alam mo Vincent. Kayo ni Aika ang nakatakda. Soulmate!"

"Ano ba ang ibig sabihin ng soulmate na 'yan?"

"It means, hanggang kamatayan." Alam ko na ang gustong sabihin ng diwata na 'to. Maaaring tama nga siya pero baka hindi na magtagal ang buhay ko. Kinakabahan ako. Baka sa sobrang pagmamahal sakin ni Aika, magpakamatay siya pag namatay ako. Hindi ako natatakot mamatay. Ganiyan ko kamahal si Aika. Pero ayoko namang mabuhay si Aika ng malungkot. Inamin niya sakin na ako ang nagpasaya sa kaniya pero papaano nalang pag namatay kami pareho? Destiny ngang matatawag kaso sa kabilang buhay naman.

"Kung maibabalik lang sana ang oras. Hindi ko na sana kinilala pa si Aika."

"Well, kung ibabalik mo ang oras, you're already in love kaya kahit anong gawin mo, masasaktan ka."

"Ako lang ang masasaktan at hindi si Aika!"

"Paano mo nasabi?"

"Dahil hindi niya ako makikilala."

"Alam mo ba ang plano ni Aika?"

"Oo alam ko. Naghahanap siya ng kagaya ko."

"Kahit anong gawin mo, masasaktan siya."

"Sabi niya, kikilalanin niyang maigi. Sa tingin ko, hindi ganito kasakit kung ibang lalaki ang makikilala niya."

"Pero kahit ibalik mo ang panahon para ibahin ang pangyayari, hindi mo din kakayanin na ibahin pa."

"Paano mo nasabi?"

"Dahil kayo ang nakatadhana!"

"Paano kung hindi ko siya kilalanin?"

"Imposible!"

"Hindi imposible dahil iiwas ako sa lugar kung saan kami nagkita."

"Hindi ka sasakay ng MRT?"

"Alam mo 'yun?"

"Oo dahil sinusubaybayan kita."

"Hindi na lang ako aalis ng araw na 'yun kung sakali."

"Sure ka? Kailangan mo ng trabaho diba? Paano ka makakaiwas kung ang MRT ang daan? Paano ka makakaiwas kung tinanghali ka nang gising at kailangan mong umiwas sa traffic?"

"Hindi nga ako aalis ng araw na 'yun. Hindi kita tutulungan at hindi ko makikilala si Aika."

"Kailangan mong makapasok sa trabaho. Kaya lang naman hindi ka natanggap dahil nakausap mo si Aika. Pang 103 ang resume mo. Hindi na umabot sa 100. Importante sa'yo ang makapasok sa trabaho dahil kung hindi ka mag aapply huli na ang lahat. Mahirap ang trabaho sa Pilipinas kaya kailangan mong makuha ang trabaho na 'yun. Matatagalan pa ang mababaon kayo sa utang. Kahit iatras pa ang oras, malamang, mag aapply ka parin."

Destiny Can't Be ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon