8. Aika's Decision

160 6 2
                                    

Vincent's POV

"I just missed you. I wanna see you right now." Hiling ni Aika nang makausap ko siya sa phone.

"Tanghaling tapat?" Reklamo ko dahil ang init sa labas.

"Ya! Masama ba?"

"Oras ng trabaho mo?"

"I'm able to see you."

"Hindi ako pwedeng magpunta diyan?"

"Mahal mo ba talaga ako?" Nakakainis naman si Aika. Ano kaya ang pumasok sa isip niya? Bakit niya ako tinawagan ngayon para makipagkita?

"Mahal kita pero kung makikipagkita ka sa'kin, 'wag naman diyan." Natatakot kasi ako na baka may mangyaring kakaiba.

"Dito lang pwede dahil andito ang work ko. Please Vincent. After will be seen each other, in just an hour, pwede ka nang umalis."

"Aika. Mamaya na."

"If you really love me. Come here. You know how to go here right? Find me in 4th floor. We were not together last couple of nights. We're missing each other. I badly miss you. Please Vincent! I was--"

"Sige na nga. 'Wag ka lang mag-isip ng kung ano-ano!" Pareho kami ng nararamdaman.

"Okay. Find me in 4th floor, okay? I love you. See you soon!" Nagbihis agad ako at pumunta sa hotel nila.

May sumalubong sakin. "Sir! Ikaw ba si Vincent?"

"Ako nga."

"Sumunod kayo sakin." Pa'no ako nakilala nito? Naglalakad kami at sumakay ng elevator hanggang 4th floor. Pagtapos ay nakita ko na agad si Aika at sinenyasan na sumunod ako sa kaniya. Magkalayo kami at halatang hindi niya gustong may makakita sa'ming magkasama. Kakasunod ko, nakarating ako sa isang kwarto na pinasukan niya.

Binuksan ko ang pinto. "Hi Vincent!" Hinalikan niya agad ako.

"Bakit ba--" Tinakpan niya ang bibig ko.

"Wag ka nang magtanong. Wala lang akong ginagawa ngayon eh. Naisip kong papuntahin ka. Hindi mo ba ako namiss?"

"Namiss syempre kaso biglaan kasi." Kami lang ang tao sa kwarto.

"Sayang kasi ang oras ko. I know we have a limitation. Hindi pa kami nagkikita ni Daddy. Mag-aaway kami nito mamaya. Nag-aalala ako. Basta tulungan mo ako."

"Alam ko naman 'yan! Kaso paano kung ngayon niya tayo makita?"

"My Dad isn't here. So I'm able to do what I want. Hindi naman magsusumbong 'yang mga staff na 'yan. Paki-alam ba nila. And I don't wanna spare my time to nothing. Did you get that Vincent?"

"Okay!" Hinalikan niya ako. Alam ko naman na ang presensya ko ang gusto niya at hindi ang sex lang. Ganun din kasi ang nararamdaman ko pero kanina ay may takot ako.

"Masaya ka ba?" Tanong niya.

"Oo naman." Tumingin ako sa kaniya.

"I am so much happy either. I love you Vincent."

"I love you too!" Pagtapos pa ng ilang minuto ay umalis na ako.

Habang pauwi ako ay tumawag siya. "Hello Vincent. Aalamin ko muna ang sasabihin sakin ni Daddy. Then tatawagan kita mamaya. Be ready ah. I know anytime soon makakausap mo si Daddy. Just be true to yourself. Hindi nila tayo maaawat. Mahal na mahal kita."

"Oo na. Hindi ako natatakot. Kahit praktisin ko pa ang sasabihin ko, alam kong hindi ako papasa. Maghihintay nalang ako at sana wala namang mapahamak."

"Trust me, okay? I'll call you later."

Umuwi ako sa'min. "May problema ba?" Tanong ni Nanay.

"Wala naman." Kami lang ni Nanay ang tao ngayon sa bahay. Nasa school ang mga kapatid ko at namamasada naman si Tatay.

"Wala? Parang meron? Bakit dito ka natulog?"

"Minsan na nga lang Nay eh."

"Iba ang nararamdaman ko ngayon Vincent. Sinasabi ko sa 'yo. Mahirap ang pinasok mo. Okay nga lang sana kung short time girlfriend mo lang si Aika. Ramdam ko nagmamahalan kayo. Ako na ang nagsasabi sa 'yo, mahirap 'yang pinasok mo."

"Hindi ko naisip 'yun Nay. Una, ang hirap tanggihan ni Aika. Naranasan kong mabuhay ng maginhawa mula nang makilala ko siya. Pangalawa, sinong tanga ang hindi magkakagusto kay Aika? Ang ganda, parang model sa ganda. Para akong may girlfriend na artista ang level."

"Mas higit pa sa artista si Aika. Ang artista pwede pang maghirap. Pero si Aika, imposible na. Sikat ang Hotel nila dito sa Pilipinas. Hindi mo naisip 'yun? Wala ka nang dapat pang gawin kundi makipag hiwalay sa kaniya."

"Parang hindi ko kaya Nay."

"Kahit bawiin niya ang negosyo, huwag kang matakot. Nakakaraos tayo ng wala siya diba?"

"Mahal ko siya Nay! Hindi mo ba naiintindihan?"

"Pero dati ka nang nakabangon sa pagkasawi kaya kayanin mo!"

"Iba ang sitwasyon noon. Mahal ako ni Aika at hangga't lumalaban siya, lalaban ako. Noon, hindi ako lang ang pwedeng lumaban kaya nasawi ako. Ayokong bali-walain ang bagay na may magagawa ako."

"Vincent! Inaalala lang kita. Baka buhay mo ang maging kapalit!"

"Hindi mangyayari 'yan Nay. Hindi hahayaan ni Aika na mangyari 'yun."

"Hindi tayo sigurado!"

"Wag muna nating pag usapan Nay."

"Bahala ka. Basta nag-aalala lang ako. Sa kagustuhan mong umasenso, baka mapahamak ka."

"Huwag ka munang mag-alala." Maraming pwedeng mangyari. Ang pinaka masakit ay baka tama si Nanay. Masyadong makapangyarihan ang Pamilya nila. Hindi malayong mangyari na ipapatay ako. Itigil ko na kaya? Masakit eh. Try ko munang malaman ang mangyayari. Mahal ko si Aika.

Tumawag uli si Aika pagdating ng hapon. "Hello Vincent. You won't go to my suite. Ako na lang ang pupunta diyan."

"Bakit?"

"Nag away kami ni Daddy at hindi pwedeng umuwi ako sa suite ko. Sa Mansyon ako uuwi. Pero hindi ako uuwi doon. Gusto kong kasama kita."

"Aika. Sundin mo muna sila pansamantala."

"Hindi pwede. Gusto kitang kasama. Kung susundin ko sila, paano na tayo?"

"Pansamantala lang naman."

"Kahit na. My Dad always hires a man. 'Wag na natin pang patagalin Vincent. If they don't want you as my future husband. Aalis ako sa kanila."

"Malaking gulo 'yan Aika!"

"Even I will not do it, so very big problem will come. Ano ang gagawin natin? Magtago? Habang buhay na pasikreto?"

"Basta kausapin mo muna ang Daddy mo. Baka madaan mo sa pag mamakaawa."

"No! I Won't do that. Sarado ang tenga ni Daddy. Kilala ko siya! Ganiyan siya pag may gusto. Hindi pwedeng magmakaawa. Ilang beses ko nabang ginawa 'yun? Sa course ko at sa ex boyfriend ko. Alam niyang siya ang mananalo kaya hindi siya makikinig sakin. Wait for me. I'm going to go there." Binaba niya ang phone. Kinakabahan ako. Disidido si Aika na huwag akong iwan. Gulo nga ito. Kailangang makaisip ng paraan. Hanggang sa dumating na siya. Humalik siya kay Nanay at nilapag ang mga pasalubong. Yumakap siya.

"Baka masundan tayo ng Daddy mo."

"I don't care. Aalis ako sa kumpanya. Hindi ko na kakayanin pang sumunod sa kaniya."

"Aika! Umuwi ka muna. Magkikita naman tayo ng lihim eh. Paghandaan muna natin."

"If what would happen possibly, is the same what will happen near in the future. I don't wanna follow my Dad no matter what happens."

"Huwag muna ngayon."

"Basta. My Dad will know this but I don't care. Hindi niya na ako kayang pigilan this time." Wala na akong nagawa nang dito natulog si Aika sa maliit naming bahay.

Destiny Can't Be ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon