6. Confession

185 6 0
                                    

Vincent's POV

Andito ako ngayon sa maliit na bahay namin. Kasama ang tropa, nagpainom kasi ako. Habang nasa kasarapan ng inuman ay tumawag si Aika. "Hello Vincent! Umuwi ka sa suite ah." Paalala niya. Nasa Mansyon siya nila at ako naman ay dito sa'min. Ilang buwan na rin kaming magkasama sa iisang bubong at bihira talaga kami magkahiwalay. Pag papasok siya sa trabaho lang at pag uuwi ako at siya. Bihirang mangyari. "Sige, I think tanghali ako makakauwi maybe wala ka pa."

"Alam mo naman kasi na gusto kong nasa bahay kita pag uuwi ako sa hapon diba?"

"Oo na! Ikaw talaga. Lagi nalang ikaw. Paano ako? Gusto din naman kitang makita diba?"

"Bola!"

"Bahala ka. Kung ayaw mong maniwala."

"Hindi eh."

"Mamatay man ang buong angkan ko. Mahal na mahal kita."

"I don't know kung totoo!" Nagtatawanan lang ang tropa habang nag-uusap kami ni Aika. Totoo naman na mahal na mahal ko siya. Nasanay na akong kasama siya.

"Alam ko naman na mahal mo ako. Kaya kahit hindi ka siguro maniwala, walang magiging problema."

"Oo na, I really miss you Hon! Goodnight ah. Walang away diyan. Pagtapos matulog na kayo!"

"Mamaya na. Nag-uusap pa tayo!"

"Wag ka nga Vincent. Parang hindi na tayo magkikita ah."

"Disadvantage talaga pag hindi ka naniniwala sakin."

"Ano bang hindi na niniwala. I was just kidding, I believe in you. I love you. I need to rest."

"Sige na nga. I love you too." Pagkasabi ko ay naghiyawan ang lahat. Bago ibaba ni Aika ang phone ay tumawa siya dahil narinig niya ang hiyawan. Kilala na rin naman ni Aika ang ilan sa mga tropa ko. Kahit hindi naman kailangan ay kinilala niya. Siguro, para makilala niya ako ng lubos. Minsan kasi kailangang sa iba malalaman kung ano talaga ang ugali natin at hindi sa pakitang tao lang. Pero hindi ko naman hinuhusgahan si Aika. Alam kong hindi siya duda sa pagkatao ko. Laking pasasalamat ko at dumating siya dahil kung hindi, walang wala ako. Natatakot nga lang ako na baka bigla kaming maghiwalay. Kumikita ang Computer shop namin at ang karinderya. Anytime pwede nang mawala si Aika. Pero bakit natatakot parin akong mawala siya? Siguro nga hindi na pera ang habol ko sa kaniya ngayon. Totoong gusto ko siyang makita araw araw.

"Pards. Ang swerte mo talaga." 'Yan ang madalas sabihin sakin ng tropa. Maganda na si Aika, nahuhuthutan ko pa ng pera. Iba pa 'yung kita sa negosyo namin at iba pa 'yung pang araw araw na gastusin ko. Noon minsan lang ako maki-ambag sa inuman pero ngayon, ako na ang taya sa lahat. Nagbabar pa kami minsan at kasama pa si Aika. Libre lahat ng sumama.

Kinabukasan ay umuwi ako sa suite ni Aika. Nagkita kami ng hapon. "Kamusta? Pasensya na talaga Hon. Busy ako. Medyo inspired ako sa ginagawa ko. Natutuwa nga sa'kin si Daddy eh." Sabi niya at yumakap sa'kin.

"Basta kahit anong mangyari, mahal na mahal kita." Hindi parin mawala sa isip ko 'yung paghihiwalay namin. Ni minsan hindi ko mai-magine na mabubuhay kaming normal na mag asawa. Walang kaduda duda na mahal niya ako kaso paano na ang mga magulang niya?

"No matter what happens. Mahal din kita. Ano pa ba ang kinakatakot mo?"

"Alam ko din naman 'yan. Natatakot lang ako na baka isang araw bigla ka nalang mawala."

Humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin. "Alam mo Vincent. Masaya ako ngayon. Kasi andiyan ka. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay. Sobrang malungkot ako dahil na sa akin na nga ang lahat, hindi ko naman alam kung papaano patatakbuhin ang buhay ko ng maayos. Hindi ko makita ang hinahanap kong saya. Hindi ako nagsisisi kung nakilala man kita. Wag mo munang isipin ang hinaharap. 'Yung ngayon muna ang pagtuunan natin ng pansin."

Destiny Can't Be ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon