Aika's POV
Nasa meeting na ako ngayon. Marami kami dahil kailangan lahat ng shareholders kasama. May bago na namang business partner si Daddy haaay. Kailangan ko lang naman na bumoto. "Any comment Ms. Aika Adriano?" Tanong sakin.
"Nothing." Ansama ng tingin sakin ni Daddy. Na kay Vincent ang isip ko. Pinilit kong mahalin si Vincent kahit kahapon lang naging kami. Yeah! He's already my boyfriend. Walang ligawan. Naging kami automatically. I know how to love but I didn't know how far I will. I will love him para inisin ang Parents ko. Para inisin lang ba o para totohanin ko na?
After meeting ay mag-isa akong naglakad papuntang office nang sundan ako ni Daddy. "Aika?!"
"Why?" Nilingon ko siya.
"I wanna talk to you. Please come." Binirahan niya ng lakad papuntang office niya. Hindi pwedeng suwayin dahil away lang. I followed him. Then we entered into his office. "Ano ba Aika? Hanggang ganiyan na lang ba ang kaya mo? Wala ka na bang planong matutong magpatakbo ng negosyo?!" Bungad niya sakin na hindi ko na ikinagulat.
"Dad! Easy, I know how to handle a business. I just take my time. I'll study again if you like." Pero ibang negosyo ang itatayo ko.
"You will be the owner of this hotel someday. Ngayon palang dapat mo nang pag aralan ang lahat. Study? Parang enjoyment lang ang habol mo! You already finished one course. How many course do you want to take?"
"Alam ko naman Dad eh." May plano ako para hindi na nila ako minamanduhan.
"Alam? Out of place ka nga kanina?!"
"Oo alam ko. Ano tingin mo--"
"Stupid!!" Hindi ako nakapagsalita. Pag ako ang naging Presidente ng kumpanya, parang hindi din naman ako ang masusunod dahil ang magiging asawa ko ang talagang papahawakin ni Daddy. Oo ako ang may pinakamataas na share pero wala akong karapatan na magmando ng hotel. Sa Anak ng kumpare niyang mayaman na isa din sa share holders ng hotel ako balak ipakasal. On the future, nakikita ko na ang mangyayari. Hindi parin ako ang masusunod. "Mag asawa ka na Aika!"
"Ayoko pa Dad!"
"23 ka na!"
"I'm still young."
"You're still young? When I was on that age, marami na akong alam and I'm into our business aggressively. 'Yun ang gusto ni Daddy kaya gusto ko hindi lang dahil sa gusto niya, dahil idol ko siya." Magka-iba tayo Dad. Hindi ko siya masagot dahil hindi pa ito ang oras. But anyway, kahit anong sabihin niya, bali-wala sakin. Hindi nalang ako magsasalita para matapos na. I ended the conversation and habang papunta ako sa office ko para magpahinga ay tinawagan ko si Vincent.
"Hello Hon."
"Hi I miss you." He so sweet pero hindi pa ito ang oras para sabihing mahal niya na ako. I think he loves my money at this time. Dadating ang oras na mamahalin niya na ako ng totoo.
"Well I miss you too. Kamusta diyan?"
"Okay lang. Paalis ako. Uuwi lang saglit."
"Bumalik ka bago ako umuwi ah."
"Okay."
"Ingat ka muna ah. Hindi pa alam ni Daddy na may boyfriend ako ngayon but just wait soon and I'm gonna tell him about us."
"Plano mo talaga? Hindi pa ako ready eh."
"I'm not yet too ready but you are my future husband."
"Ah sige, basta kung sakali lang, tulungan mo sana ako."
"Oo, siguro palipasin muna natin ang ilang buwan." The truth is, wala akong pakay na sabihin kay Daddy ang lahat. Hahayaan ko lang na malaman niya at malaman ang reaksyon niya. Pinapasakay ko lang si Vincent para malaman niyang may responsibilidad siya sakin. Hindi pwedeng isipin niya na hanggang secret boyfriend lang siya. I know he's happy for being my secret boyfriend because I have a money but he should have known na seryoso ang kakaharapin niya.
"Hi!" Pumasok si Almira sa office ko.
"Hello!" Nakaupo lang ako at nag-iisip.
"Hinahanap ka ng pinsan mo."
"Hayaan mo nga siya!" Sagot ko na pataray. Pinsan ko kasi ang OIC ng managers sa hotel. Ako ang isa sa Assistant ng mga Manager.
"Mapapagalitan ka na naman."
"Oo na!" Lumabas kami at nagpakita. Meeting na, meeting pa. Utos dito at utos doon. Minsan tuloy napagbabalingan ko ang mga empleyado sa asar ko. Andaming galit sakin na staff dahil sa kanila ako bumabawi ng init ng ulo ko. I so hate this job. Umuwi ako nang nag-iisa. Ayaw daw akong istorbohin ni Almira. "Hi Hon." Humalik ako kay Vincent.
"Nagluto ako para sa 'yo."
"Talaga! Marunong ka palang magluto?" So, pinag luto niya ako. Marunong naman siya ng mga Filipino food. Masarap din. Namiss ko ang mga ganung pagkain. He cooked sinigang na hipon and adobo. I oftenly eat at the resto in hotel. Sometimes I cooked for myself but hindi ganito kasarap. Okay naman kami, para kaming nasa honeymoon stage ni Vincent. His action is very natural. Hindi naman ako buhay reyna. I like that. Inutusan pa niya akong magmasahe before we sleep. Ginising ko na naman siya kinabukasan. "Hindi ka ba sanay gumising ng maaga?"
"Sorry!" Inaantok pa niyang sagot. Sanay naman akong mag isa kaya kahit walang Maid ay inaasikaso ko ang sarili ko. Unless kung nasa Mansyon ako. Tinawagan ako ni Daddy at kung ano ano na naman ang bilin sakin. Ang gusto ko lang sa kaniya ay hinahayaan niya akong mamuhay mag isa but it's not good enough to say that I'm free to decide. Tulad ngayon. Minamanduhan parin niya ako. "Sorry Aika ah. Sinasanay ko pa ang sarili kong gumising ng maaga." Sabi ni Vincent at yumakap sakin when I'm on front of the mirror, katatapos ko lang maligo. Alam ko naman 'yun.
"Pero nung nakilala kita umagang umaga-mainit ang ulo mo."
"Pag may lakad ako, nagigising ako."
"Okay okay." Ilang araw ang lumipas at day off ko. Nagdate kami ni Vincent. We do a lot of things na kinagulat niya. Mahilig din kasi ako sa mga pangkaraniwang ginagawa ng mga mahihirap or rather say, ng mga ordinaryong tao. We watched PBA at Moa. I saw him na masaya siya. Hanggang isang araw, niyaya ko si Vincent na pumunta sa kanila. "Hi po!" Bati ko sa Nanay niya. Siguro mga anim sila sa isang maliit na bahay. Bago naman kami magpunta ay sinabi na ni Vincent lahat kaya hindi na ako nagtaka. Apat silang magkakapatid at nag aaral pa lahat. Ang Tatay niya at siya lang ang inaasahan sa gastos. Mababait sila and alam kong likas silang mababait at hindi lang dahil sa pera kaya mababait sila sakin. Ramdam ko naman 'yun dahil sa kilos at pananalita nila. Binuksan namin ang shop nila na ako ang nagpatayo. Nanay pala niya ang magturo sa kaniyang magluto kaya may karinderya na sila ng dahil sakin. I like his Family. Masaya ako kay Vincent dahil hindi lang boyfriend ang nakita ko sa kaniya. Parang may bago na akong Pamilya. Ano kaya ang sasabihin ni Daddy pag nalaman niya 'to? Nung una I'm not sure kung kaya ko bang ipaglaban si Vincent but now. Ipaglalaban ko siya kay Daddy dahil napapamahal na ako sa kaniya. Binibigay ko ang pangangailangan ng Family niya. Hindi lang fulfilment ang nakita ko. Nakatulong pa ako.
One time, nag resort kami kasama si Almira. Close na ni Almira si Vincent. Magkakasama kami and I was wearing two peace swim suit na kausap ko si Vincent. Tumawag si Daddy. "Hello Aika. Where are you?"
"I'm here in somewhere. Why ba?"
"You need to seattle something here."
"I know my responsibility Dad."
"Not just like that Aika. You have to be serious!"
"I know Dad!" Nanonood lang sila Almira sa'kin habang kausap ko si Daddy. Ang gusto kasi ni Daddy ay saka na unahin ang pagsasaya. Day off ko ngayon. Day off is day off. Hindi ako seryoso sa trabaho. Hindi katulad nila. Puro pera ang laman ng isip.