Vincent's POV
Pagkatapos nun ay niyakap ko si Aika para iparating na handa akong gawin ang gusto niya. Medyo nagtaka pa siya dahil ang alam niya ay aayaw na ako sa gusto niyang mangyari. Kaya daw niya pinagtapat ang lahat dahil alam niyang duwag ako. Alam niyang aayaw ako pero hinarap ko siya. Tama nga ang Diwata. Kung alam ko lang ang nakaraan ni Aika ay hindi ko na pinayagan pang mangyari na ibalik ang oras. Ngayon, dahil mahal ko si Aika ay handa akong mamatay. Muli akong kinausap ng Diwata. "Ano?! Naniniwala ka nang hindi mo na kaya pang baguhin ang nanaraan?"
"Pwede isa pang rewind?" Hiling ko dahil nakaisip ako ng idea.
"Bakit?"
"Basta! May isa akong naisip na gawin."
"Ano 'yun?"
"Tutal, miski sa nakaraan ay ayaw na naming maghiwalay ni Aika. Gagamitin ko nalang ang pera niya para maging karapat dapat sa paningin ng Magulang niya."
"Hindi na pwede Vincent. Balak mo na namang ibahin ang mangyayari? Pinangungunahan na kita. Hindi na magbabago pa ang pwedeng mangyari."
"Ano ba talaga ang mangyayari?"
"Hanggang sa kasalukuyan lang ang alam ko. Hindi ko alam kung ano talaga ang mangyayari. Ang tanging alam ko lang ay destiny kayo ni Aika!"
"Pa'no nga mangyayari 'yun eh halata naman sa Mommy niya na hindi pa kami tapos. Napag isip isip ko na rin na hindi talaga kami bagay ni Aika. Imposible na kami ang magkatuluyan."
"Basta ang tanging masasabi ko lang ay 'wag lang matakot sa kamatayan!"
"HINDI NGA AKO TAKOT!!"
"Wag kang magalit. Ang akin lang, 'wag mong isusuko si Aika kahit ano'ng mangyari."
"Alam ko na. Mamamatay ako."
"Wag kang matakot! Ano kung mamatay ka? Ang mahalaga, hindi ka duwag at hanggang sa huli, naipaglaban mo ang nararamdaman mo. Napakita mo sa kanila na tanging ang kamatayan lang ang makakapagpahiwalay sa inyo!"
"Walang silbe pala!"
"Nagkakamali ka. Ang pagkamatay dahil sa pagmamahal ay hindi kailan man magiging walang silbe. Oo at talunan ka sa sarili mong paningin. Pero kung mabubuhay lang si Aika, dadalhin niya hanggang sa katandaan ang kabayanihang ginawa mo at napatunayan niyang, may lalaki na handang mamatay para sa kaniya."
"Kung hindi ako papayag na hiwalayan si Aika. Kamatayan lang ang nakikita kong solusyon para hindi kami magkatuluyan. Kung papatayin nila ako para doon, masama silang tao. Nakaya nilang pumatay para lang mapahiwalay ako sa Anak nila."
"Hindi imposible Vincent. Oh sige, ikaw na ang bahala sa gusto mong gawin. Ayoko nang pangunahan ka pa."
"Kung mag-iiba lang sana ang nangyari sa nakaraan, kung hindi ako makikita ni Aika, kung makakahanap ako ng trabaho, kung makakahanap ako ng babaeng kaya akong tanggapin ng magulang, mas pipiliin ko nalang ang ganun."
"Paano na si Aika? Malungkot siya, ayaw niyang magpatalo sa Parents niya."
"Talo kami! Hindi namin sila kaya!"
"Pero kayo ang nakatadhana."
"May paraan pa para maiba ang mangyayari!"
"Ano?"
"Kailangang malaman ni Aika na mamamatay ako. Kailangang ibalik mo ang oras lingid sa kaalaman ni Aika. Si Aika mismo ang babago ng mangyayari. Kung hindi niya ako makikilala sa MRT, iba ang makakatuluyan ko at pakakasalan ni Aika ang lalaki na nararapat sa kaniya para walang mamatay!"