Vincent's POV
Andito kami ngayon sa tabing dagat kung saan tinatanaw namin ni Aika ang palubog na araw. Nakaupo kami sa bato at nakaupong magkayakap. Isang Linggo na ang nakakaraan buhat ng kami'y ikasal. Pinayagan kami ng Daddy niya na magbakasyon kaya andito kami ngayon. Tahimik lang kami at nagsalita siya. "Vincent! Ngayon ko lang itatanong sa'yo 'to mula nang ikasal tayo. Masaya na ako. Wala na akong mahihiling pa. Pa'no mo napapayag si Daddy na pakasalan ako? Kailan pa? Ang buong akala ko kay Jerico ako ikakasal eh. I don't know why? But it made me completely happy."
"Ang Daddy mo ay isang mabait na tao. Sabi niya sakin. Sinisiguro niya ang kaligtasan mo. Isang daang porsyento na liligaya ka. Kaya si Jerico ang napili niya sa'yo. Minamanmanan nila ang bawat lakad mo at syempre, imposibleng hindi nila malaman na sa'kin ka nakikipagkita ng patago. Kinausap niya ako at gusto niya akong mawala sa landas mo. Hindi ko kaya. Mas pinili ko na lang na gawin nila ang gusto nila."
"Pero sa tingin mo. Ano ba ang sinasabi ng Diwata na 'wag mong hayaang mamatay ka?"
"Hindi ko rin alam."
"Hindi malinaw sa loob ko kung ano ang plano talaga ni Daddy eh. Pa'no ka niya kinausap? Natakot ako nung time na hindi mo ako tinatawagan."
"Kaya ko nagawang hindi ka tawagan dahil nakapag-usap na kami ng Daddy mo matapos tayong maghiwalay. Hinarang ako ng mga tauhan niya. Pinilit niya akong 'wag nang magpakita sa'yo pero hindi ko kayang ipangako. Binantaan niya akong papatayin niya pag nakipagkita pa ako sa'yo. Pinag-isipan kong maigi ang sinagot ko."
"Ano ang sabi mo? Patayin ka nalang instead na layuan mo ako."
"Hindi!"
"So what?!"
"Sabi ng Diwata, 'wag kong hayaan na mamatay ang sarili ko. Nang mga oras na 'yun, natakot ako dahil may kasama ang Daddy mong papatay sa'kin. Dinala nila ako sa liblib na lugar. Hindi ko sinabing patayin niya ako."
"Don Edgardo! Wala kang magagawa kundi ito lang? Sa tingin mo ba ang kamatayan ko ang daan para mawala ako sa landas niyo?"
"Natatakot ka bang mamatay na?"
"Hindi ako natatakot! Ang akin lang, hindi mo alam ang mangyayari pag pinatay mo ako."
"Kinuha niya ang baril at tinutok sa likod ng ulo ko."
"Don Edgardo! Mas lalong lalala ang sitwasyon pag pinatay mo ako. Payo lang po... Si Aika na ang tanungin niyo sa bagay na 'yan. Oras na magmakaawa siya para lang mabuhay ako. Masusunod na ang gusto mo. Kay Aika nakasasalay ang lahat at hindi sa'kin. Sinasabi ko sayo, hangga't hindi ako iniiwasan ni Aika, hindi ako iiwas. Oras na mamatay ako ngayon. Pwedeng habang buhay na dalhin ito ni Aika sa puso niya. Bali-wala rin. Hindi ko kayang iwasan si Aika kaya tama nga ang sinabi mo, si Aika na mismo ang iiwas sakin."