2. MRT

218 8 1
                                    

Vincent's POV

Mag-aapply ako ngayon ng trabaho. Gutom na naman. Dala ko lang pamasahe, biskwit at 3 in 1 na kape. Ang hirap naman. Tiis tiis muna. Sana matanggap ako. Wala pa akong kain ang aga aga, kainin ko na nga 'tong biskwit. "Manang pagbili po ng mainit na tubig." May nadaanan akong karinderya.

Pinaheram niya rin ako ng baso. "Saan ka pupunta?" Tanong sakin ni Manang.

"Mag aapply po."

"Ganun ba? Sana makapasa ka."

"Salamat." Pag mahirap lang ang kausap mo, mabait sa'yo. Tutulungan ka pa minsan pero pag mayaman, walang paki-alam sa'yo. Kapwa mayaman lang niya ang tinutulungan niya. Hindi ko pa nakakain ang biskwit at hinahalo ko ang kape, nakakita ako ng matandang namamalimos. Open kasi ang karinderya kaya kita ang labas. Nahiya naman ako sa sarili ko. Kung ano ano ang iniisip ko, samantalang ako hindi ko magawang tumulong. Panigurado, gutom na ang matanda. Tumingin ako sa biskwit ko at kape. Hindi sila nakakabusog pero malaki ang maitutulong nito sa matanda, sa pansamantalang pagkabusog kahit ilang oras lang. Kaya ko namang magtiis eh. Ang hindi ko matanggap, akusa ako ng akusa sa mamayaman, isa rin pala akong hindi matulungin. Makakilala lang talaga ako ng mayaman na magkakagusto sakin, peperahan ko talaga. Makabawi lang sa lahat.

Tumayo ako at tumapat sa nakaupong matanda. Binaba ko ang biskwit at kape. "Paki sauli nalang po 'yung baso diyan." Umalis ako at narinig ko ang pasasalamat ng matanda.

Walang silbi ang sinabi niya. Hindi ako yayaman sa pasasalamat lang. Nang makakayo ako ay tumingin ako sa matanda. Ngingitian ko man lang siya dahil nakakagaan ng loob ang tumulong.

Pero!

Nawala ang matanda? Saan nagpunta 'yun? Baka pumasok sa loob ng karinderya. Makakatiis naman ako ng gutom eh. Umakyat ako para sumakay ng MRT. Pipila ako nang may babaing nagtanong.

"Kuya! Pwede po magtanong? Pa'no ba sumakay dito? First time ko kasi eh." Tanong ng magandang babae. Lumaki siya dito dahil halata sa punto niya.

Tapos hindi marunong sumakay ng MRT?!

"Pumila po kayo tapos bumili ng card. Sabihin niyo po kung saan kayo bababa."

"Sa Edza!"

"Sige pila kayo diyan. Tapos may instruction arrow doon sa card. Ipapasok mo doon para makadaan ka then, bahala ka nang sumakay sa tren."

"Ganun ba?" Medyo lito pa siya.

Pumila siya then nakita ko may kausap siya. Sabi ng kausap niya... "Pila lang kayo tapos bumili. First time mo ba? Sige sasamahan kita, sabay na tayo."

Anak nang putt! Walang tiwala? Nagtanong pa sa iba? Gaano ba kahirap ang itsura ko para mag second opinion pa siya? Pansin ko na nakatingin siya sakin at may hawak na pitaka. Halatang mayaman siya. Ah kaya pala. Sino ba naman ang magtitiwala sakin diba? Una, hindi ako mukhang matalino. Pangalawa, baka isipin niya niloloko ko siya. Haay nasira ang mood ko nakakainis. Kung ako lang may kotse. Hindi ako ganito eh. Nakakapikon ang mga mayayaman. Respetado na, mapanghusga pa. Pwes hindi ko sila nirerespeto.

Pagkabili ko ay nakita ko ang babae sa likod ko. "Kuya! Thanks ah." Sabi niya. Ano? Thanks? Nakatulong ba ako? Hindi ko dama.

"Wag ka na mag pasalamat dahil hindi naman ako ang tumulong sa'yo." Sa galit ko.

"Pero ikaw ang unang nagsabi sakin diba?"

"Oo ako nga pero nagtanong ka pa sa iba. Wala ka bang tiwala sakin?" Binirahan ko ng alis para malaman niyang galit ako.

"Teka muna Kuya! Hindi ko--"

"Kung wala kang tiwala sakin, sana hindi mo na pinarinig sakin na hindi ka naniniwala." Sinusundan niya ako habang naglalakad ako.

Destiny Can't Be ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon