UNTI-UNTI-DAHAN-DAHAN, CHANGE IS COMING
PAGLABAS NIYA ng pintuan ng silid na iyon ay saka niya na-realized na ang kuwartong pinagdalhan sa kanya ng apat at ang hide-out ng mga ito.
Dito tumakbo noon si Damien nang tiradurin niya.
Iba na talaga pag mayayaman. May sarili pang tambayan sa Dream Academy. At least, napawi na ang gutom niya at pakiramdam niya ay nakabawi na siya ng lakas. Kahit di na siya kumain ng hapunan ay keri na niya.
Naubos niya ang pagkain. Dahil yata sa matinding gutom. At saka first time niyang nakatikim ng ng masasarap na pagkain. Lalo na 'yung cheesecake. Gutom siya kaya sobrang na-appreciate niya ang mga pagkaing iyon. Pero para sa kanya, mas masarap pa rin ang mga luto ng Nanay niya.
Ini-lock niya ang pinto ng kuwarto at saka tumingin sa kanyang mumurahing relo. Fifteen minutes to go para sa kanyang next class. Pag-angat ng tingin niya ay saka lang niya napansin ang nanlilisik ang mga mata na si Margaret kasama ang kaibigan nitong maldita rin. Parang sadyang inaabangan siya.
"Aba, may milagro, bes! Look! Galing siya sa siesta room ng F4! Ako nga di pa nakakapasok diyan!" patutsada nito sabay angat ng kilay.
"Why kaya? Ano ang purpose niya?"
"Oo nga. Bakit ka nandiyan?"
"Hindi ko alam. Hindi ko nga alam kung paano ako napunta rito, eh." seryoso pero matapang na sagot niya.
"Sino ang lolokohin mo? Malamang you are flirting with Damien and his friends."
"Hindi iyan totoo!"
"Oh, hindi raw totoo, bes. Sino ang lolokohin niya?" nakataas pa rin ang kilay na pang-iinis ni Margaret.
"Kung totoo man, bakit ka nanggigigil?"
"Layuan mo siya, please!"
"Sino kang mag-uutos? Girlfriend ka ba niya?"
"Malapit ka na kaya stay away from him."
"Pag girlfriend ka na niya, sabihin mo sa akin."
"Aba! Palaban ka?"
"Hindi ako basta pumapatol. Pero huwag mo akong subukan. Kaya kong paduguin ang mukha mo kapag kinanti mo ako!"
"Aba! At nagmamatapang ka na talaga!" inis na inis na react ni Margaret.
Umangat ang kamay nito para sana sampalin siya pero isang kamay ang maagap na pumigil rito.
"Huwag mo siyang guluhin, Margaret. From now on, stay away from her. Ako ang makakalaban mo kapag sinaling mo kahit dulo ng buhok niya." si Damien.
Seryoso ang mukhanito. Nakatingin sa kawalan. Napalunok siya. Sobrang daming pagtataka ang nasa isip niya. Bakit ba biglang naging very good person ang kumag na ito sa kanya?
Halata ang takot sa mukha ni Margaret. It seems, takot talaga ang nilikha ni Damien sa mga mag-aaral ng Dream Academy. Napumiglas si Margaretpara kumawala sa pagkakahawak ni Damien. Lumuwag ang kamay nito at hinimas ni Margaret ang wrist at saka hinila ang kaibigan na lumayo sa kanila.
Mula sa titig sa kawalan, bumaba ang tingin ni Damien sa kanya.
"From now on, hindi ka na niya guguluhin. Kapag ginawa niya iyon, sumbong mo sa akin," wika ni Damien at saka siya tinalikuran.
Sa halip na matuwa ay parang nainis pa siya. Bakit ba biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Sobrang nakaka-torture ang mga ipinapakita ni Damien sa kanya ngayon. From being so rude at bully, biglang bumait na parang santo. Hindi siya nakatiis at hinabol ang lalaki. Nilagpasan ito at saka hinarap. Lakas loob na dinuro niya ito sa tungki ng ilong.
BINABASA MO ANG
DREAM ACADEMY Series one - FEARLESS MATCH
RomanceA story that will evolve around the modern international university na itinayo sa Pilipinas owned by Korean and Filipino investors and whose target patronage are the rich and famous. Built somewhere sa bulubunduking lugar sa Rizal, ang Dream Academ...