***MGA BAGONG KAIBIGAN***
NAPATINGIN siya sa katabi. Atubiling ngumiti dahil sa seryosong mukha nito. Pero nagulat siya nang ngitian siya nito ng maluwang.
"Hi! Hindi ka pamilyar. Hindi ka dito nag-aral ng highschool?"
"Hindi. Sa public school ako galing."
"Oh, I see. You must be an scholar?"
"Tama ka. Scholar nga ako."
"Congrats. Just be yourself at huwag kang papaapak sa mga classmates natin, ha? I knew most of them. Classmates ko sa highschool. They are bullies and you can be the their target."
"Thank you."
"By the way, my name is Rainne."
"Nice meeting you, Rainne. I'm Sharra."
"Feel comfortable with me. I am the friendly type."
"Salamat."
"And you can have me as a friend starting today."
"Talaga?" nagliwanag ang mukha niya sa tuwa.
"Yes," nakangiting wika nito.
Nahawakan niya si Rainne sa kamay pero agad rin niyang binawi.
"Pasensiya na. Baka nadumihan ang kamay mo."
"Of course not."
"Hindi ka ba natatakot na ma-virus ka dahil sa akin?"
"No! Why would I? Hold my hand..."
Itinaas ni Rainne ang kamay. Nag-aalangan man ay dahan-dahang inabot niya ang kamay nito.
"See. I'm still alive and I am not feeling any problem."
Napangiti siya. Todong ngiti. Hindi niya inaasahan na may makakatagpo siyang isang katulad ni Rainne sa Dream Academy.
"Thank you, Rainne. At least, may kaibigan na ako."
"We're friends now. Bear that in mind."
Noon pumasok ang instructor nila. Isang babaeng mukhang istrikto. Hindi ngumingiti.
"Good morning, class."
"Good morning, Ma'am." Sabay nilang wika ni Rainne.
'Yung iba, parang walang narinig.
"I said, good morning, class..." may pagdidiin na ulit ng instructor.
"Good morning..." sagot ng ilan.
Pero malamya. Parang hindi pa rin pansin ang guro.
"Okay. Let me introduce myself. I am Mrs. Rebecca de Villa. Single. Strict. Board passer. Your instructor in Accounting 1. In this subject, you will learn what is accounting, its importance and fundamentals. And as you finished this subject, you will all learn analysis of simple debits and credits. "
Habang nagsasalita ay napansin niyana naghahagikgikan ang ilang classmates niya. May visayan accent kasi ito. Bagama't nakakapagsalita ng Englihs language ay sumisemplang sa pronounciation at diction.
Seryoso siyang nakinig sa instructor. Isa ang tumimo sa isip niya. Kailangan ng Accounting subject sa course nila dahil kailangan marunong silang magkwenta. She welcomes those word of wisdom. She agrees, kailangan talaga na may kaalaman ang lahat ng tao sa Accounting para hindi naloloko sa negosyo.
One and a half hour per subject sila at dahil block system ang bawat klase, sila-sila rin ang magkaka-eskwela. Meaning, for the rest of this semester, makakasama niya ang mga kaeskuwela niyang ito.
BINABASA MO ANG
DREAM ACADEMY Series one - FEARLESS MATCH
RomanceA story that will evolve around the modern international university na itinayo sa Pilipinas owned by Korean and Filipino investors and whose target patronage are the rich and famous. Built somewhere sa bulubunduking lugar sa Rizal, ang Dream Academ...