CHAPTER EIGHT

220 6 2
                                    

"KABOG SA DIBDIB"


EWAN ba niya kung bakit tila kinakabahan siya ng umagang iyon habang papasok ng Dream Academy.

Naihatid na siya ng Tatay niya at nakaalis na ito. Siya naman ay nakapasok na sa school ground. Dahil maaga pa, kakaunti pa ang estudyante. Sinadya niyang magpaaga uli para makapaglibot. Nasira ang momentum niya kahapon habang ini-explore ng mga mata ang kabuuan ng akademya na matagal na niyang pinapangarap.

This is her second day and her first day was a disgusting experience. Umaga pa lang at may mga naka-engkuwentro na siyang mga bully. Buwena-mano ang isang may idad pero napaka-sosyalerang babae na tinawag siyang eyesore. Gayon rin ang turing ng  mga bully rin na  mga estudyante na nakakita sa kanya pagkatapos. Na nagkataong mga kaeskuwela pala niya.  Pangatlong karanasan, sa canteen. Pati baon niya ay hindi pinalampas ng mga bully. 

Bago siya umuwi ay naka-engkuwentro naman niya ang grupong Fearless 4.  At kaya pala tinawag na fearless ay walang mga kinatatakutan. Feeling ng mga ito ay mga hari sila sa akademiya. Walang pwedeng humarang sa daraanan nila at lahat ng mga nakakita sa kanila o kaya ay marinig lang ang mga yabag nila ay parang mga asong bahag ang buntot na nagtatakbuhay.

Tinuruan akong maging matapang ni Tatay. Huwag raw akong papayag na apihin ng kahit na sino kahit na mahirap lang kami. Kasi, iyon lang ang meron kami. Dignidad ng pagkatao namin na hindi pwedeng basta na lang apakan. Pwede raw tiisin ang mga salitang masasakit. Pero pag may physical harm, kailangan na akong pumalag. 

At iyon ang ginagawa niya sa ngayon. Ang hindi pumatol sa verbal abuse, pero pumalag na siya nang masaktan siya kahapon nang tabigin siya ng mayabang na kuneho na leader ng Fearless 4. 

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Inalis sa isipan ang mga negative thoughts na naglalaro sa kanyang isipan, Nagpasya siyang pumaosk sa library. Papunta siya roonn nang may humarang sa daraanan niya. Napatda siya at napako sa kinatatayuan. Ito ang sosyalerang babae na mukhang rich na unang-una niyang naka-engkuwentro kahapon ng umaga.

"Ikaw ba si Sharra Sarmiento?" nakataas ang kilay na wika nito.

"Ako nga po. Bakit po?"

Humalukipkip ang babae at saka siya pinasadahan ng tingin mula paa hanggang ulo.

"So, ikaw ang nanakit sa anak ko. Kilala mo ba ang babaeng kaharap mo?"

"Pasensiya na po, pero hindi."

"Pwes, ako lang naman ang Chairman of the Board of Directors of Dream Academy at anak ko si Damien Santillan na tinusok mo raw ng pardible kahapon.  What if natetano ang anak ko at namatay, kaya mo bang bayaran mo bang bayaran ang buhay niya? Baka ni sapatos ng anak ko ay hindi mo tapatan ng pera!"

"Mawalang galang na po. Kung makapagsalita naman kayo, parang ang anak lang ninyo ang may karapatang mamatay. Papaano naman ho ako? Mabuti na lang at hindi nabagok ang ulo ko nang banggain ako ng anak ninyo. Paano kung ako naman ang muntik namang mamatay? Care ninyo ba?"

Nanalim ang mga mata ng babae.

"How dare you talk to me like that! Walang modo!"

"Tanungin rin po ninyo ang sarili ninyo kung makatao ang ginagawa ninyong pakikipag-usap sa akin. Kung hindi naman ho ako binangga ng anak ninyo na parang bumangga lang sa hangin, hindi niya matitikman ang weapon ko."

"Ayokong sayangin ang oras ko sa isang basurang katulad mo! May kalalagyan ka! Nagpatawag ako ng emergency Board Meeting  para pag-usapan ang misconduct na ginawa mo. Kaya, pagsawain mo na ang sarili mo dito sa campus. Baka ito na ang last day mo sa akademyang ito!" sarkastikong wika ng babae bago taas noong nilampasan siya. 

DREAM ACADEMY  Series one   -   FEARLESS MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon