HIMALA PARA KAY SHARRA
ONE hour bago ang first subject niya ay nasa Dream Academy na siya.
Tumigil siya makalagpas ang second gate. Ito ang lugar na pinangarap niyang makita kahit tanaw lang. Napagbintangan pa siya ng masama ng mga guwardiya dahil sa kagustuhan niya itong masilip.
Kagabi pa siya restless. Pinag-iisipan ang sinabi ng Tatay niya na magmula nang mapasok siya sa Dream Academy ay palagi na siyang napapaaway. Na hindi niya dating nararanasan. 'Yung mga small weapons niya, in case of emergency lang iyon. Nakahanda siya just in case na may maengkuwentro siyang insidente na nangangailangan ng rescue. At hindi niya inaasahan na magagamit niya ang pardible at tirador para ipagtanggol ang sarili niya sa iisang tao. Sa isang lalaking makisig nga pero medyo bastos. No. Hindi medyo bastos lang. Bastos na bastos to the highest leverl. Tanggap niya na guwapo ang kamoteng iyon pero sobrang sama naman ng asal. Pumapatol pa sa babae kaya turned off siya ng bongga.
Ano nga kaya at lumipat na lang ako ng ibang school? Bakit ko ba isisiksik ang sarili ko sa eskuwelahang ito na tila isinusuka ako. Tatlo lang ang gustong nandito ako. Sina Rainne, Selina at Dan.
Pero big battle niya kung igi-give up niya ang Dream Academy. Biggest dream niya na makapag-aral dito at natupad iyon. Yes, natupad. Kaya dapat na huwag siyang panghinaan ng loob kung may obstacle dahil nandito na siya. Nakapasok na siya.
Lord help me. Ayokong isuko ang Dream Academy. Pero hanggang kailan ako makakaranas ng mga pambu-bully? Its getting in my nerves. Naapektuhan na ako kahit gusto kong magpakatatag.
Sumagi sa isip niya ang mga encouraging words nina Rainne, Dan at Selina. Nakatagpo siya ng tunay na mga kaibigan sa tatlong iyon. Always to the rescue sa tuwing nagiging biktima siya ng mga pambu-bully ni Damien. Lalo na si Rainne na napakabait at supportive sa kanya.
Nakahanda na ba akong i-give up ang mga bago kong kaibigan dahil hindi ko na matagalan ang bullying forever na situation ko? I think its not fair hindi lang sa mga kaibigan ko kung hindi maging sa aking sarili. Kailangan kong manindigan. Isang imposibleng pangarap ang makapag-aral ako sa Dream Academy. But God favored me. Hindi ko ito dapat sayangin. Hindi. HIndi ako susuko....
Huminga siya ng malalim at saka ipinagpatuloy ang pagpasok sa school ground. Pero bago niya maihakbang ang paa paakyat sa pataas na daan ay may biglang lumabas mula sa malalagong halaman at hindi niya iyon inaasahan.
Nangunot ang kanyang noo. Natuon ang kanyang mga mata sa hawak na bouquet ng lalaking iyon na ang ang lapad ng ngiti ay kaagad niyang pinagdudahan. Lumingon siya. Wala siyang nakitang tao. Sino kaya ang nginingitian ng lalaking ito?
Ngiti ni Hudas! May bobolahin yatang babae ay may dala pang bulaklak ang kamoteng ito.
Patuloy siyang umakyat. HIndi siya umiwas kung banggain siya uli ng lalaking ito. Kinapa niya ang pardible sa bulsa niya. Mas malaki na iyon. Pinakamalaking pardible na iyon sa pagkakaalam niya. Nakahanda siyang tusukin uli ang lalaking ito kapag siya ay muling binangga at i-bully.
Laban kung laban. Hindi ako dapat matakot sa kumag na ito. Come what may, no matter what.
Nang malapit na siya ay lumabas ang tatlo pang lalaki. Nakumpleto ang Fearless 4 sa harapan niya. Nakaposisyon sa una si Damien na may dalang bulaklak at ang tatlo ay pawang nakahalukipkip na nakatayo sa likuran niya.
Huminga siya ng malalalim. Ano na naman kaya ang nakatakda niyang maranasan sa mga oras na ito.
"Excuse me. Pwedeng dumaan?" seryosong wika niya.
BINABASA MO ANG
DREAM ACADEMY Series one - FEARLESS MATCH
Storie d'amoreA story that will evolve around the modern international university na itinayo sa Pilipinas owned by Korean and Filipino investors and whose target patronage are the rich and famous. Built somewhere sa bulubunduking lugar sa Rizal, ang Dream Academ...