Indeed, Change is Coming
"BAKA mangalay ang leeg mo. Hindi mo na binago yang posisyon mula kanina." puna ni Damien sa kanya.
Nanghaba ang nguso niya. Hirap na nga siya talaga. Kaya lang, ayaw niyang pagbigyan ang sariling desire na linguni uli ang mokong na it. Baka mawili siya at lumambot na ang puso niya dahil talaga namang irresistible ang kaguwapuhang taglay ng lalaking ito kapag nagmamabait.
"Sanay akong nakalingon sa kaliwa o kanan and can stay there ng matagal." pagtataray niya.
Sapilitan.
"Salamat pala at pinaunlakan mo ako na maihatid ka pauwi."
"Need kong makauwi ng maaga. Iyon lang ang dahilan noon."
"Whatever, I am thankful.
"Hindi na ito mauulit. Sinisiguro ko sa iyo na hindi na ito mauulit."
"Hindi pa ba ako forgiven?'
Noon siya lumingon. Tinapunan ng irap ang lalaki.
"Hindi!" mataray na sagot niya.
Pero saan ka naman, nakakita ng nagagalit and at the same time humahanga. Siya 'yon!
Grabe pala kaguwapo ang kumag na ito lalo na sa close shot.
Kahit dim light lang ang nakatanglaw sa kanila sa loob ng kotse, aninag pa rin ang kaguwapuhang taglay ng lalaki. Para siyang nananaginip. Ang head ng Fearless 4 sa Dream Academy, nandito at katabi niya. At super bango.
At...ihahatid siya sa bahay!
Nasapo niya ang noo at napapikit.Kahit na anong tigas ng kalooban niya, nagsi-sink in ngayon sa mind niya kung gaano siyang kasuwerte sa mga oras na ito. Sikat ang kumag na ito sa campus nila. Ang daming may crush. Pero bakit sa isang katulad niya, na nobody at nakapanakit pa ng pisikal rito sa pamamagitan ng kanyang mga kakaibang weapon, ang pinalad na makasakay sa sasakyan nito ngayon?
Anong meron sa utak ng lalaking ito? Sobrang nakaka-scare!
"Pwede bang kumain muna tayo? Nagugutom na ako, eh." pagkuway wika nito.
Gutom na rin siya pero hindi niya hahayaang dahil lang sa pagkain ay makapuntos ang lalaking ito. Baka isipin, pagkain lang pala ang katapat niya.
"Pwede mo na akong ibaba diyan, oh. Sasakay na lang akong tricycle pauwi sa amin."
"No. Gabi na. Konsensiya ko pag may nangyari sa iyo."
"Sabi mo nagugutom ka na. Huwag mong pigilin yang gutom mo. Bababa na lang ako." binalingan niya si Mang Steve. "Para na lang po ako diyan sa tricycle station."
"No, Steve. Ihatid na muna natin siya," agaw ng lalaki.
Hindi siya nakapiyok. Tingin niya, anumang pagtutol ang gawin niya ay hindi papayag si Damien. Tunay na nangangapa siya kung ano ba ang motibo ng lalaking ito. Minabuti niyang ibaling na muli ang tingin paiwas sa lalaki. Kungdi lang nag-aalala siyang mahirarapan siya sa pagsakay ay hindi niya gugustuhing sumakay sa kotse ng lalaking ito.
BINABASA MO ANG
DREAM ACADEMY Series one - FEARLESS MATCH
RomanceA story that will evolve around the modern international university na itinayo sa Pilipinas owned by Korean and Filipino investors and whose target patronage are the rich and famous. Built somewhere sa bulubunduking lugar sa Rizal, ang Dream Academ...