CHAPTER THREE

388 13 16
                                    

***UNANG ARAW SA DREAM ACADEMY***


HANDANG-HANDA na siya sa first day ng klase niya sa Dream Academy.

No uniform required at walang dress code kung kaya ang isinuot niya ay white t-shirt na pinatungan niya ng pink jacket at maong pants. Wala siyang dalang bag kungdi backpack. Wala pa siyang idea kung ano bang klaseng mga estudyante ang makakasalamuha niya pero sa ganitong attire siya komportable.

Ramdam niya ay magiging OP siya sa akademya pero hindi iyon ang mahalaga. Kinakabog rin ang dibdib niya because of fear of rejection pero pinalalakas niya ang loob sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa napaka-imposibleng pangyayaring ito sa kanyang buhay.

Imagine, makakapag-aral siya sa isa sa pinakasikat na kolehiyo sa bansa. Ang mahalaga sa lahat ay makakapag-aral na siya and it's a dream come true.

Bahala ka na po sa akin, Lord. Whatever, pilit kong kakayanin, makatapos lang ako ng pag-aaral.

Pababa na siya nang may maalala.

Nor to forget my secret weapon. Anytime, anywhere, ay palagi kong kasama.

May kinuha siya sa cabinet niya at inilagay iyon sa small pocket ng kanyang pants.

Paglabas niya ng bahay ay nabigla siya sa nakita.

"Tara na. Sakay na. Ihahatid na kita," alok ng ama.

Natutop niya ang bibig. Isang pink motorcycle ang bumungad sa kanya. At nakaupo roon ang ama, ready to go.

"K-Kanino iyan, 'Tay?"

"Para sa iyo, anak. Dagdag blessing buhat kay President Wang."

"Talaga po? Sobrang bait naman ng mamang iyan."

"Balak nga niya ay kotse ang ibigay sa iyo. Pero tinanggihan ko, anak. Ang sabi ko, hindi bagay sa katayuan natin. At ayokong mabuhay ka na may pagkukunwari."

"The best talaga ang Tatay ko. Wala akong ma-say."

"This week ay ihahatid muna kita. At itutuloy ko na ang pagtuturo sa iyo sa pagpapatakbo ng motor."

"Di ka na makakatanggi, 'Tay. Dati ayaw mo akong matutong magmaneho ng motor. Now, kailangan na talaga. "

"Basta, ingat ka lang sa pagmamaneho anak. "

"Opo, 'Tay. Magiging maingat po ako."

"Tara na. Kasabay na natin ang Nanay mo at nang makapagbukas na siya ng karinderya."

Naupo ang Nanay niya sa likod ng Tatay niya at siya naman ay sa likuran ng ina pumuwesto. Ang bayong na lalagyan ng mga lulutuin ng ina sa karinderya ay itinali sa likuran ng motor. Habang umaandar sila ay pinagtitinginan sila ng mga tao. 'Yung iba ay natatawa. 'Yung iba ay nagugulat.

Ang ganda ng bagong pink motorcycle niya. Tapos ang itsura nila, mistulang mga sano na may bayong pa sa likod. Pero hindi siya nahihiya. Very proud kaya siya sa kanyang mga magulang. Kahit mahirap lang sila ay ipinagmamalaki niya na marangal silang binubuhay ng mga ito.

Pagsapit sa karinderya ay tumangging bumaba ang Nanay niya.

"Sisilipin ko muna ang school ng anak mo. At saka gusto kong sumamang maghatid sa panganay natin."

"Wow naman. Ang swerte ko. Dala-dalawa ang naghahatid sa akin. Parang grade school ang peg."

"Pero ang aga pa natin, anak. Alas sais kinse pa lang. Hindi ba seven ang pasok mo?"

"Okay lang po, 'Tay. Sinadya kong pumasok ng maaga dahil gusto kong galugarin muna ang Dream Academy."

"Oh, siya. Kapit kayong maige. Aarangkada na uli tayo."

DREAM ACADEMY  Series one   -   FEARLESS MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon