UNANG HAKBANG PARA PAAMUIN SI DAMIEN
"'TAY, sorry po. Hindi ko na matutupad ang pangarap kong ipagpatayo ko kayo ng sariling restaurant," malungkot na salubong niya sa ama pagkakita rito sa parking area.
"Ano ba ang pinagsasabi mong bata ka? Bakit mo nasabi iyan?"
"Hindi po ba, sabi ninyo ay may importante kayong sasabihin?"
"Oo nga. Tinawagan ako ni President Wang. Binanggit niya sa akin ang mga kaganapan dito sa akademya."
Bumunghalit siya ng iyak.
"Iyan na nga po. At nakahanda na ako na malaman na last day ko na ngayon sa Dream Academy. Wala na. Patay na ang mga pangarap ko!" garalgal ang tinig na react niya, sabay subsob sa balikat ng ama.
"Kumalma ka nga. Dito ka pa umiyak. Baka makita ka ng mga estudyante ay kung ano ang isipin," wika ng ama habang palinga-linga ito. Nagsisimula nang dumami ang tao sa parking area. Naglalabasan na ang mga magagarang sasakyan sa second gate.
"Kinakalma ko naman ang sarili ko, 'Tay, eh. Pero gusto ko nang unahan ang sasabihin mo sa akin. Kinondisyon ko na ang sarili ko na ito na ang huling araw na tutuntong ako sa paaralang ito."
"Walang ganyan, anak. Guni-guni mo lang 'yan."
"Po?"
Napahinto siya sa pag-iyak at nagpahid ng mga luha.
Pinaandar na ng ama ang makina ng pink motor.
"Sakay na at sa bahay na tayo mag-usap."
Napalunok siya at saka tumalima. Umangkas sa likuran ng ama at pinaharurot na nito palabas ang motorsiklo. Napabuga siya ng hangin as a sign of relief.
"PINATIGASAN ni President Wang na patuloy kang mag-aaral sa Dream Academy. Kahit na marami ang bumoto na mapatalsik ka ng akademya ay wala silang nagawa. Ayon kay President Wang, walang pwedeng makapag-paalis sa iyo sa Dream Academy kung hindi siya lamang. Kaya ipanatag mo ang loob mo, anak. Tuloy ang laban." anunsiyo ng ama nang makauwi sila
"Talaga po?" Hindi makapaniwalang react niya. "Ang bait talaga ni Lord. Akala ko talaga ay hindi na ako uli makakatuntong sa akademya. Kailangan ko ng group hug. Pampa good vibes."
Nagyakap silang apat.
"Tuloy ang laban ko. Tuloy rin ang pag-aaral at pagsisikap ko para sa ikauunlad ng pamilya."
"Pagbutihin mo ang pag-aaral mo, anak. Huwag mong sasayangin ang napakagandang pagkakataon na ibinigay sa atin ng Diyos."
"Makakaasa po kayo, ni Nanay na pagbubutihin ko ang pag-aaral ko."
"Huwag ka munang magpapaligaw, Ate."
"Siyempre naman. Wala pa iyan sa isip ko," nakangiting wika niya sabay kusot sa buhok ng kapatid."
"Mag-iingat ka pa rin, anak. Hindi basta-basta ang mga nakabangga mo. Sabi nga ni Pres. Wang, maimpluwensiyang pamilya. At kung hindi lang niya pinatitigasan ang pagiging Presidente niya ay tiyak na wala ka na sa akademiya."
BINABASA MO ANG
DREAM ACADEMY Series one - FEARLESS MATCH
RomanceA story that will evolve around the modern international university na itinayo sa Pilipinas owned by Korean and Filipino investors and whose target patronage are the rich and famous. Built somewhere sa bulubunduking lugar sa Rizal, ang Dream Academ...