CHAPTER 14

401 6 12
                                    

"Kuryenteng Walang Plug"

"IKAW kasi. Hindi ka pa sumakay kaagad sa kotse ko. Hayan tuloy," malumanay na wika ni Harvey bago sumakay ng sasakyan nito at iniwan sila.

Naiwanan sila ni Damien na nagpapakiramdaman. Pero hindi siya nagpasindak. Hinawakan niya ang kanyang motor nang mahigpit at saka lakad takbo ang ginawa para maiwanan si Damien. Para bang may laban ang pagtakbo niya sa matuling takbo ng kotse ng lalaki.

"Sandali!" awat ni Damien.

Pero parang wala siyang narinig. Lalong binilisan ang lakad. Natanaw na niya ang second gate. Naisip niyang magpasaklolo sa mga guwardiya. Just in case na may binabalak na namang kalokohan ang mokong na si Damien. Ngunit nawalan siya ng panimbang nang biglang bumulusok ang motorsiklo pababa. Sa takot na masira ang motor ay hindi siya bumitaw sa motor. Nahatak siya nito at bumalandra iyon sa guard house. Mabuti na lang at nakailag ang guwardiyang bantay at nagawa niyang makabitaw. Kung hindi ay dalawa sila ng guwardiya na madidisgrasya. Tiyak na mangungudngod siya, either sa pader o sa lupa.

Nakupi ang unahang bahagi ng motor at nawala sa alignment ang unahang gulong ng motorsiklo.

"Oh, no!" mangiyak-ngiyak na react niya. Hindi niya matanggap na nagkaroon ng diperensiya ang motor niya ng mga sandaling iyon.Lalong lumala ang problema niya. Nasira na ang motor niya at matatagalan pa siya bako makarating sa ospital.

Napaiyak siya ng tuluyan. Sapo ang bibig na nagpalahaw siya ng iyak. Para siyang namatayan.

"Ang lala ng sira ineng. Kuping-kupi."

Lalong napalakas ang iyak niya.

"Oo nga po, eh. Pupunta pa naman ako ng ospital dahil nandoon ang tatay ko, eh."

"Naku, kawawa ka naman. Maki-angkas ka na lang kung may dadaan kahit hanggang labasan."

"Ganoon na nga lang po ang gagawin ko," anya,

Nawala sa loob niya na kasunod pala niya si Damien at hindi na siya nagulat nang makitang huminto ang sasakyan nito sa tapat nila. Nagpahid siyang luha pero hindi pa rin niya maiwasang umiyak uli. Mabilis na umibis ang lalaki sa sasakyan. Bakas ang pag-aalala pero hindi niya magawang i-appreciate iyon. Para sa kanya, wala siyang katutuwaan sa mga gagawin ng lalaking ito kahit pa magpakabit na ito ng tuluyan sa pakikitungo sa kanya.

Never!

"Ano ang nangyari? Nasaktan ka ba?"

Maraming iling ang isinagot niya, without looking at the guy na noon ay nakatingin sa kanya.

"Sir Damien, mabuti at napadaan kayo. Tulungan po ninyo si Mam. May sakit ang tatay niya at dadalawin niya sa ospital pero nasira ang motor niya."

"Kung ganoon ay sumakay ka na sa kotse at ihahatid kita sa ospital."

Natameme siya. Naunahan siya ng guwardiya na magsabi ng tungkol sa kalagayan ng ama. Tatanggi sana siya pero nahawakan na siya ni Damien sa kamay. Pero bakit ganoon? Para siyang nakuryente?

"Let's go. Need mong puntahan ang tatay mo."

"Sandali. Bitiwan mo ako!" piglas niya.

Nadaig ng galit niya ang kuryenteng naramdaman. 

Bakit ganun? May kuryente pero wala namang plug!

Nakakawala siya sa pagkakahawak ni Damien.

"Ayokong sumakay sa kotse mo! Ayokong magkaroon ng utang na loob sa iyo!" galit na singhal niya sa lalaki.

Sadyang hindi mawala ang galit niya sa mokong na ito. Ang nasa isip niya, isa itong patibong at may binabalak na kalokohan ang lalaking ito sa kanya kung kaya ito nagmamabait."

DREAM ACADEMY  Series one   -   FEARLESS MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon