CHAPTER FIFTEEN

82 1 0
                                    

No to Damien

"SAD to hear what happen to your Dad."

"Thank you, Rainne sa pagpapaangkas sa akin."

"Don't mention it. Nadadaanan ko naman ang karinderya ninyo kaya pwede ka doong maghintay sa akin hangga't hindi pa magaling ang tatay mo."

"Gusto ko na nga sanang huminto sa pag-aaral pero ayaw ni Tatay. Kabilin-bilinan niya kay Nanay na huwag akong titigil mag-aral kahit na anong mangyari. Lalo tuloy akong nagkakaroon ng desire na makatapos at pagbutihin ang pag-aaral ko."

"Wait, Rainne...' pigil niya sa kaibigan nang makapasok na sila ng first gate.

"Why?"

"Wala na 'yung motor ko. Diyan ko lang iniwanan kahapon."

Umibis siya ng sasakyan at saka lumapit sa guard on duty.

"Manong, nasaan ang motor na nandito kahapon? Nandiyan lang po iyon sa may guard house."

"Ay, wala akong alam. Kaka-report ko lang ng alas sais ng umaga. Baka 'yung guard kahapon ang nakakaalam ng sagot."

Napakamot siyang ulo. Nag-relyebo na nga ang mga guard at nakauwi na yung mga dating naka-assigned.

"Salamat po."

Lulugu-lugo siyang nagbalik ng sasakyan.

"Ano ang nangyari?"

"Nawawala 'yung motor ko, eh. Saan kaya napunta iyon?"

"Baka inalis at nakaharang sa daan. Ipagtanong natin sa maintenance mamya."

Nalulumong nahimas niya ang mukha.

"Ano bang kamalasan itong nangyayari sa akin?'

"Oh, don't say that. Don't believei in malas. Its only in the mind. There are so such thing as malas. In this world, we will face many troubles but be of good cheer for our Lord Jesus have already overcome the world. Oh, nakalagay sa bible iyan. "

"Yah, I remember that. Medyo affected lang ako. Alam ko naman na nandiyan si Lord na palaging nakabantay sa atin."

"That's it. Forget muna the negavities para hindi maapektuhan ang pag-aaral mo."

"Yes, Rainne. I will do that.'

Gusto niyang mahiya sa kanyang sarili. Siya na malakas ang loob at palaging positive sa buhay, ang bilis  sumuko. Siya na hindi basta-basta napapaapekto sa anumang pagsubok, nandito at tila nawalan na kaagad ng pag-asa. Natiis nga niya ang mga pambubully ng mga taong hindi siya gusto dito sa Dream Academy, tapos, konting trial lang, susuko siya kaagad.

Hindi dapat. Kailangang maging malakas ang fighting spirit niya. Kung nagawa niyang paglabanan dati, magagawa pa rin niya iyon ngayon. Tiwala lang at lakas ng loob.

Mabuti na lang at may isa siyang kaibigan na kagaya ni Rainne na tutulungan kang maka-angat kaagad sa kalugmukan na gustong magpahina sa iyo. Nahawakan niya ang kamay ng kaibigan at marahang pinisil iyon.

"Rainne, thank you, ha."

"Tandaan mo. Nandito lang ako palagi."


MAY SURPRISE quiz sila ng araw na iyon at kahit na medyo magulo ang utak niya ay napasahan niya ang exam at highest pa siya.

"Bilib ako sa iyo. Highest scorer ka pa gayong may pinagdadaanan ka pa," wika ni Rainne.

"Siguro dahil may retentive memory lang ako at palaging naka-focus during our class."

Lunch break nila at wala siyang baon. Hindi siya napaghanda ng baon ng Nanay niya kung kaya wala siyang balak na mag-lunch. Need niyang magtipid dahil tiyak na malaki ang epekto ang pagkaka-stroke ng Tatay niya. Hindi na ito makakapagtrabaho. Mawawalan ng kita. At tanging ang kanilang karinderya ang magiging katuwang nila sa kanyang pag-aaral. Bagama't scholar siya a Dream Academy, may mga gastusin pa rin siya lalo na kapag nasa practical na sila.

DREAM ACADEMY  Series one   -   FEARLESS MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon