CHAPTER SEVEN

220 5 0
                                    

"EPEKTO NG SMALLEST WEAPON"


"MAGBABAYAD ANG BABAENG IYON SA AKIN!" gigil na gigil na wika ni Damien.

"Ano na naman ang plano mong gawin, Damien? Gaganti ka? Stop it! Parang tusok lang naman yata  ng karayom ang ginawa niya. " tanong ni Harvey. 

"Hindi kaya nakakatuwa ang ginawang babaeng iyon?  I feel its hurting!"

"Ano ba kasi ang ginamit na weapon?" si Xian.

"I don't know. Hindi ko nakita."

"Nakatagpo ka ng kasukat. Ang tapang. Hindi natakot sa atin," tudyo niy Matthew.

"Iyon na nga ang hindi ko nagustuhan. Hindi man lang natakot. Hinabol pa tayo at tinusok ako ng kung anong bagay!"

Sinipat ni Xian ang parte ng brasong nasaktan. Medyo namamaga na iyon pero parang ang liit ng butas na iyon sa kanyang balat. 

"Ang liit nga ng weapon na ginamit. Parang tusok lang ng karayom."

"Maliit pero masakit!" Parang kumakalat na nga ang sakit."

Nakitingin si Harvey sa tusok niya.

"Kailangan mong magpatingin, Damien. Baka matetano ka. Kung mapapabayaan, pwede mong ikamatay."

"Patay agad? Hindi ba pwedeng maospital muna?" react ni Damien.

Halata sa mukha nito ang kinabahan. 

"Ang tetano, bigla kung umatake. Better search google para hindi kayo left behind." seryosong wika ni Harvey. 

Mabilis na nag-search siya sa google. Lumabas ang maraming article about tetanus. Delikado nga. Pwedeng makamatay kung hindi maagapan. 

"Delikado talaga ang tetano. Samahan ninyo ako sa clinic."


"IT SEEMS, posible kang matetano kung hindi ka kaagad nagpunta dito sa clinic. Namamaga kasi ang bahaging tinusok. Ano ba pinantusok diyan?" tanong ng may idad ng doktor sa clinic nang ipakita niya ang braso.

"Don't ask me Doc, dahil hindi ko nakita. Basta naramdaman ko, masakit ang tinusok niya sa akin," paasik na sagot niya.

Napaurong ang Doktor. Kalat sa buong akademya ang kanilang grupo. Ang matigas niyang pananalita ay tila tumakot dito. 

"Baka karayom, Dok." Si Harvey.

Palaging malumanay itong magsalita sa kanilang apat. Always to the rescue kapag maiinit na ang ulo nilang lahat

"Kung karayom iyan, delikado. Paano kung naputol at pumasok sa ugat mo. It will definitely be travelling in your veins. Magsigurado na tayo," wika ng Doktor 

Nakaramdam siya ng takot.

"Dok, tingnan mong mabuti. Baka nga totoo ang sinasabi mo."

Hinawakan ng doktor ang braso niya at sinipat-sipat.

"Medyo namamaga nga. Kaya dapat agapan. At saka, mas malaki ang tusok nito kesa sa karayom."

"Eh, ano ang ginamit niyang pantusok sa akin?"

"Duda ko ay pardible."

"Pardible!" sabay-sabay nilang react.

"Bakit gulat na gulat kayo?"

"Hindi kasi namin alam kung ano 'yung pardible."

"Sa palagay ko nga hindi ninyo alam dahil puro disposable diapers na siguro ang ginamit ng mga ina ninyo noong kayo ay maliliit pa."

DREAM ACADEMY  Series one   -   FEARLESS MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon