Confused Emotion
GUTOM siya at need niyang kumain.
Kaya kahit may mga inhibitions siya ng mga sandaling iyon, minabuti niyang kumain.
Confused siya sa mga nangyayari at tila nadagdagan na naman ang gugulo sa isipin niya. Gusto sana niya ang buhay na stress-free. Pero paano mangyayari iyon kung ganito ang gagawin ni Damien.
Sana lang, huwag na siyang pansinin. Dedmahin na lang siya. Huwag nang mag-krus ang landas nila. 'Yung totally, she can get rid of the FEARLESS 4 para maka-focus siya sa kanyang pag-aaral.
"Aba, mamahalin ang mga food ng eyesore," tinig iyon ng isang babae na may kasamang dalawa pa habang nakatingin sa mga pagkain sa mesa.
"OMG, Margaret. How can she afford to buy those foods. Hindi pa laging lutong bahay lang ang ulam niyan?" hindi makapaniwalang react ng babae.
"Baka may sponsor?" sarcastic na react ni Margaret sabay taas ng kilay.
"Baka nga?" himas himas ang baba na react ni Rainne habang tila siya sumasailalim sa isang microscope at pinagmamasdan siyang mabuti ang mga pagkaing nasa hararapan nila.
"Do you think iisa ang iniisip natin?"
"I think so."
Kinabahan siya. May alam ba ang mga ito na si Damien ang bumili ng mga kinakain nila. Eh, ano naman, sabi ng isip niya. Pero medyo naalarma siya.
"Excuse me. May problema ba?" to the rescue si Rainne.
"Oh, the bestfriend is here pala," tila nangungutyang react ni Rainne.
"Yes, I am here. Kaya huwag kayong magtaka na masarap ang kinakain namin ni Sharra. I can afford to buy these foods and its my treat for her."
Hindi siya humihinga. Waiting sa reaction ni Margaret.
"Umismid ito at pairap na tinalikuran sila.
"Hala, wala tayong maire-report kay Madam." wika ng isa sa kasamang babae ni Margaret na na-overheard nila ng kaibigan.
Nagkatinginan sila ni Rainne.
"Zhazha!" magkapanabay nilang sabi.
"I smell something, Rainne. And I think I've got the idea pero hindi ko muna sasabihin sa iyo."
"Ano 'yun, Rainne?"
"Gusto ko, tamang hinala muna ang iniisip ko bago ko sabihin sa iyo kung bakit nangyayari ang kakatwang sitwasyon na ito. I mean, why Damien is doing this."
Nangunot ang noo niya. Gusto sana niyang piliti si Rainne na sabihin ang nais nitong ipahiwatig subalit nahiya siya.
Habang sumasalipadpad ang isip, hindi niya namamalamayan na panay ang subo niya. Hindi niya nalasahan kung masarap ba ang mga nakain niya pero naramdaman nya iyon nang wala nang natirang pagkain sa mga plato.
"N-Naubos na?"
"Naku, tingin ko nga sa iyo ay gutom na gutom ka. Panay lang ang subo mo, eh. Muntik mo na akong hindi tirhan." napapatawang wika ni Rianned.
"OMG! Sa pagkain ko yata naidaos ang confusion ko."
"Food trip ka pala pag confused ka."
"Actually, now ko lang naranasan ang ma-confused ng ganito. Pakiramdam ko, gumagawa ako ng pelikula. Imagine, hindi naman kapani-paniwala ang nangyayaring ito sa akin, aba."
"The fact is, ngayon lang nangyari iyan kay Damien. Ikaw lang pala ang makakapagpabago sa asal ng lalaking iyan."
"But still, nandoon ang pagdududa ko, Rainne. Wala akong nakikitang positibong dahilan para bumait siya sa akin dahil magka-away na kami noong una pa lang mag-krus ang aming landas. Isa, pa hindi ang isang katulad ko ang pag-aaksayahan niyan ng panahon. Very unbelievable."
"But, whether you like it or not, he is giving you attention. Imagine, gumagastos siya ng ganito kalaki for you. Mahal itong mga kinain natin, ah."
"Hay, naku. Iyan na nga ang ikinatatakot ko. Wala talaga akong idea sa mga pinaggagawa ni Damien. Bakit kailangang idamay niya sina Selina at Dan?"
"Dahil gusto niyang mangyari ang nasa isip niya. Ganoon iyong kadali."
"Using Selina and Dan?
"Emotional blackmail, my friend."
"My goodness. I am so confused right now. So confused. Lalo pa at nasa ospital ang tatay ko."
Bigla niyang natutop ang bibig.
"Naku, ten ayem pala ang operasyon ni Tatay! Di ko pa nakumusta."
"Matagal ang operasyon, Sharra. Lalo pa at sa puso. Baka abutin siya ng six hours to ten hours kasama ang recovery."
Napapikit siya. Sobrang kampante ang kanyang kalooban nang maisip ang ama. Malaking pagpapala na may sumagot ng operasyon ng Tatay niya. Isang malaking pagpala si President Wang sa kanilang buhay. Wala siya sa posisyon niya ngayon kung hind dahil sa kabaitan niyon.
"Alam mo, Rainne, mali ako. Ang dami kong complain sa buhay samantalang sobra-sobra ang blessing niya sa akin at pamilya ko. Bigla akong nahiya kay Lord. Gumamit na nga siya ng tao para makakain ako ng libre, panay pa ang complain ko."
Napangiti si Rainne,
"Kaya nga. Sakyan na lang natin ang trip ni Damien. Basta huwag ka lang niyang gagawan ng masama."
"Sana."
Napatingin siya sa kanyang mumurahing relo.
"Ten minutes to go at next period na natin. Lets gom" yaya niya kay Rainne.
"Lets go.
Pagtayo nila, namataan kaagad nila ang Fearless 4. Nasa may pinto. Nakatayo lang at kunwari ay hindi sila pansin.
"Wala bang ibang lalabasan, Rainne?"
"Sad to say, isa lang ang pinto dito. Mayroon siguro sa kitchen pero obvious naman kung doon tayo dadaan at baka hindi tayo allowed.."
"Di ko alam bakit ako kinakabahan,."
"Relax. Need mong maipakita na hindi ka affected para wala na siyang makitang butas sa iyo. Chill lang friend. Lets go."
"Hindi ba ako magpapasalamat sa free lunch?"
"Well, that's good kung magpapasalamat ka. But I am not encouraging you Kung ano ang leading mo, do it."
"Magpapasalamat na lang ako and will tell him to stop this drama."
"Do you think it will be good? Eh, kung mag-thank you ka na lang without any further word to say."
Napaisip siya. Napasulyap siya sa pinto kung saan tila nakaabang ang apat. Akala mo tila nag-uusap lang at hindi sila pansin. Lalo na si Damien na kanina pa niya hinihintay na lingunin siya pero dedma lang.
Sobrang confusing talaga ang lalaking ito.
Huminga siya ng malalim at saka sinenyasan si Rainne na lumabas na sila. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, tila kinakabog ang dibdib niya habang palapit sa apat. Sobrang lakas ng kabog na tila ba naririnig na niya ang tibok ng kanyang puso.
Bakit may pa-ganito ang puso ko?
Binilisan niya ang paghakbang pero nang nasa harap na ni Damien ay hhdi na niya nagawang agpasalama.
BINABASA MO ANG
DREAM ACADEMY Series one - FEARLESS MATCH
RomanceA story that will evolve around the modern international university na itinayo sa Pilipinas owned by Korean and Filipino investors and whose target patronage are the rich and famous. Built somewhere sa bulubunduking lugar sa Rizal, ang Dream Academ...