***MATAAS NA PANGARAP***
SUNOD-SUNOD ang daan ng magagarang sasakyan sa konkretong daang iyon na nasa tagiliran ng maliit na karinderya nila
"Nagbibilang ka na naman ng sasakyan, Sharra. Araw-araw na lang ay hindi ka na nagsawa na pagmasdan ang pagpasok ng mga sasakyang iyan na patungo ng DREAM ACADEMY," napapailing na sita ng ina.
"Nakaka-impress kasi, 'Nay. Puro pang-mayamang sasakyan ang nakikita natin sa araw-araw. Iba't-ibang klase. Pwede na nga akong mag-ahente ng sasakyan dahil kabisado ko na halos lahat ang model."
"Pero hindi ang pagiging ahente ang pangarap mo, hindi ba?"
"Opo naman. Ang gusto ko ay makatapos ng kursong may kinalaman sa pagpapatakbo ng restaurant at sa pagluluto ng masasarap na pagkain. Ang plano ko ay mapalitan ng restaurant itong munting karinderya natin."
"Ang taas ng pangarap mo, anak. Naku, problema pa nga natin kung makakapag-aral ka sa kolehiyo sa darating na pasukan."
"Huwag po mawalan ng pag-asa. Ang bawat pangarap ay may posibilidad na matupad. Depende sa taong nangangarap. At gagawin ko ang lahat para matupad ang gusto kong mangyari sa pamilya natin."
"Sa ngayon ay kalimutan mo muna iyang pangarap mo, Sharra, dahil wala pa tayong katiyakan kung makakapag-enroll ka sa college."
"Okay lang po, 'Nay. Malay mo, biglang lumakas itong karinderya natin. Eh, di lalaki na ang kita mo at magkakaroon ka na ng ekstrang cash para sa pag-aaral ko."
"Harinawa. Pero tama lang sa pagkain at mga gastusin natin ang kita nitong ating karinderya na datnan at panawan ng kustomer."
"Huwag kayong nega, 'Nay. Makakapag-aral ako. Ang totoo, gusto kong diyan mag-aral," sabay turo sa likod niya.
Nangunot ang noo ng ina.
"Saan diyan?"
"Sa DREAM ACADEMY."
Nabitiwan ni Nanay Sally ang sandok na panghalo ng ulam.
"Naloloko ka na ba, Sharra? Sa sitwasyon natin ngayon, mahirap matupad ang sinasabi mo. At kung may pera man, di natin keri diyan," malungkot na wika ng ina.
"Basta po. Diyan ako mag-aaral. I claim na po iyan."
"Hay, naku. Uminom ka nga ng gamot sa lagnat at baka nahihibang ka na talaga."
IMPOSIBLE bang mangarap? naitanong niya sa sarili habang nakatingin sa malapad na daang papasok sa akademiya.
Ang tagal na niyang gustong makita ang loob nito. Sa dami ng nababasa niyang write-ups hinggil sa DREAM ACADEMY, nagkaroon siya ng hangaring masilip man lang ito. Kahit silip lang ay magiging masaya na siya.
Ang kaso, hindi siya makapuslit. Pinagbabawalan rin siya ng ama na magtungo doon dahil bawal raw. Kapag tinanong niya kung bakit bawal ay wala itong masabing dahilan.
Kaya pushed lang Sharra. Go!
Nagkataon na maaga silang nagsara ng karinderya ng araw na iyon dahil napabalitang may paparating na bagyo at baka umulan ng malakas. Nakakatakot na abutin ng malakas na ulan sa daan dahil nakatira sila sa isang lugar na mababa at madaling bahain. Ang mga klase ay suspendido na kanina pang umaga kung kaya tahimik ang malapad na daan at halos ay walang pumapasok na sasakyan.
Ang kanilang karinderya ay malapit sa kanto ng malapad na konkretong daan na iyon. May tricycle station sa kabilang side na naghahatid ng mga pasahero sa iba't-ibang subdivision. Ang mga tricycle driver at ilang ligaw na kustomer ang regular na tumatangkilik ng kanilang karinderya. Hindi gaanong kalakasan dahil malayo sa mga establishment pero sumasapat na rin sa pangunahing pangangailangan nila.
BINABASA MO ANG
DREAM ACADEMY Series one - FEARLESS MATCH
RomanceA story that will evolve around the modern international university na itinayo sa Pilipinas owned by Korean and Filipino investors and whose target patronage are the rich and famous. Built somewhere sa bulubunduking lugar sa Rizal, ang Dream Academ...