CHAPTER ELEVEN

150 4 0
                                    

EPEKTO NG SECOND  POWERFUL WEAPON NI SHARRA


ISANG kakayahan niya na labis na hinahangaan ng nakababatang kapatid na si Buboy  ay ang pagiging sharp shooter  sa paggamit ng tirador.

Kapag sinabi niyang ang patatamaan niya ng bato ay ang tangkay ng mangga, tangkay talaga ang tatamaan ng bato na pakakawalan niya sa pamamagitan ng tirador. Kapag dahon, yung itinuro niyang dahon, iyon talaga ang tatamaan. At ito ang second powerful weapon na pinanghahawakan niya sa oras ng panganib.

Sobrang nai-sressed na siya sa Fearless 4 na ito, maliban kay Harvey. Actually, maging sina Xian at Matthew ay walang ginagawang masama sa kanya. Ang kunehong si Damien lang ang talagang pasaway at nanganganib na mapatikim ng kanyang second powerful weapon.

Natatanaw na niya ang madilim na mukha ni Damien habang papalapit sa kanya. Mukhang may gagawin na namang kalokohan. Nang halos dalawang dipa na lang ang layo ng mga ito sa kanya ay bigla niyang itinaas ang isang kamay bilang babala.

"Hanggang diyan na lang kayo. Di ko kayo sasantuhin ng pangalawang sandata ko and mind you, delikado. Lalo ka na Damien na kupal!" matapang na harap niya sa lalaki.

Lalong nagdilim ang mukha ni Damien at rumehistro ang matinding galit sa mukha nitl

"Mukhang hindi natinag, Damien. Tinitingnan ka ng masama at binabantaan pa," panunudyo ni Xian.

"Well, nakatagpo ka na ng kasukat," malumanay na wika naman ni Harvey.

"Hindi ako titigil hanggang hindi siya umaalis sa akademyang ito. She wants more? I'll give her more!"

Mabibilis ang hakbang na lumapit sa kanya si Damien. Inihanda niya ang kanyang sandata. Nilagyan ng bala ang tirador,r habang mabilis na lumalakad ng paatras.

"Stop moving! Hindi ako nagbibiro!" babala niya sabay umang ng tirador.

Pero desidido si Damien na lapitan siya. Kung ano ang binabalak nitong gawin sa kanya ay wala siyang idea. Pero hndi niya hahayaang makalapit ito. Inasinta niya ang target. Ang singit ng lalaki!

"Oh, no! Baka mabasag!" react ni Rainne sabay tutop ng bibig.

HINABOL ni Harvey ang mabilis na paglakad ni Damien.

"Delikado ka. Huwag ka nang lumapit. 'Yang kinabukasan mo, mahirap na ma-compromise."

"Mabuti kung tumama siya! Isang babae lang iyan. Tiyak daplis ang bala niya."

"Paano kung hindi?"

Natigilan si Damien.

"I'll take the risk. I'll teach that woman a lesson!"

"At ano ang balak mong gawin?"

"Just watch and see..."

Binilisan ni Damien ang paglakad habang panay ang atras ni Sharra at biglang huminto. Pumikit pa ang isang mata nito na tila ba gagamit ng palaso sa pagtudal.

Pinakawalan nito ang bala ng tirador...

KITANG-KITA niya na nanlaki ang mga mata ni Damien at napabuka ng maluwang ang bibig sabay tutop sa bunganga at gayon rin sa pang-ibaba nito na tinamaan ng bato.

"Ang sakiiiiit" hiyaw ni Damien habang nagtatatarang at hindi malaman kung anong puwesto ang gagawin."

Natatarantang pinalibutan ng tatlo pang miyembro ng Fearless 4 si Damien.

"Did she hits you there?"

"Is it broken?"

"Does it bleed? Sumagot ka? Dadalhin ka na namin sa ospital!"

DREAM ACADEMY  Series one   -   FEARLESS MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon