***ANG KATUPARAN NG ISANG PANGARAP***
BAKASYON na ng mga estudyante at madalang na siyang makakita ng mga magagarang sasakyan na dumadaan sa tagiliran ng karinderya nila.
Naging theraphy na niya ang pagbibilang ng mga sasakyang nagdaraan araw-araw sa tagiliran ng karinderya nila matapos na mabigong makita ang loob ng akademiya. Base sa mga nababasa niya sa pahayagan, ang DREAM ACADEMY ay pag-aari ng mga mayayamang Koreano at Pilipino who pooled their resources para makapagpatayo ng isang international school, exclusively for the rich and famous sa bansa.
Ayon pa sa mga balita, karamihan ng anak ng mga artista at politiko ay sa akademya na nag-aaral. Ang mga estudyante ay tunay na mga anak mayaman kung saan ang mga gamit ay pawang branded at signature items. May warning pa sa news na kawawa ang estudyanteng hindi gaanong makaka-afford ng mamahaling gamit dahil maaring makaranas ng pambu-bully.
Balita pa rin niya na maganda ang turo sa nasabing akademiya at isa ang Culinary Arts and Restaurant Management ang special course na ini-o-offer nito.
Paano naman akong makakapag-aral sa eskuwelahan ng mayayaman kug ganito ang mababasa mo? Ayon pa sa mga nabasa kong info, hindi sila nagbibigay ng scholarship. Hay, ang damot naman nila! Half million pataas ang tuition per semester. Ni five hundred pesos wala pang hawak si Inay para sa pag-aaral ko. At kung makakapag-aral naman ako doon, tiyak na magmumukha akong basahan. Ang mga damit ko, diyan lang sa tabi-tabi binili. Ang bag ko, sa ukay-ukay. Ang shoes ko sa palengke.
Pero if ever na mapasok ako sa DREAM ACADEMY hindi ko ikakahiya ang kahirapan ko. Basta mag-aaral akong mabuti. At pag may nam-bully sa akin, lagot sila sa secret weapon ko.
Malaki ang chance nyang makapasok sa government subsidized universities dahil she graduated with honors sa highschool. Kaya lang ay hindi offered ang kursong gusto niyang kunin.
Kung totoo ang himala, sana ay maghimala sa buhay ko.
Pumikit siya. Kinakalma ang sarili sa samut-saring isiping pumapasok sa kanyang utak. Mas malamang sa hindi, baka mahinto siya sa pag-aaral kung ii-insist niya ang kursong nais kunin. Ang sabi kasi ng Tatay niya ay kumuha na lang siya ng Education para madali siyang makapasok sa kolehiyo. Pero ayaw niya. Hindi niya pinangarap na maging teacher. Hindi.
Lord, help me naman. I need a miracle.
Nang bigla siyang gulantanging ng malakas na tinig ng Tatay Rodolfo niya. Nasa labas pa ito ng bahay ay sinasambit na ang kanyang pangalan.
"SHARRA! SHARRA Anak! May good news ako!"
Humahangos na sinalubong niya ang ama na noon ay kapapasok pa lang ng pinto.
"Makakapag-aral ka na! May magpapaaral na sa iyo! Kahit anong kurso, name it! Sagot niya!"
"Teka, teka 'tay! Nakakalutang iyang sinasabi ninyo! Anong ganap iyan? Paki-esplikang mabuti!"
Napalabas rin ng kusina ang ina. Hindi kumukurap na nakatingin sa asawa.
"Anong kalokohan iyang sinasabi mo? Paanong makakapag-aral ang anak mo ay wala nga tayong pera?"
"Maupo ka, mahal at ipapaliwanag ko sa inyo ang nangyari."
Hinawakan ng tatay niya si Nanay Sally sa magkabilang braso at iniupo sa silya.
"Ganito ang nangyari. May dalawang holdaper ang humarang sa sasakyan ng isang mayamang koreano doon sa malapit sa karinderya natin. Pilit pinababa yung koreano. Bumaba naman at nagtaas ng kamay dahil may hawak na baril iyong isang holdaper. Eh, nakita ko! Sakay ako ng motor ni Pareng Erning dahil inutusan niya akong bumili ng lapad. Ang ginawa ko, sinagasaan ko yung dalawang holdaper. Nakailag pero nabitiwan nila yung baril. Nagmaniobra uli ako at sinagasaan uli yung dalawa. Nakailag uli pero nadampot ko ang baril at itinutok ko sa kanila! Bumunot ng baril yung isa! Dali-dali kong kinuha ang lapad na nasa jacket ko at ibinato ko sa mukha ng may hawak ng baril. Sapol at at nawalan ng malay! Yung isa, nagtatakbo pero pinaputukan ko sa paa! Tamang-tama ay may dumaang mobile car. Ayun, tiklo ang mga loko. Hay, naku! Ang dami talagang loko sa mundo!"
BINABASA MO ANG
DREAM ACADEMY Series one - FEARLESS MATCH
RomanceA story that will evolve around the modern international university na itinayo sa Pilipinas owned by Korean and Filipino investors and whose target patronage are the rich and famous. Built somewhere sa bulubunduking lugar sa Rizal, ang Dream Academ...