"MGA BAGONG KARANASAN SA BULLY"
HINDI nakakatuwa ang nararamdaman niya.
Parang may something na mangyayari but chose to ignore ang kaba. Atas ng kung anong nararamdaman ay inilabas niya ang kanyang smallest weapon at kinipit iyon sa kanyang palad. Pero mas nilakihan na niya ito.
Dahil maaga ang dismissal nila, wala pa ang kanyang sundo. Kung kaya nagpasya siyang pumasok muna sa library. Halos puno iyon ng mga estudyante nang pumasok siya. At pagkakita sa kanya ay nagbulungan ang mga iyon at saka patay malisyang hindi siya pinansin. Parang nag-usap-usap ang mga ito. At iisa ang naging reaksiyon. Dedma siya sa lahat.
Minabuti niyang huwag pansinin ang kakaibang atmosphere sa library. Imagine, walang pumapansin sa kanya. As if, nag-iisa lang siya sa room. Lumapit siya sa librarian pero biglang tumayo ito nang makita siya at umalis sa table nito.
"Miss, sandali lang. Manghihiram ako ng books," tawag pansin niya rito.
Subalit parang wala iyong narinig at parang bulang nawala sa kanyang harapan.
Pambihira naman. Alangang tumunganga ako rito habang naghihintay ng sundo.
Naisip niya sina Chef Dan at Selina. Minabuti niyang puntahan ang dalawa sa canteen at doon na lang umistambay. Paglabas niya ng library, walang katau-tao sa paligid. Dahil may emergency meeting, dapat ay puno ng tao sa labas. Pero bakit parang nasa library yata ang lahat ang tao?
Nagmamadaling humakbang siya patungo ng canteen nang biglang may pumatid sa kanya. Padapang bumagsak siya sa lapag. Buti na lang at naitukod niya ang kanyang kamay. Nabitiwan niya ang kanyang smallest weapon. At bago niya makuha iyon ay Isang pares ng mga paa ang humakbang mula kung saan at tumigil sa harap niya. Halos dumikit na sa tungki ng kanyang ilong ang dulo ng suot nitong short boots. Pamilyar na pares ng boots.
Tinangka niyang abutin ang pardible pero tumapak ang isang paa sa kamay niya. Medyo madiin. At kung hihilahin niya ang kanyang kamay ay tiyak na masusugatan iyon.
Huh! Salbahe talaga ang kunehong ito!
"Hindi ka na makakaulit sa ginawa mo. Sinisigurado ko," mariing wika ng may-ari ng mga paa.
Na kahit na hindi niya tingalain ay sigurado siyang ang lalaking tinusok niya ng pardile kahapon.
Huminga siya ng malalim. At gigil na gigil na nagsalita.
"Shame on you! Wala kang balls! Babae lang ang kaya mong patulan!"
"Hindi mo ako makukuha diyan sa mga paghahamon mo. "
"Talaga?! Siguro supot ka! Kaya ka ganyan! Hindi ka marunong magpakalalake!"
"What supot are you talking about?!" malakas na tanong ng lalaki.
"Uncircumsized, Damien." sabad ng isang tinig.
Nakita niya ang tatlong pares ng mga paa sa di kalayuan. Ibig sabahin, kumpleto ang F4.
"HIndi totoo 'yan!" react ng lalaki sabay alis ng paa sa kamay niya.
Sinamantala niya iyon, mabilis na kinuha ang pardible at saka tumayo. Matapang na hinarap niya ang lalaki na hindi nakahuma nang iwasiwas niya sa harap nito ang nakabuka ng pardible.
BINABASA MO ANG
DREAM ACADEMY Series one - FEARLESS MATCH
RomanceA story that will evolve around the modern international university na itinayo sa Pilipinas owned by Korean and Filipino investors and whose target patronage are the rich and famous. Built somewhere sa bulubunduking lugar sa Rizal, ang Dream Academ...