***UNANG ENGKUWENTRO***
FEELING niya ay nasa eksena siya ng sikat na television series na Meteor Garden at siya ang tumatayong si Shancai.
Kasi naman, apat na pagkakikisig na mga lalaki na mukhang mga spoiled brat at tila kinatatakutan ng mga estudyante ang nakita niyang parating. Hindi siya natinag. Kinakabahan pero hindi nagpakita ng takot.
Bakit ako matatakot sa mga kunehong ito? Huwag silang luluku-luko. Pinalaki ako ng Tatay at Nanay ko na mabait pero pwedeng lumaban kapag inapakan. Hu yu ba sila?
Habang papalapit ang apat ay tila gustong manginig ng kanyang mga tuhod. Pero pinatatapang siya ng kanyang prinsipyo. Hindi siya paaapi. No matter what and come what may.
Napansin niya na naningkit ang mga mata ng pinakamatangkad sa grupo at parang nai-imagine niya si Dao Ming Si ng Meteor Garden.
Nandito sila sa Pilipinas 'no. Huwag silang luluko-luko.
Kinapa niya sa bulsa ng suot na jacket ang smallest weapon in the world na baon niya. Palihim na binuksan. Palapit ang apat sa dinadaanan niya pero hindi siya nag-step back. In her opinion, siya ang naunang tumayo sa lugar na iyon kaya ang apat na ito ang dapat na umiwas.
Hindi kumukurap ang mga mata at taas noong hinintay niyang makalapit ang apat. Kinabahan siya nang tumigil ang mga ito sa kanyang harapan pero hindi siya nagpahalata.
Their eyes were intact sa iisang direction. Not anyone bothered to look at her. They were all dressed in cotton jersey t-shirt which she thought are all branded. It reveal their top masculine curves. All have a stylist haircut na makikita mo lang sa mga performers o mga artista. Matched with blue jeans, they were also wearing a stylist pair of boots which made them unique and eye catchers. Ang kaibahan ng mga ito sa F4, iisa ang style ng buhok. Pawang naka-higlight in different colors. May green, purple, red at yellow. Nakatayo ang buhok ng mga ito na tingin niya ay pinatigas ng hair gel.
'Yung tipong kapag may bumagsak na butiki buhat sa kalawakan ay tiyak na mamatay sa tusok.
Pero ang nakatawag ng pansin niya sa lahat ay ang mukhang pinaka-arogante sa grupo. Parang hindi marunong tumawa ito at tila ang daming dalang hanash sa mundo. He was standing infront of her. Matangkad ito at nagmistula siyang unano sa harapan nito. Nakapamulsa ito, nakaangat ang ulo at ilang inches na lang ang layo sa kanya. At hindi siya tinitingnan nito, ha!.
As if, walang tao sa daraanan niya? Ganern?
"Wala bang nagbigay babala sa babaeng ito?" tanong nito sa pagalit na tono.
"Baka wala. Or else, she would have also hide like the others."
"No exception to the rule. Lahat ng nakaharang, banggain."
At nabigla siya sa sumunod na ginawa ng lalaki. Walang pasintabing lumakad ito. Hindi siya iniwasan. Naapakan ang rubber shoes niya ng malaki nitong paa at nadiinan ng husto ang kalyo niya.
"Araykupoooo!" umaaringking sa sakit na napakandirit siya.
Kalyo ba naman ang naapakan. Nawalan siya ng panimbang at patihayang bumagsak. Buti na lang at damuhan ang binagsakan niya.
Sumunod ang mga kasama nito. Parang mga walang nakita. Pero may isang napalingon. Ang pinakamaamo ang mukha sa apat pero hanggang ganun lang. Nai-imagine niya ang kayabangan ng F4 sa napanood sa napanood tele-novela
Existing talaga sila!
She frozed at hindi makagalaw. Hindi siya makatayo. Parang na-lock ang katawan niya ng kung ilang sandali Umikot ang kanyang paningin. Ipinilig ang ulo at pumikit. Nang magmulat siya ng mga mata ay napapaligiran na siya ng ibang mga estudyante na nakatunghay lahat sa kanya. May natatawa, may nagbubulungan, may naawa at may isang humila sa kanya para makabangon. Si Chef Dan, katabi si Rainne.
"Huwag mo nang uulitin na haharang sa daraanan nila. Kapag nakita mo, umiwas o magtago ka na," babala nito.
"Ghosh! Grabe talaga ang magkakaibigang iyan. Mga out of this world. Parang mga robot na walang puso," wika ni Rainne sabay pagpag sa mga damong sumabit sa buhok niya.
"Ayos ka lang ba? Baka kailangan mong magpa-clinic."
"No. Okay lang ako, Rainne. Salamat sa inyong dalawa."
"Next time, iwasan mo na sila. O kaya ay huwag ka nang magpakita. Tiyak na gaganti sila sa iyo.."
"No. Hindi ko gagawin iyon. Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa akin. Mapapalampas ko ang mga pang-iinsulto pero hindi ang pananakit!" nanggigil na wika niya at saka hinabol ng tingin ang apat.
Naniningkit ang mga mata na hindi niya inalisan ng tingin ang mga ito. Malapit na itong pumasok sa building na iyon na tinutumbok ng kanyang tingin.
"A-Ano ang gagawin mo?"
"Ipapakita ko sa kanila na tao ako na nasaktan at hindi lang isang basura na titigan nila matapos nilang itumba!"
Tinangka siyang awatin ni Dan pero mabilis na siyang nakahakbang.
"Sharra! Huwag mo silang banggain! Baka mapahamak ka!" babala ni Dan.
"Hindi ako natatakot! Laban ko ito!"
Kinuha niya ang secret weapon sa kanyang bulsa at parang may pakpak ang mga paa na hinabol ang apat na lalaki. Nang abutan niya ay bigla niyang hinila sa leeg ng suot nitong t-shirt ang mayabang na bumangga sa kanya.
Nabigla ito at ang tatlo pang mga kasama.
"Who the hell are you?!" react nito.
"Its me!" matapang na sagot niya at walang babala na tinusok niya ng hawak na pardible ang braso ng lalaki.
"Aaaaaaah!" mahabang tili ng lalaki.
Umaringking ito sa tindi ng sakit at tila nawalan ng lakas na mag-react. Binunot niya ang pardible at saka umatras.
"Next time, don't mess with a slum girl! Ang yabang-yabang mo! Bastos ka at walang galang sa babae! Hindi ka man lang nakonsensiya na natumba ako? Paano kung dumugo ang ulo ko at namatay ako? Paano na ang pangarap ko para sa mga magulang ko? Sana maranasan mo ang maging mahirap! Para matutunan mong gumalang sa mga katulad ko!!" tiim ang anyong wika niya.
Pagkawika noon ay matalim niyang inirapan ang mga ito at galit na tinalikuran. Pero ang higpit ng hawak niya sa kanyang secret weapon. Nakahanda siya kung hahabulin siya ng apat. Marunong siyang manadyak kahit konti at mabilis siya sa takbuhan.
Hindi niya akalaing nasundan pala siya ng ibang mga estudyante. Manghang-mangha ang mga ito at tila mga takot na naktunghay sa kanya.
"Hindi kayo dapat natatakot sa mga iyon! Pare-pareho lang tayong kumakain ng kanin! Pag lagi kayong takot, aabusuhin nila kayo."
"Abangan ang susunod na kabanata sa buhay mo..." nakataas ang isang kilay na wika ng isang tila bading na estudyante.
Inirapan siya at saka tinalikuran. Sumunod ang lahat at naiwanan sina Dan at Rainne na hindi pa rin makapaniwala.
"Grabe ang tapang mo, girl. Pero natatakot ako para sa iyo. Huwag kang hihiwalay sa akin. Baka gantihan kang mga iyon," babala ni Rainne.
"Hindi ako natatakot sa kanila."|
"Baka ipatawag ka sa Dean's office."
"Pasensiya na kayong dalawa, ha. Ayaw ko lang ng mananakit sila. Okay lang iyong tawagin akong eyesore o baduy. Salita lang 'yun eh. Pero pag may physical harm na, hindi ko na talaga mapapalampas."
"Bilib ako sa iyo, Sharra. Ikaw pa lang ang nakagawa ng ganyan sa kanila. Pero mag-iingat kang mabuti. Tama si Rainne. Huwag kang hihiwalay sa kanya."
"Salamat sa inyo. Mapalad ako na nagkaroon kaagad ako ng mga kaibigan na katulad ninyong dalawa."
"Lets go. Baka rumesbak pa ang apat na iyon."
Nilingon niya ang apat. Wala na iyon sa labas at nakapasok na sa loob ng building.
BINABASA MO ANG
DREAM ACADEMY Series one - FEARLESS MATCH
RomanceA story that will evolve around the modern international university na itinayo sa Pilipinas owned by Korean and Filipino investors and whose target patronage are the rich and famous. Built somewhere sa bulubunduking lugar sa Rizal, ang Dream Academ...