CHAPTER FOUR

222 8 0
                                    

***UNANG KARANASAN SA BULLYING***


LUMANGHAP siya ng sariwang hangin at saka inihakbang ang kanyang mga paa papasok sa DREAM ACADEMY.

Para siyang nakalutang sa alapaap nang maiapak ang mga paa sa mismong lugar na nagpapatunay na siya ay allowed nang pumasok at lumabas sa akademiyang ito.

Tatlong concrete roads ang bumungad sa kanya. Parang yung entrance papasok. Isang tuwid na daan sa gitna at sa kaliwa at kanan na parang Y-shape ang korte na pawang nag-uugnay sa pinaka-entrance. Puno ng halaman sa magkabilang paligid ng mga daan. Sagana sa plant boxes at sa kabuuan ng school ground at very relaxing iyon sa mga mata.

Pinili niyang tahakin ang gitnang daan. Doon kasi ay tanaw na tanaw ang kabuuan ng Dream Academy school building.

Thank you, my Lord! Its really beautiful.

Paakyat rin ang daan na iyon at naka-elevate ang school building. Mula roon ay natatanaw niya sa bird's eye view iyon.

Humakbang siya paakyat, papalapit sa school building. Lalo siyang napahanga. Sobrang ganda at sobrang linis ng kapaligiran. Solong-solo pa niya iyon at maya-maya ay tiyak na dadagsa na ang mga estudyante sa lugar na ito. Nag-ikot siya. Bukod sa front entrance ay may dalawang side entrance rin at mayroon ring back entrance.

Malapit sa back entrance ay may hagdan. Umakyat siya roon. Iyon ang daan patungo sa pinaka-rooftop. Bare iyon. Pero malinis. Hindi niya alam kung pwedeng umakyat dito during class hours pero wala naman siyang nabasang bawal.

Bumaba siya at nag-ikot pa sa paligid. May mga covered places kung saan may concrete tables and benches. Naisip niya, siguro ay pwedeng mag-istambay dito during vacant hours.

Sobrang lawak ang lugar pero hindi pa siya makapasok sa loob para i-explore iyon.

Nagbalik siya sa pinaka-entrance. Nagulat siya nang may nakasalubong siya na isang babae na nagulat rin.

Dressed in a corporate attire na blouse and skirt, kumikinang ang nasabing babae sa red color na suot nito na may pangloob na black top. Ang bag na gamit, Hermes. Ang red high-heeled shoes na suot, sobrang ganda. Hindi siya pamilyar sa brand but it looks pricy.

"Sino ka? At ano ang ginagawa mo rito?" nakataas ang kilay na sita ng babae.

"G-Good morning po. Ako po si Sharra. Bagong estudyante rito."

Sinipat siya ng mapanuring tingin ng babae mula paa hanggang ulo.

"Estudyante ka rito at ganyan ang itsura mo? Are you aware kung paanong manamit ang mga babaeng estudyante rito?"

"Opo. Pero ganitong klaseng damit lang po ang kaya ng parents ko."

"Really? Teka lang. Ikaw ba ang scholar ng Presidente?"

"Ako nga po."

"I didn't expect na isang katulad mo ang scholar na tinutukoy niya at hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ni President Wang para bigyan ka ng scholarship. But one thing is sure. I think, this school will have an eyesore, starting today..." sarkastikong wika ng babae habang nakatitig sa kanya.

Pagkawika noon ay lumakad at nilampasan siya ng babae.

Nakagat niya ang labi. Eyesore ang turing sa kanya ng babaeng iyon?


ANG BILIS ng oras.

Lilibutin pa sana niya ang school ground pero nag-ring na ang bell. Meaning, simula na ng klase. Noon niya napansin na bukas na ang entrance sa mismong building at nagmamadaling nagpapasukan na ang mga estudyante.

DREAM ACADEMY  Series one   -   FEARLESS MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon