Good day, ka-Manunulat! Another writer we feature here in our interview. Let's support her for her journey.
Be inspired!
ASPIRING WATTPAD WRITERS (UNDISCOVERED)
Name: Joyce Rivera
Fb: Joyce Rivera
Username: @Babykosihotdog
Writing platform you write: Wattpad1. Kailan ka nagsimulang magsulat sa wattpad o sa ibang platform? Kailan at paano mo nalaman ang wattpad o iba pang platform?
✍️Actually year 2016 ko nadiscover si watty, same year na nakapagbasa ako ng isang story don. Pero year 2019 na nung mas naattached ako magbasa, stage ng buhay ko na ayoko sa crowded place kaya madalas na solo flight.
2. Ano ang purpose mo, bakit ka nagsusulat?
✍️Wala naman masyado, for entertainment i guess? Naeentertain ko na yung sarili ko and at the same time, naibabahagi ko pa sa mga readers ko yung mga nasa isip ko.
3. Sinong inspirasyon mo sa pagsusulat?
✍️Sa ngayon siguro yung mga readers ko. Kasi alam mo yun? Ang saya sa pakiramdam na may magmemessage sa'yo para sabihin na nagiintay sila sa update mo.
4. Ano ang nag-udyok sa'yo para magsulat?
✍️There was a person in my life na sobrang napasaya ako. He used to be my safe road until sya na din yung naging humps sa buhay ko. To make this short, nung natanggap ko na wala na talaga; na tapos na. That was the time na nagdecide ako na magsulat nalang since sa pagsusulat at pagbabasa ko lang din naman nailalabas yung nararamdaman ko.
5. Ano ang nakakaapekto/struggle/s sa'yo para magsulat? Mag-UD? Paano mo iyon nalalampasan?
✍️Tulad ng karamihan ngayon, andito pa lang ako sa edad ko na nagtatalo yung utak ko kung maguupdate ba 'ko o magbabasa. Minsan naman nalalampasan ko yon kapag ako na mismo yung nagseset ng oras ko na kailangan pagdating sa araw na'to nakapag update na'ko. Kailangan by next week, stop muna sa pagbabasa, mga ganong time management.
6. Ano ang mahirap sa'yo bilang undiscovered author?
✍️Syempre mahirap yung ipopost mo pa sa lahat ng social media accounts mo na nakapagupdate kana ganyan, kung may bagong story ka ba. For them to know na "Ah writer pala sya" kayod talaga kung kayod. Kasi hindi ka tataas kung hahayaan mo lang na reader lang ang lalapit sayo. Kailangan effort talaga. Pero wala namang pangarap na naguumpisa sa taas, lahat tayo sa maliit nagsisimula.
7. Sinong idolo mong wattpad o iba pang platform author/s? Mapa-sikat man o kapwa mo undiscovered?
✍️Ms. Tina Lata really caught my attention. Ang laki ng part nya sa pagpapatuloy ko dito sa wattpad.
8. Ilan na ang nagagawa mong kwento? Ano ang pinakagusto mo sa mga iyon?
✍️I have two on-going stories, and they are both my fave! Yung Pain of Midnight ko kasi sya yung unang story ko na ginawa kaya malaki yung ambag nya sa pagiging writer ko. And then, Left By You is my first ever own series kaya fave ko din sya.
9. Anong ginagawa mo sa mga bashers/haters mo?
✍️Sa ngayon naman, thank god wala pa 'kong hater. And if ever na magkaroon na'ko ng ganyan, siguro dedma lang? Ayoko na ng toxicity sa buhay ko kaya hangga't kayang dedmahin, dededmahin natin yan haha.
10. May nangyari na ba sa'yo o naging dahilan para mawalan ka ng gana sa pagsusulat? Paano mo ito nalampasan?
✍️Nagistart pa lang ako ng writing journey ko, inuumpisahan ko pa lang yung sarili ko kung hanggang saan ako aabot. Kaya ngayon, hindi ko pa nararamdaman yung ganyan.
11. Dumating na ba sa punto na gusto mo ng isuko ang pagsusulat? Anong ginawa mo?
✍️Hindi pa naman at sa tingin ko hindi yon mangyayari. Although ayoko magsalita ng tapos, pero para sa'kin kasi Ito yung pangarap ko, alam ko na ito yung bagay na may alam at maipagmamalaki ko kaya bakit ko 'to susukuan?
12. Anong ginagawa mo kapag tinatamaan ng tinatawag na 'writer's block'?
✍️Rest. Kasi hindi natin mapipilit yung sarili na'tin na gumawa ng ganito, gumawa ng ganyan kung hindi nakikisama yung buong katauhan mo.
13. Gaano mo kamahal ang passion mo? Ang pagsusulat?
✍️Let's say, mahal ko 'tong passion ko same sa kung gaano ko kamahal yung sarili ko.
14. Bilang isang manunulat, saang bahagi ng kwento para sa iyo ang mahirap isulat?
✍️Yung mga scene na R-18 medyo nagaalangan pa'ko kasi like what I said, 16 pa lang po ako hahah.
15. Para sa'yo ano ang tatlong katangiang dapat taglayin ng isang baguhang manunulat? O ng kahit na sikat na manunulat?
✍️Una sa akin yung respeto, kasi sa pagsusulat kailangan mo rin ipadama sa kanila na yung respeto mo as a writer/reader hindi nawawala. Pangalawa naman is tiwala, kasi hindi na'tin mabubuo yung gusto nating mabuo kung kulang tayo pagdating sa pagtitiwala sa sariling kakayahan. Pangatlo yung pagiging matiisin, kung gusto talaga natin mapunta sa stage ng buhay natin na gusto at matagal na nating pangarap, kailangan mong pagtiisan yung hagdan na kailangan mong hakbangan.
16. Anong genre ang madali at mahirap isulat para sa 'yo? Bakit?
✍️Romance, madali kasi yuon talaga yung genre ko kumbaga sa ganon malikot yung isipan ko. Pero mahirap kasi, medyo naiilang pa'ko sa mga plot na madalas 'kong maisip.
17. Anong malimit na distruction ang na-e-encounter mo sa pagsusulat?
✍️Hindi ko naman sya totally tinuturing na distraction kasi mahalaga din sya for me, pero pagaaral talaga yung madalas na reason kung bakit kahit gusto kong magupdate e hindi ko magawa sa dami ng paper works ko.
18. Gaano kahalaga sa iyo ang readers?
✍️Readers for me is more important than followers. Ayos lang sa'kin kahit onting followers lang ang meron ako. Basta marami yung nakikita 'kong reads ng story ko. Kasi nagsusulat ako hindi para mapasikat ko yung sarili ko, kundi para maiparating sa inyo yung lawak ng isip ko sa pamamagamitan ng kautahan ng storya ko. Bonus nalang sa akin yung followers, mas importante sa'kin makita nyo yung ganda na nakapaloob sa mga gawa ko.
19. Anong routine ang ginagawa mo kapag nagsusulat ka?
✍️Wala naman, basta kapag active ako ginagawa ko talaga sya.
20. Ano ang mensahe mo sa kapwa mo manunulat na undiscovered? Ano ang dapat nilang gawin para hindi tumigil?
✍️Wala pong nangarap na hindi humarap sa hirap. Lahat po tayo ay kinakailangan magumpisa sa unahan dahil walang pila na inuuna ang mga tao sa hulihan. Kung gusto natin yung isang bagay, simple lang, paghirapan mo. Kasi hindi masarap lumasap ng pangarap na hindi mo pinagtyagaan o pinagpaguran makuha.
Let's support her✍️ babykosihotdog
BINABASA MO ANG
Aspiring Wattpad Writers Interview (UNDISCOVERED)
RandomAng book na 'to ay naglalaman ng interview sa mga aspiring wattpad writers na 'di kilala ng nakararami. Undiscovered kung baga. Sana paglaan niyo ito ng oras basahin dahil may mga matutunan kayo at mamo-motivate kayo sa mga sagot ng mga featured asp...