6

47 5 0
                                    

ASPIRING WATTPAD WRITERS

Username: LightStar_Blue
FB Name: Azul WP
Started in writing: Year 2010. In Wattpad, year 2012 kaso huminto ako. Serious comeback 2017.

1. Para sa 'yo, gaano kahalaga ang pagsusulat?

➡Ang pagsusulat kasi sa akin, para na siyang parte ng pagkatao ko na hindi matatanggal sa sistema ko. Sa sobra niyang mahalaga sa akin, kahit saang lugar, nagsusulat ako ng ideas or scenario.

2. Ano ang naitutulong sa 'yo ng pagsusulat?

➡Nakakatakas ako sa reyalidad. Sa pagsusulat kasi doon ko na lang binubuhay ang gusto ko mangyari sa mundo.

3. Bakit ka nagsusulat?

➡Passion ko na siya.

4. Gaano kahalaga ang wattpad sa 'yo?

➡Sobrang mahalaga. Wattpad na ang stepping stone para ma-enhance ang writing skills ko.

5. Ano ang naitutulong ng wattpad sa tulad mong baguhan sa laragan ng pagsusulat?

➡Ang maitutulong ng Wattpad sa mga aspiring writer, nagiging guide ang Wattpad para matuto ang isang manunulat sa tamang pagsusulat ng akda. Nagiging daan rin ito para makilala ang likha ng isang manunulat.

6. Bilang baguhan sa larangang ito, ano ang naging/nagiging hadlang sa 'yo para magpatuloy sa pagsusulat?

➡Writer's block. Yes, 'yan nga. Sobrang hirap sumpungin ng sakit na iyan. Hindi katamaran ito seryosong problema ito na kulang na lang pigain ang utak sa kakaisip ng scenario ng kwento.

7. Gaano kahalaga ang mga readers/supporters sa tulad mong manunulat?

➡Ang mambabasa na kasi ang nagsisilbing inspirasyon namin sa pagsusulat. Kung nalalaman naming may nagbabasa sa gawa namin, nagiging way ito para ganahan kami sumulat at hindi sumpungin ng Writer's Block minsan.

8. Ano ang ayaw mo sa isang mambabasa?

➡Siguro ikumpara ang gawa ko sa gawa ng iba. I wrote that story in my own idea and concept. Wala akong ginagayang akda ng iba.

9. Bilang baguhan sa pagsusulat, paano ka makakatulong sa kapwa mo baguhan?

➡Advice and giving them a nice critic, ganoon ako kapag binabasa ko ang gawa ng isang aspiring writer.

10. Sa tingin mo, nararapat bang alam ng readers mo ang ilang tungkol sa 'yo?

➡Oo naman kahit papaano.

11. Ano ang mensahe mo sa mga taong gumagamit ng Wattpad? Readers o writers man?

➡Readers, remember na i-limit ang pagbabasa sa Wattpad. Not all the time ang oras mo ay nasa wattpad. Matutong gumalang sa kapwa mambabasa at manunulat. Yeah, love the Philippine Literature but first, love studies. Hindi naman mawawala si Wattpad.

To writers, Remember co-writers in the World of Wattpad, wala kang mali sa ginawa mong kwento pero mas magandang everytime na natapos mo ang isang chapter o buong gawa mo, mas mabuting i-edit mo. Huwag kang ma-down sa mga negative comments. Gawin mo itong motivation sa pagsusulat. Huwag ka ding manggaya ng gawa ng iba dahil Plagiarism 'yan and Plagiarism is a crime, right? Pero kung gagawa ka ng same concept ng gawa ng iba, aba anak, huwag mong gayahin ang buong kwento. Dapat galing sa isipan mo. Dapat rin ay isinasapuso mo ang pagsusulat upang maramdaman ng mambabasa ang sinulat mo.

Maraming Salamat po!

Aspiring Wattpad Writers Interview (UNDISCOVERED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon