Ito pa ang isang aspiring writers na aking nakapanayam. Si Hadesofhell, isang werewolf writers din siya. Atin siyang suportahan sa larangang ito. Isa siyang 'di kilala, pero makikita natin sa kaniyang obra ang 'talento' sa larangang ito. Suportahan natin siya mga ka-wattpad. Hehee!
Tayo na't basahin ang panayam sa kaniya upang makakuha tayo ng motibasyon at inspirasyon.
Happy reading!
ASPIRING WATTPAD WRITERS (UNDISCOVERED)
1. Kailan ka nagsimulang magsulat sa wattpad? Kailan at paano mo nalaman ang wattpad?
-I started writing on May 2017 then I discovered wattpad because of my best friend.
2. Ano ang purpose mo, bakit ka nagsusulat?
-Nagsusulat ako dahil nakakapagpaalis ng stress at duon ko naipapakita kung sino ang gusto ko maging ako, taong ayaw kong maging ako at taong ako mismo.
3. Sinong inspirasyon mo sa pagsusulat?
-Ang inspirasyon ko sa pagsulat ay ang aking pamilya at mga pangarap na binuo ko mula sa aking isipan na nilalagyan ko ng buhay sa pamamagitan ng imaginasyon.
4. Ano ang nag-udyok sa'yo para magsulat?
-Ang nagudyok sa'kin para magsulat ay ang mga kwentong naging parte ng buhay ko. Kwentong ako lang ang nakakaalam at kwentong inikutan ng buhay ko. Kwentong ako mismo ang bida, kontrabida at iba pa.
5. Ano ang nakakaapekto sa'yo para magsulat? Mag-UD? Paano mo iyon nalalampasan?
-Naaapektuhan ako ng katamaran. At kung paiiralin ko ito maaaring hindi ko maabot ang pangarap ko. At dahil duon nalalagpasan ko.
6. Ano ang mahirap sa'yo bilang undiscovered author?
-Mahirap para sa'kin ang isulat ang genre ng werewolves teen fic at vampire.
7. Sinong idolo mong wattpad author/s? Mapa-sikat man o kapwa mo undiscovered?
-Ang wattpad author na idoli ko ay si Queen Jonaxx at Alyloony at Ate Celestine Lemoir
8. Ilan na ang nagagawa mong kwento? Ano ang pinakagusto mo sa mga iyon?
-Nakagawa na ako ng dalawang story at paborito ko ang Remember me Tammy
9. Anong ginagawa mo sa mga bashers/haters mo? Pinapatulan mo ba sila o hinahayaan na lang?
-Bashers are bashers. Wala akong magagawa sa kanila o sa opinyon nila. Di ko sila pinapatulan. Actually kahit sa personal wala akong pake sa tingin ng tao sakin. So di ako madalimg maapektuhan ng bashers.
10. May nangyari na ba sa'yo o naging dahilan para mawalan ka ng gana sa pagsusulat?
-Wala pang nakapagpaalis ng pagkagusto ko sa pagsulat
11. Dumating na ba sa punto na nawawalan ka na ng gana at gusto mo ng huminto sa pagsusulat?
-yas! Dumating na, ito yung pinipigilan pa ako ng parents ko dahil nakasisira daw sa'kin ang pagbasa at pagsulat
12. Anong ginagawa mo kapag tinatamaan ng tinatawag na 'writer's block'?
-Pag tinatamaan ako ng writer's block nanunuod ako ng movies na may kinalaman sa genre na gusto ko o sinusulat ko.
13. Gaano mo kamahal ang passion mo? Ang pagsusulat?
-Mahal na mahal ko ang pagsulat dahil dito ko nailalabas ang aking saloobin. Bukod sa maging Business woman pinangarap ko ang pagsulat bahagi na ito ng aking buhay.
14. Bilang isang manunulat saang bahagi ka ng story mo nahihirapan?
-Nahihirapan ako sa pagsulat sa parte ng masayang scene
15. Para sa'yo ano ang tatlong katangiang dapat taglayin ng isang baguhang manunula? O ng kahit na sikat na manunulat?
-Ang mga katangiang dapat taglayin ng isang manunulat ay una dapat alam mo kung paano mahalin ang pagsulat, alam mo kung paano ilagay ang sarili mo sa karakter ng story mo. Pangalawa dapat alam mo kung paano ihandle ang mga sitwasyon maging sa personal na pang aakusa sayo ng tao o sa sabi-sabi lang. Dapat alam mo kung paano tanggapin ang opinyon o komemto nila ng hindi ka lubos na masasaktan ypang hindi nila magawang mapabagsak ka sa simpleng opinyon nila. Pangatlo dapat alam mo kung paano mahalin ang mga taong patuloy ang pagsuporta sayo ganuon na rin ang pagunawa sa mga taong nang do-down sayo ng sa ganuon mas madali mong malagpasan ang pagsubok.
16. Ano ang mensahe mo sa kapwa mo manunulat na undiscovered? Ano ang dapat nilang gawin para hindi tumigil?
-Ang mensahe ko para sa kanila ay ito.
' Ang pagsulat ay bahagi ng buhay kung saan kaakibat na nito ang ibat-ibang pagsubok. Matutuhan nating mahalin ang mga bagay na atin, sapagkat kung alam mo kung paano pahalagahan ang mga storyang nabuo sa isip mo, kung paano mo mabibigyang buhay ito mas mapapaganda ang dating nito sa ibang tao. Mahalin mo ang pagsulat isipin mong ang bawat bagay ay hindi masarap namnamin kung di mo ito pinaghirapan. Ang basher ay isang patunay na may taong maniniwala sayo, tatangkilik at sasalungat sa lahat ng paninira sayo. Dito mo malalan ang iba't ibang uri ng tao. Basher's din ay maaaring maging hagdan mo. Kung ibinabagsak ka nila pwes tapakan mo sila. Gawin mo silang daan upang marating mo ang tuktok kung saan mas maipapamukha mo sa kanilang ang ginawa nila ang nagtulak sayo sa kinalalagyan mo.—
Salamat sa pagbabasa! Suportahan po natin si Hadesofhell! Salamat ulit!
Maraming Salamat!
BINABASA MO ANG
Aspiring Wattpad Writers Interview (UNDISCOVERED)
OverigAng book na 'to ay naglalaman ng interview sa mga aspiring wattpad writers na 'di kilala ng nakararami. Undiscovered kung baga. Sana paglaan niyo ito ng oras basahin dahil may mga matutunan kayo at mamo-motivate kayo sa mga sagot ng mga featured asp...