NylNed20

55 7 34
                                    

Hi, bagong aspiring author. NylNed20 isang katulad kong aspiring manunulat. Spiritual po ang genre niya.

Tayo na't basahin ang nakaka-inspire niyang sagot sa mga tanong. Tara na't magbasa.

Happy reading!

ASPIRING WATTPAD WRITERS (UNDISCOVERED)

1. Kailan ka nagsimulang magsulat sa wattpad? Kailan at paano mo nalaman ang wattpad?

—Ako'y nagsimulang magsulat sa wattpad nang ako'y labing-limang taong gulang. Ito'y aking natuklasan sa mga kaklase. Sa katunayan, ayo'ko ng wattpad, ngunit nagbago ang lahat nang ako'y nagsimulang magsulat no'n... para sa sarili. Hanggang sa naging kasiyahan at bahagi na ito ng aking buhay.

2. Ano ang purpose mo, bakit ka nagsusulat?

—Ang aking layunin sa pagsusulat ay ang magbigay insiprasyon sa mga mambabasa. Kahit sa simpleng pagsulat lang, nais ko silang may matutunan at matulungan na rin sa pamamagitan ng hatid na aral ng aking kwento (kung may makita sila hehe!).

3. Sinong inspirasyon mo sa pagsusulat?

—Ang aking inspirasyon sa pagsusulat ay ang Panginoon, pamilya, kaibigan, ang mga nangyayari sa 'king buhay, isama na rin ang mga nababasa kong kwento–– mapa-fiction man o non fiction ito. Ito ang aking mga pinagkukuhanan ng lakas sa pagsusulat.

4. Ano ang nag-udyok sa'yo para magsulat?

—Hindi ko rin alam kung ano ang nag-udyok sa akin na sumulat. Sa katunayan e, mahina ako sa writing. Sa school? Nganga is me. Hindi ko forte ang pagsusulat. Ang nag-udyok siguro sa 'kin ay ang kagustuhan kong sumulat at ipagpatuloy ito... May magbasa man o wala ng aking akda.

5. Ano ang nakakaapekto sa'yo para magsulat? Mag-UD? Paano mo iyon nalalampasan?

—Ang nakaka-apekto sa aking pagsusulat ay ang pagiging busy sa ibang bagay at pagiging tamad dahil nawawalan ng oras. 'Yong tipong may kailangan kang gawing iba... May iba ng priority. Ma-o-overcome ko ito sa pamamagitan ng paglalaan pa rin ng oras sa pagsusulat sa kabila ng busy schedule. Wala e, napamahal na ako sa writing kahit 'di ako gano'ng kagaling.

6. Ano ang mahirap sa'yo bilang undiscovered author?

—Ang mahirap siguro ay 'yong panghihinaan ako ng loob kasi maiisip kong walang nakaka-appreciate ng mga akda ko. Kakaunti ang bilang ng reads, votes, and comments. Naamag story ko kaya unpublish ang hantong. Pero hindi naman mahalaga 'yon. Ang mahalaga ay may maisulat ako hindi dahil sa napipilitan kundi passion ko lang talaga.

7. Sinong idolo mong wattpad author/s? Mapa-sikat man o kapwa mo undiscovered?

—Basta maganda ang kwento nila ay hahanga ako sa kanila. Kadalasan, nakakalimutan ko usernames nila e. blue_maiden, april_avery, maxinejiji... at marami pang iba. Idol ko rin 'yong sumulat ng ILYS1892.

8. Ilan na ang nagagawa mong kwento? Ano ang pinakagusto mo sa mga iyon?

—Sa katunayan, 'di ko alam ang bilang ng nagawa kong kwento sa dami ng aking binura at in-unpublished. Sa kasalukuyan, may 19 na naka-publish sa wattpad ngunit marami roon na 'di talaga kwento.
Ang pinakagusto ko ay 'yong Faith Academy, God is always there for us and Love your neighbor as you love yourself. LYNAYLY won wattys2015 award kaya isa 'to sa nagbigay dahilan na may pag-asa ako sa writing.

9. Anong ginagawa mo sa mga bashers/haters mo? Pinapatulan mo ba sila o hinahayaan na lang?

—Wala akong naging basher e. Salamat naman! 'Wag naman nawa. Pero kung magkakaroon man ako niyan ('wag nawa...), hindi ko sila papatulan. Bahala sila kung ano ang nais nilang sabihin dahil wala silang nalalaman kundi tumingin nang tumingin sa negatibo.

10. May nangyari na ba sa'yo o naging dahilan para mawalan ka ng gana sa pagsusulat?

—Meron. 'Yong pati religion ko'y tinitira dahil spiritual ang aking pinaka-forte na genre. Pakiramdam ko kasi minamaliit ako sa pagiging Katoliko. Pero, if God is with us, who can against on us? :)

11. Dumating na ba sa punto na nawawalan ka na ng gana at gusto mo ng huminto sa pagsusulat?

—Yes. Kasi gusto ko munang i-focus ang sarili ko sa pag-aaral.... but iba ang nangyayari. Hinahanap ng buong pagkatao ko ang pagsusulat. Anong magagawa ko?! Hahaha char.

12. Anong ginagawa mo kapag tinatamaan ng tinatawag na 'writer's block'?

—Hmm, magbabasa ng story. Basta, ililibang at ire-relax ang isipan. Hindi ko pipilitin sarili ko. Hindi writer's block ang tawag ko ro'n, kundi katamaran. Hahaha!

13. Gaano mo kamahal ang passion mo? Ang pagsusulat?

—Basta mahal na mahal ko siya na tipong 'di ko kayang iwanan. Kung mawawala man ako sa pagsusulat, panandalian lang iyon. Bahagi na siya ng pagkatao ko.

14. Bilang isang manunulat saang bahagi ka ng story mo nahihirapan?

—Mag-isip ng twist o magiging conflict ng kwento, ng mga salitang gagamitin, pag-iisip ng title (chapter man 'yan o kabuuan) at names! Sa pagsusulat ng lalaking POV!

15. Para sa'yo ano ang tatlong katangiang dapat taglayin ng baguhang manunula? O ng kahit na sikat na manunulat?

—Ang dapat taglayin ng isang bagong manunulat ay: una, maging matiyaga. Wala kang makikita na sa isang iglap ay sikat na. Lahat pinaghihirapan. Magtiwala ka lang sa Diyos. Hayaan mong Siya ang manguna sa iyong buhay. Maniwala ka lang. Pana-panahon lang ang kasikatan kaya maging matiyaga lang. Pangalawa, maging passion mo ang iyong ginagawa– ang pagsusulat. Hindi ka nagsusulat para sa fame kundi dahil passion mo lang talaga. At ang huli, matutong tumanggap ng kritiko sa akda. Dahil isang baguhan, marami pang mga bagay pagdating sa pagsusulat na 'di pa nalalaman. Basta, laging maging interesadong matuto para lumago. Kung ika'y determinado sa iyong mga ambisyon, mangyayari 'yan.

16. Ano ang mensahe mo sa kapwa mo manunulat na undiscovered? Ano ang dapat nilang gawin para hindi tumigil?

—Ang aking mensahe sa mga baguhang manunulat na gaya ko:
Huwag sumuko. Magpahinga lang ngunit ipagpatuloy mo. Nasa simula ka pa lang ba? Hindi matapos-tapos ang unang kabanata? O kaya may naiisip kang plot mamaya iba na naman? Isa-isa lang. Pero may mga writers na kayang pagsabayin ang dalawang kwento. Nasa manunulat mismo 'yon. Maging determinado lang. Tiyaga-tiyaga lang. 'Wag munang pansinin ang bilang ng reads,votes or comments. Huwag ikumpara ang sarili sa iba. Huwag kang sumulat kung naiingit ka lang. Puso at isip talaga ang gamit sa writing. Ipagpatuloy mo kahit na may bashers ka pa! Alam mo naman sa sarili mo na hindi totoo ang kanilang sinasabi. O kung kritiko man, tanggapin mo dahil para na rin 'yan sa ikakaunlad mo. Humanap ng inspirasyon. Read and read and read lang. Bigyan ng oras ang iyong passion sa pagsusulat kahit gaano pa ka-busy. Ang kasiktan ay bonus lang. Kapag mahal mo ang isang bagay o tao man iyon, 'di mo sinukuan, 'di ba? Gano'n din sa pagsusulat. Huwag mong pilitin ang sarili kung wala kang maisip na isulat. Ipahinga lang 'yan! At panghawakan mo ang layunin mo sa pagsusulat.



Tayo na't suportahan si NylNed20. Magaling po siyang manunulat. Lablab. Support natin siya guyseu.

Maraming salamat po!

Aspiring Wattpad Writers Interview (UNDISCOVERED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon