Tips at guide galing kay XenontheReaper
Steps para sa matagumpay na pagsusulat.
1. Be prepared » Sa pagsusulat dapat handa ka sa lahat.
2. Read » Read good books. Promise marami kang matututunan do'n.
3. Ask yourself » Kailangan mong sagutin itong sumusunod na mga tanong:
• Pagsusulat ba talaga ang talento ko?
• Mahal ko ba ang pagsusulat?
• Kaya o handa na ba akong magsulat?
• Bakit ako nagsusulat?4. Follow your heart » Walang mali kung susundin mo ang iyong sarili, isulat mo ang iyong gustong isulat. H'wag pilitin ang sarili sa ayaw.
5. Open your ears » Kung magsusulat ka, handa dapat ang iyong mga tenga upang dinggin ang lahat; mapanegatibo o positibong komento. Gamitin mo iyon para maging maayos.
6. Kung mahal mo talaga ang pagsusulat, hindi ka aasa sa "reads", "votes", "ranks", at "comments". Kung walang gano'n ay h'wag mong pakialaman, hindi naman siguro 'yon ang dahilan ba't ka nagsusulat 'di ba? Dahil bilang isang manunulat, dapat alam natin na may iba't-ibang panlasa ang tao. Hintayin mo na dumating 'yong mga taong may gusto sa isinusulat mo. Bale ang votes, comments, ranks, at reads ay bunos na 'yan dahil sa pagmamahal mo sa pagsusulat.
7. H'wag sumuko » Sulat lang ng sulat. Hanggang sa magiging maayos na ang iyong pagsusulat at hanggang sa daan-daang libro na ang iyong maisusulat.
––––★★★★–––––
OMG! Nakakatuwa dahil pinaunlakan ni XenontheReaper ang hiling ko at ito nga nagbigay siya ng tips. Maraming salamat po XenontheReaper. Labyah!
BINABASA MO ANG
Aspiring Wattpad Writers Interview (UNDISCOVERED)
RandomAng book na 'to ay naglalaman ng interview sa mga aspiring wattpad writers na 'di kilala ng nakararami. Undiscovered kung baga. Sana paglaan niyo ito ng oras basahin dahil may mga matutunan kayo at mamo-motivate kayo sa mga sagot ng mga featured asp...