Queen_Of_Blues

55 8 2
                                    

Isa na namang aspiring manunulat ang aking nakapanaya. Si queen_of_bluesof_blues isang kagaya kong aspiring manunulat.

Tayo na't magbasa at ma-inpire. Lablab!

Happy reading!

ASPIRING WATTPAD WRITERS (UNDISCOVERED)


1. Kailan ka nagsimulang magsulat sa wattpad? Kailan at paano mo nalaman ang wattpad?

—Noong nakaraang taon ko lang nadiskubre ang wattpad mula sa mga kakilala kong gumagamit nito. At noong nakaraang Hunyo sa taong ito lang din ako nagsimulang magsulat rito.

2. Ano ang purpose mo, bakit ka nagsusulat?

—Ilan sa mga layunin ko sa pagsusulat ng mga istorya ay upang makapagbigay aliw, inspirasyon, libangan at higit sa lahat upang mapagyaman ko pa ang aking kakayahan sa pagsusulat at mabigyan ng kaligayahan ang aking sarili mismo.

3. Sinong inspirasyon mo sa pagsusulat?

—Unang-una, ang talagang inspirasyon ko sa pagsusulat ay ang aking mga karanasan sa buhay dahil malaking tulong ito sa pagbuo ko ng mga konsepto. At syempre ang aking pamilya at ilan sa mga magagaling na manunulat sa wattpad.

4. Ano ang nag-udyok sa'yo para magsulat?

—Una, ang akin mismong sarili. Nais kong maipahayag ang aking mga saloobin na sa totoong buhay ay hindi ko naipapahayag. At isa rin ang mga istoryang nababasa ko sa wattpad dahil parang sinisipag akong magsulat at mas pagandahin pa ang aking gawa kapag nakakabasa ako ng magagandang istorya. Parang naiisip ko na gusto ko rin makagawa ng ganito.

5. Ano ang nakakaapekto sa'yo para magsulat? Mag-UD? Paano mo iyon nalalampasan?

—Karaniwan na sigurong nakakaapekto sa mga manunulat na makapagsulat ay ang kani-kanilang mga personal na mga obligasyon sa buhay at gayundin ako. Tulad na lamang ng pag-aaral at mga gawaing paaralan, mga gawaing bahay at iba pa. At may pagkakataon ding hindi ako nasa kondisyon upang makapagsulat. Upang kahit papaano ay makapagsulat pa rin ako, sinasamantala ko ang mga oras na wala akong gawain at nagbabasa rin ako ng ibang mga istorya dahil isa iyon sa mga nagbibigay sa akin ng gana upang ako ay makapagsulat.

6. Ano ang mahirap sa'yo bilang undiscovered author?

—Para sa akin, mahirap magsulat kapag wala ka talaga sa kondisyon.

7. Sinong idolo mong wattpad author/s? Mapa-sikat man o kapwa mo undiscovered?

—Si kuya kib dahil pinahanga niya ako sa mga ediya at pamamaraan niya ng pagpapahayag ng mga pangyayare sa kwento. Tipong nagagawa niyang maapektuhan ang mga mambabasa habang binabasa ang kanyang katha. Mabibigat ang mga salitang ginagamit niya na mas dumadagdag sa kagandahan ng kanyang kwento. At si Rjen_OneXx dahil bukod sa isa siyang magaling na manunulat, pinahanga niya ako sa kanyang pagsulat dahil talagang pulido at kinokonsidera niya ang tama at angkop na gramatika lalo na sa panahon ngayon, talamak na ang iba't-ibang mga impormal na wika. Pero siya pinananatili niya ang paggamit ng gramatika na siya naman talagang dapat na ginagawa lalo na ng mga manunulat.

8. Ilan na ang nagagawa mong kwento? Ano ang pinakagusto mo sa mga iyon?

—Sa ngayon, tatlo pa lamang ang istoryang nagagawa ko at ang pinakagusto ko sa mga iyon ay ang kauna-unahan kong naisulat, ang Suddenly it's Magic na may dalawampung kabanata pa lamang.

9. Anong ginagawa mo sa mga bashers/haters mo? Pinapatulan mo ba sila o hinahayaan na lang?

—Wala pa naman akong nababalitaang basher o hater ko. At kung saka-sakali man, hindi ko sila papatulan. Maari ko silang sagutin ngunit sa maayos na pamamaraan at pakikipag-usap upang malinawan sila sa kung ano man ang hindi nila nagugustuhan sa akin.

10. May nangyari na ba sa'yo o naging dahilan para mawalan ka ng gana sa pagsusulat?

—May oras na ring nakapag-isip ako na huwag nang ipagpatuloy ang ginagawa kong istorya. Iyon ay dahil naisip ko na baka hindi naman magustuhan ng mga mambabasa ang aking ginawa.

11. Dumating na ba sa punto na nawawalan ka na ng gana at gusto mo ng huminto sa pagsusulat?

—Hindi pa naman ako umabot sa paghinto sa pagsusulat. Marahil ay nag-uumpisa pa lamang ako sa pagsusulat kaya ganoon.

12. Anong ginagawa mo kapag tinatamaan ng tinatawag na 'writer's block'?

—Kapag nararanasan ko ang tinatawag na writer's block, hindi ko pinipilit ang aking sarili na magsulat. Sa halip ay ipinagpapaliban ko muna hanggang sa nasa kondisyon na ako upang magpatuloy.

13. Gaano mo kamahal ang passion mo? Ang pagsusulat?

—Gaano ko kamahal? Siguro sa puntong hindi ko siya isusuko kahit maraming balakid akong kaharapin. Dahil isa ito sa mga nakakapag pasaya sa akin.

14. Bilang isang manunulat saang bahagi ka ng story mo nahihirapan?

—Namomroblema ako sa paggawa mismo ng problema sa kwento na siyang mas magpapaganda at magbibigay kulay sa kwento.

15. Para sa'yo ano ang tatlong katangiang dapat taglayin ng isang baguhang manunula? O ng kahit na sikat na manunulat?

—Para sa akin, ang tatlong katangiang dapat taglay ng baguhang manunulat ay ang pagiging matiyaga, malawak na imahinasyon at ang pagmamahal mismo sa ginagawa.

16. Ano ang mensahe mo sa kapwa mo manunulat na undiscovered? Ano ang dapat nilang gawin para hindi tumigil?

—Sa mga kapwa ko baguhan sa pagsusulat, huwag tayong susuko sa ano mang suliraning kaharapin natin. Sabi nga kapag mahal mo, gagawa ka ng paraan. Gawin na lamang nating positibo ang mga negatibong bagay na umaaligid sa atin. Tandaan, pagsubok lamang ang mga problemang nararanasan natin lalo't tayo ay baguhan pa lamang. Paano tayo magtatagumpay kung sa simula pa lamang ay titigil na tayo hindi ba? Basta't mahalin lamang natin ang ating ginagawa. Magtatagumpay at magtatagumpay tayo sa dulo.

Salamat sa pagbabasa. Tayo na po't suportahan si queen_of_blues punta na sa kaniyang account at pindutin ang follow. Add niyo na rin sa library niyo ang mga akda niya. Lablab!

Maraming salamat po!

Aspiring Wattpad Writers Interview (UNDISCOVERED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon