ASPIRING WATTPAD WRITERS (UNDISCOVERED)
Name: Winter De Guzman (eto na lang kasi weird ang real name ko haha)
Fb: Winter De Guzman
Username: alittletouchofwinter
Writing platform you write: Wattpad, GoodNovel, Novelah and Finovel1. Kailan ka nagsimulang magsulat sa wattpad o sa ibang platform? Kailan at paano mo nalaman ang wattpad o iba pang platform?
❄ Year 2013 sa notebooks kasi nauso ang Wattpad ng mga panahong ito. Sobrang inspired ako kaya kung anu-anong scenario ang nasusulat ko dati. Nakatapos ako ng two short stories sa notebook at sobrang proud ko sa sarili ko kasi ang sipag ko palang magsulat haha
Year 2015 naman sa Wattpad but I got inactive there for almost four years? I can’t remember the details. About GoodNovel naman, I got to know this because of my lovely AE, Ate Jhaz. She posted an announcement that she’s looking for a writer. Saktong nakita ko so I inquired and that was the start of it.
2. Ano ang purpose mo, bakit ka nagsusulat?
❄ To let off some stress. Ito ang naging channel ko para mailabas ko ang mga emosyong naiipon sa loob ko. Inspired? I write. Stressed? I write. I wanna kill someone? I write. Joke lang sa kill part... but jokes are half-meant, right? LOL.
3. Sinong inspirasyon mo sa pagsusulat?
❄ Depende, e. May oras na iyong nakikita sa paligid. May oras naman na inspired lang ako. May oras din na pera ang motivation ko. 😂
4. Ano ang nag-udyok sa'yo para magsulat?
❄ Katulad nga ng sinabi ko sa itaas, nagsusulat ako para ilabas ang emotions ko. Be it negative or positive.
5. Ano ang nakakaapekto/struggle/s sa'yo para magsulat? Mag-UD? Paano mo iyon nalalampasan?
❄ Katamaran. I’ll be honest here, mas madalas na gusto kong tumulala na lang sa hangin o kaya naman matulog kapag wala talagang pumapasok sa isip ko. Paano ko nalalampasan? Bumubuo ako ng maliliit na scenario sa utak ko. Halimbawa, ang nasa isip ko, opening act, napatid si bida at nakita ng crush niya iyon. Then insert another scenario again. Gagawin kong sequence at tada! Chapter na siya!
6. Ano ang mahirap sa'yo bilang undiscovered author?
❄ Mahirap ang promotion ng story? Pero para sa akin, wala naman gaano. Syempre gusto ko makilala pero ayoko naman pilitin ang mga readers na basahin ang story ko. I'll let them find my story (pero ang totoo, tamad lang talaga ako mag-promote huhu).
7. Sinong idolo mong wattpad o iba pang platform author/s? Mapa-sikat man o kapwa mo undiscovered?
❄ @diaboliquex mahal ko 'tong writer na 'toooo! Siguro kasi pareho kami ng genre na sinusulat. And she’s one of my bestfriend here in writing world and IRL.
@shirlengtearjerky mahal ko mga stories niya. Siguro kasi tao sila pakinggan? Hindi naman sa sinasabi kong ’di tao pakinggan iyong iba. Mas dama ko lang ang mga characters ni Ate Leng.
@pilosopotasya iba ang place ng 23:11 sa puso ko.
8. Ilan na ang nagagawa mong kwento? Ano ang pinakagusto mo sa mga iyon?
❄ hindi ko na mabilang na one shots. Two short stories, soon to finish whole novel. Mas marami ang ongoing stories ko. Ang pinakagusto ko sa lahat, I Kissed a Guy at Not Another Song About Love. May parte kasi sa akin na nilagay ko rin sa mga characters ko.
9. Anong ginagawa mo sa mga bashers/haters mo?
❄ Wala ako nito, e. 😂 Pero kung meron man, let them be. Hindi naman lahat magugustuhan ako. Parang ako, 'di ko rin naman sila gusto. Mutual lang~ 🤧🤣
10. May nangyari na ba sa'yo o naging dahilan para mawalan ka ng gana sa pagsusulat? Paano mo ito nalampasan?
❄ Noong humalo ang buhay ko sa pagsusulat ko. I mean, reality slapped me in the face. Tagal ko ring huminto noon kasi pinamumukha sa akin na hindi naman ako uunlad sa pagsusulat. Nobody knows me. I was stuck in the mud that time na pakiramdam ko, wala namang pupuntahan pagsusulat ko so why bother? Nito lang ako uli bumalik noong kaya ko nang labanan ang negative thoughts ko.
11. Dumating na ba sa punto na gusto mo ng isuko ang pagsusulat? Anong ginawa mo?
❄ Maraming beses na. Pero hindi ko talaga kayang isuko, e. Magpapahinga ako pero hindi ako hihinto. Parte na ng buhay ko ang pagsusulat.
12. Anong ginagawa mo kapag tinatamaan ng tinatawag na 'writer's block'?
❄ Relax. Nanonood ako ng Kdrama o nagbabasa ng novels. Somehow, bumabalik naman uli ang gana ko sa pagsusulat.
13. Gaano mo kamahal ang passion mo? Ang pagsusulat?
❄ Kaya kong ipagpalit ang mga gala ko para sa pagsusulat (pero mas mahalaga ng tulog sa akin 😂)
14. Bilang isang manunulat, saang bahagi ng kwento para sa iyo ang mahirap isulat?
❄ Sa puntong nahihirapan na ang main characters. Pakiramdam ko, ako rin ang naghihirap.
15. Para sa'yo ano ang tatlong katangiang dapat taglayin ng isang baguhang manunula? O ng kahit na sikat na manunulat?
❄ Humility, Kindness, Grit and Grace
16. Anong genre ang madali at mahirap isulat para sa 'yo? Bakit?
❄ Pinakamadali sa akin ang tungkol sa magkakaibigan, Teen Fiction, Slice of Life themed novel. Pinakamahirap naman, Fantasy and Mystery Thriller.
17. Anong malimit na distruction ang na-e-encounter mo sa pagsusulat?
❄ Katamaran ko. Aminado ako rito. Mas maraming beses na nakatulala lang ako kesa magsulat.
18. Gaano kahalaga sa iyo ang readers?
❄ I love them like my family~ 💞
19. Anong routine ang ginagawa mo kapag nagsusulat ka?
❄ Kumakain ako o kaya umiinom ng chocolate drink or coffee habang nagsusulat. Pakiramdam ko kasi, hindi kumpleto ang ginagawa ko kapag wala iyon.20. Ano ang mensahe mo sa kapwa mo manunulat na undiscovered? Ano ang dapat nilang gawin para hindi tumigil?
❄ Siyempre, don’t give up, bibies~! May kanya-kanya tayong time kung kailan tayo makikilala. Hindi madali ’tong path na pinasok natin pero lavarn lang!
Support natin siya sa iba't ibang platform. Thank youu♥️
BINABASA MO ANG
Aspiring Wattpad Writers Interview (UNDISCOVERED)
RandomAng book na 'to ay naglalaman ng interview sa mga aspiring wattpad writers na 'di kilala ng nakararami. Undiscovered kung baga. Sana paglaan niyo ito ng oras basahin dahil may mga matutunan kayo at mamo-motivate kayo sa mga sagot ng mga featured asp...