Zephaniahhhh

64 10 2
                                    

Ang bahagi ito ay naglalaman ng panayam kay zephaniahhhh. Isang kagaya ko na aspiring writer. Isang aspiring writer na may ibubuga. Hehehe! Yes, magaling po 'tong si Zeph. Mabait pa. Friend ko po kasi siya sa FB. Try niyo pong basahin ang story niya. Ang alam science fiction writer din ito e.

Tayo na't magbasa ng panayam kay zephaniahhhh Sigurado naman akong may matututunan kayo.

Happy reading!

ASPIRING WATTPAD WRITERS (UNDISCOVERED)

1.Kailan ka nagsimulang magsulat sa wattpad? Kailan at paano mo nalaman ang wattpad?

-2014 , noong nadiscover ko nagsulat na ako agad. Nadiscover ko ang wattpad dahil may kaklase ako noon na nagbabasa ng wattpad. Tapos kinukuwento niya sa akin ang nabasa niya kaya nagdecide ako na gumawa na rin ng account.

2. Ano ang purpose mo, bakit ka nagsusulat?

-I write to conquer. Nagsusulat ako para labanan ang lahat ng pang-aapi na natatanggap ko. Nagsusulat ako para labanan ang sakit at hirap na nararamdaman ko. Nagsusulat ako para labanan ang takot, pagkabigo, at kamalian ko.

3. Sinong inspirasyon mo sa pagsusulat?

-Hindi ko na babanggitin ang pangalan pero writer din siya. Aspiring writer. Inspiration ko siya dahil once na niya akong natulungan. Nagshare ako sa kanya then nag advice siya sa akin. Tapos, marami ka pang matututunan sa mga gawa niya

4. Ano ang nag-udyok sa'yo para magsulat?

-Journalist kasi ako dati pa lang. Gusto kong maexplore ng mas malawak ang pagsusulat. Mahilig kasi ako sa adventures.

5. Ano ang nakakaapekto sa'yo para magsulat? Mag-UD? Paano mo iyon nalalampasan?

-Minsan kasi wala naman. Pero kapag masaya ako, malungkot, galit, naisasama ko 'yon sa story. Nag-a-update ako para sa sarili ko at para na rin sa number 1 fan ko.

6. Ano ang mahirap sa'yo bilang undiscovered author?

-Bilang undiscovered writer, una tatamarin ka kasi walang nagbabasa ng gawa mo. Walang nagcocomment at nagvovote. Pero mawawala naman 'yon kapag inalala mo ang rason kung bakit ka nagsusulat at kung talagang passion mo.

7. Sinong idolo mong wattpad author/s? Mapa-sikat man o kapwa mo undiscovered?

- penofawallflower, Dave_Angcla, HENOSIS SQUAD, Pisarz Squad. Lahat naman kasi ng writer kakaiba kaya halos lahat idol ko kasi may kanya-kanyang way tayo ng pagsusulat.

8. Ilan na ang nagagawa mong kwento? Ano ang pinakagusto mo sa mga iyon?

-Hindi na mabilang. 'Yong iba kasi wala akong balak na ipost. Pinakagusto ko 'yong Time Limit at Poems for the Poet. Sa Time Limit kasi nagreresearch ako. Natutuwa ako sa tuwing may mga bago akong nalalaman dahil sa research. Sa Poems for the Poet, dedicated kasi ito sa isang importanteng tao sa akin.

9. Anong ginagawa mo sa mga bashers/haters mo? Pinapatulan mo ba sila o hinahayaan na lang?

-Nag-a-I love you ako sa kanila tapos magsusulat pa rin ako. Gano'n kasimple. Kung pagsasalitaan ko kasi ng masama, napakaimmature ko naman. Mabait ako hind ako palapatol.

10. May nangyari na ba sa'yo o naging dahilan para mawalan ka ng gana sa pagsusulat?

-Oo, noong mga panahong magulo utak ko tapos hindi ko alam kung ano uunahin kong gagawin. Kaya nagdecide ako na huwag muna magsulat hangga't walang peace of mind

11. Dumating na ba sa punto na nawawalan ka na ng gana at gusto mo ng huminto sa pagsusulat?

-Oo, kasi nakakatamad. Kapag bored ako saka na lang ako magsusulat. Hahaha

12. Anong ginagawa mo kapag tinatamaan ng tinatawag na 'writer's block'?

-wala namang writer's block. Kalokohan iyan. Tamad ka lang magsulat kaya nagdadahilan ka. Hahaha. Iyan ang paniniwala ko pero sige sasagutin ko na. Kung wala talaga ako sa mood magsulat o walang ideya na pumapasok sa isip ko, nanunood ako o nagbabasa. Hindi ko pinipilit magsulat kasi pangit ang kalalabasan.

13. Gaano mo kamahal ang passion mo? Ang pagsusulat?

-To infinity and beyond. Dito ako nakakatakas eh. Dito rin ako nakakaexplore ng mga bagong bagay.

14. Bilang isang manunulat saang bahagi ka ng story mo nahihirapan?

-Sa lahat. hindi madali ang magsulat. Depende lang sa panahon. Basta mahirap mula simula, gitna, at wakas.

15. Para sa'yo ano ang tatlong katangiang dapat taglayin ng isang baguhang manunula? O ng kahit na sikat na manunulat?

-Humble, Positive Thinker, and Goal Setter.
Humble - kailangan mong maging mapagpakumbaba upang maiwasang mabash at para na rin makainspire

Positive thinker- kahit walang nagbabasa, nagvovote, nagcocomment sa story mo stay positive! Kapag sumuko ka, hindi ka magtatagumpay. Kapag hindi ka nagtagumpay hindi mo maaabot pangarap mo

Goal Setter- set goals. Magset ka ng goals na kailangan mong magawa. Sa tulong ng mga ito, matututo ka at madedevelop ang writing style mo.

16. Ano ang mensahe mo sa kapwa mo manunulat na undiscovered? Ano ang dapat nilang gawin para hindi tumigil?

-Keep dreaming and writing. Magpatuloy ka para sa sarili mo. Magpatuloy ka para lumaban. Magpatuloy ka para patunayan na kaya mo at magaling ka. Huwag kang susuko. Huwag magpapadala sa bashers. Huwag mong papatulan. Basta magpatuloy ka lang.

Salamat mga mambabasa! Tayo po't suportahan si zephaniahhhh sa larangang ito. Puntahan niyo na po ang account niya at ilagay niyo na sa library niyo ang storirs niya.

Maraming salamat po!

Aspiring Wattpad Writers Interview (UNDISCOVERED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon