KnightIsWolf

120 16 1
                                    

Isang lalaking manunulat na naman ang aking nakapanayam. Si KnightIsWolf, isang manunulat na talagang makikitaan ng talento sa pagsulat...sa ngayon dumadami na ang mga manunulat na lalaki sa wattad at isa doon si KnightIsWolf. Isang lalaking may kahusayan sa pagsulat.

Halina't ating basahin ang kaniyang sagot sa mga tanong. Tayo na't ma-inspire at ma-motivate ng kaniyang makapangyirihang sagot. Hehehe!

Happy reading!

ASPIRING WATTPAD WRITERS (UNDISCOVERED)

1. Kailan ka nagsimulang magsulat sa wattpad? Kailan at paano mo nalaman ang wattpad?

-Nag sulat ako dati one shot lang 'yon. 'Di na kita mahal ang title. Sinulat ko siya mga siguro 2014 'yon then I stopped. I resume writing this January 2017

2. Ano ang purpose mo, bakit ka nagsusulat?

-Because I want to share what's in my mind. Yes I write because I want to express but sometimes, hindi naaawala sa atin ang maghanap ng mga makakaa- appreciate ng gawa natin 'di ba? So 'yun isa rin 'yan.

3. Sinong inspirasyon mo sa pagsusulat?

-Inspirasyon? Haha. Readers. Sa kanila ko kinukuha ko sa kanila 'yon. Lol. Mas nakakagana kasi mag - update 'pag may nakaka - appreciate. Lol

4. Ano ang nag-udyok sa'yo para magsulat?

-Nag udyok? Hahaha! Wala. Sa sobrang boring ko no'n. Tapos nakita ko 'yung mga classmate kong nagbabasa ng wattpad. Ni- try ko. At 'yun nga. Naisulat ko ang OS story ko na 'Di na kita Mahal. Haha

5. Ano ang nakakaapekto sa'yo para magsulat? Mag-UD? Paano mo iyon nalalampasan?

-Bukod nga sa wala akong maisip na susunod na mangyayare e isa pa sa nakakaabala sa'kin e 'yung may naisip ka na tapos pag tapat mo sa wattpad nawala? Iyak. Dagdagan pa na walang wifi at storage running out. Maglulupasay ka talaga sarap tapos ng cellphone. Ang ginawa ko para hindi na ko mangamote kapag nawawala ang idea ko sa next chapter. Isusulat ko muna sa memo ko yung mga idea ko para kapag magsusulat na ko ay maaalala ko na. Tungkol naman sa Wifi at pagkapuno ng storage ng cellphone ko ay kasalukuyan pa rin akong naghahanap ng sagot. HAHAHA!

6. Ano ang mahirap sa'yo bilang undiscovered author?

-Mahirap? Ano nga ba? Tingin ko naman wala e. Lol. Kasi pag undiscovered less hassle bukod sa pag gawa ng BC tas 'di ka marunong. Hahaha. Lol.

7. Sinong idolo mong wattpad author/s? Mapa-sikat man o kapwa mo undiscovered?

-Masasabi kong si Ate April Avery bakit? Kasi siya. Hindi lang siya nagsusulat para sa mga readers niya. Kasi 'yung ginagawa niya may matututunan. May mga words of wisdom kasi siya at 'yun ang nagustuhan ko sa kanya.

8. Ilan na ang nagagawa mong kwento? Ano ang pinakagusto mo sa mga iyon?

-Sa ngayon 3 pa lang nagagawa 'ko. Isang OS tas 'yung Isa on going yung isa naman nire- revise ko pa. Siguro kung papipiliin ako 'yung nire- revise ko. Lol. Kasi 'yun 'yung first novel ko e. Do'n ko talaga binuhos ng mga pwede ko'ng magawa sa storya na 'yon at mas lalong gumanda pa.

9. Anong ginagawa mo sa mga bashers/haters mo? Pinapatulan mo ba sila o hinahayaan na lang?

-Wala pa naman ako ngayong gan'to. Swerte ko. Lol. Hahaha. Siguro hindi ko na lang papansinin kasi kung papansinin ko pa'y parang sinasabi ko na rin na tama sila. Mas maganda na tahimik ka na lang magsasawa rin naman sila. Haha

10. May nangyari na ba sa'yo o naging dahilan para mawalan ka ng gana sa pagsusulat?

-Siguro 'yung kapag nawawala sa isip ko 'yung susunod na mangyayari sa story ko. Haha. Ang hirap kaya mag - update tas wala ka namang naisusulat pa tas tumagal pa ng halos isang buwan edi ngawa. Haha. Ang resulta. Delete. Lol

11. Dumating na ba sa punto na nawawalan ka na ng gana at gusto mo ng huminto sa pagsusulat?

-Oo naman. Ewan ko ba. Wala nga kasi akong maisip na susunod n mangyayari e. Lol. Tsaka siguro 'yung narealize kong nakakaapekto siya sa pag aaral ko kaya tinigil ko pero dahil mahal ko binalikan ko. Hindi naman ako katulad nila na kahit maglupasay ka na 'di ka pa rin babalikan. De jk lang. Haha. Lol

12. Anong ginagawa mo kapag tinatamaan ng tinatawag na 'writer's block'?

-Dati hindi ko pa alam 'to pero may nakapag sabi na kapag nagkaroon raw ako ng writer's block. Read and read lang daw o kaya makinig ng music. Ginawa ko naman at effective kaso minsan katamaran naman tumatama sa'kin. Tinatamad ako mag- type.  Hahaha. Iyak. Lol

13. Gaano mo kamahal ang passion mo? Ang pagsusulat?

-Mahal lang 'di mahal na mahal. Kasi mas may importanteng bagay pa na kailangan gawin. Hindi kasi sa lahat ng oras makakapagsulat ako. Lol. Pero ginagawa ko naman ang makakaya ko para makapag - update. Lol.

14. Bilang isang manunulat saang bahagi ka ng story mo nahihirapan?

-Siguro sa Epilogue. Halos lahat naman ata. Lol. Kasi ang epilogue last shot mo na 'yon e kaya kailangan daw na talagang maganda. Do'n ako nahihirapan kasi baka 'pag binarabara ko ang pagsusulat e makulangan ang readers tas 'yon pa maging dahilan ng pangba- bash nila. HAHAHA! lol. Joke lang. Lol

15. Para sa'yo ano ang tatlong katangiang dapat taglayin ng isang baguhang manunula? O ng kahit na sikat na manunulat?

-Pagpapakumbaba. Kahit na baguhan ka lang sa pagsusulat o matagal na kung magmamataas ka'y hindi ka u- unlad. Ayon sa aking nabasa. Ang nagmamataas ay ibababa at ang nagpapakababa ay siyang itataas. Paghihintay. Bilang isang manunulat, gusto rin nating mapansin ang ating akda. Ang nangyayari ay papaspasan ang paggawa. Nangyari sa'kin 'to e. HAHAHAHA! saklap. Lol. Kaya tag revise ako charot. Lol. Maghintay tayong makilala ang ating akda, parang si Juanito. Hanggang sa kanyang makakaya ay pinilit niyang mabuhay at hintayin ang kanyang minamahal ( SEGWEY!) habang hindi pa nangyayari 'yon. Gawin mo ang makakakaya mo upang mas mapaganda ang iyong akda. Gawin mo ito ng may pagmamahal. 'Yan ang pangatlo. Pagmamahal. Sa paggawa ng mga bagay kung hindi mo mahal ang iyong ginagawa ay hindi ito maganda. Panget ang kalalabasan nito parang yung nagbabasa. Joke!  Hahaha. Pagmamahal ang kailangan para magawa mo ng maayos ang isang bagay. Iyang tatlo ang sa tingin ko'y kailangan ng mga manunulat.

16.Ano ang mensahe mo sa kapwa mo manunulat na undiscovered? Ano ang dapat nilang gawin para hindi tumigil?

-Para sa mga kapwa ko undiscovered. Don't stop. Ito lang ang way natin para makalaya tayo sa toxic world. Keep writing. 'Wag kang tumigil pwede kang magpahinga. Pahinga lang. Maraming pwedeng dahilan ng pagtigil sa pagsusulat pero kung ano man 'yan. Labanan mo. Tawagin mo si Super Ma'am. Hahaha. Joke lang. Lol. Kung kaya nila kaya mo rin. Gusto mong makilala? Wait. Hindi mo pa time kaya maghihintay ka. Gawin mo ang best mo para ma- improved ang writing skills mo. Para 'pag dumatong na ang time mo. 'Di ka na magre- revise. HAHAHAHA! ayoko na nga. Basta 'yon lang. Isipin n'yo lang 'yung sinasabi lagi ni Ms. April Avery. "Keep Writing, Keep Believing." Nakalimutan ko isa e. Lol.

Hi, mga mahal kong mambabasa, narito si KnightIsWolf. Atin siyang supurtahan sa kaniyang pagsulat.

Maraming Salamat!

Aspiring Wattpad Writers Interview (UNDISCOVERED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon