Yieh! Bagong aspiring manunulat na naman ang aking nakapanayam. proudtobenothing
Tayo na't basahin at ma-inspire sa kaniya. Lablab.
Happy Reading!
ASPIRING WATTPAD WRITERS (UNDISCOVERED)
1. Kailan ka nagsimulang magsulat sa wattpad? Kailan at paano mo nalaman ang wattpad?
-Nag-start ako noong March 2014. Nalaman ko ang wattpad noong broken hearted ako. Wattpad talaga ang naging takbuhan ko.
2. Ano ang purpose mo, bakit ka nagsusulat?
-Fulfillment, para mabawasan ang sakit na nararamdaman. Saka passion ko talaga ang pagsusulat kaya gusto ko ring maka-inspire ng ibang tao.
3. Sinong inspirasyon mo sa pagsusulat?
-Passion, struggles in life and the people who believe in me. Lahat ng 'yan ang inspirasyon ko. Kung walang passion, baka hindi ako makakapagsulat. 'Yung mga karanasan ko sa buhay ang nagpapaalaala sa akin na tamang makapag-inspire ako ng ibang tao.
4. Ano ang nag-udyok sa'yo para magsulat?
-Again, passion. It was all me after all. If you don't believe in yourself, nothing will happen.
5. Ano ang nakakaapekto sa'yo para magsulat? Mag-UD? Paano mo iyon nalalampasan?
-Oras, ayan lang talaga ang kalaban ko. Siguro time management na kahit college na ako, nagsusulat parin ako.
6. Ano ang mahirap sa'yo bilang undiscovered author?
-Mga taong huhusga at tatapak sa'yo. Sila 'yung walang ginawa kung hindi mambasag ng trip.
7. Sinong idolo mong wattpad author/s? Mapa-sikat man o kapwa mo undiscovered?
-Jonaxx and serialsleeper. Sobrang hook ako sa pagsusulat nila. Gusto ko 'yung way nila para makapag-inspire ng ibang tao.
8. Ilan na ang nagagawa mong kwento? Ano ang pinakagusto mo sa mga iyon?
-27 pero 23 na lang kasi nagbura ako saka 11 pa lang ang completed (7 one shots & 4 completed stories) Pinakagusto ko? Siguro lahat. Hindi ako bias sa mga stories ko. *cries*
9. Anong ginagawa mo sa mga bashers/haters mo? Pinapatulan mo ba sila o hinahayaan na lang?
-Kumbaga sa sociology, Dialogue. Kausapin mo lang if kaya naman.
10. May nangyari na ba sa'yo o naging dahilan para mawalan ka ng gana sa pagsusulat?
-Hindi totally mawalan ng gana pero nakaka-down talaga 'yong mga taong huhusgahan ka.
11. Dumating na ba sa punto na nawawalan ka na ng gana at gusto mo ng huminto sa pagsusulat?
-Hindi ako hihinto sa pagsusulat.
12. Anong ginagawa mo kapag tinatamaan ng tinatawag na 'writer's block'?
-Binabalikan ang plot. Siguro ayon ang technique para hindi ka mawala sa sinusulat mo. At kapag wala talaga, wag pilitin.
13. Gaano mo kamahal ang passion mo? Ang pagsusulat?
-Hundred percent. Writing is my true love.
14. Bilang isang manunulat saang bahagi ka ng story mo nahihirapan?
-Sa pagiging appealing from the start pa lang, consistency at changes of events.
15. Para sa'yo ano ang tatlong katangiang dapat taglayin ng isang baguhang manunula? O ng kahit na sikat na manunulat?
-Una, Humility. Hindi dapat nawawala 'yan. Kahit sikat ka na, dapat lumingon ka parin sa pinanggagalingan mo. Pangalawa, Passion. Be passionate. Wag kang sumulat para sa kasikatan kasi hindi naman tumatagal yan. Ang pag-inspire sa iba at ganda ng obra ang tatatak sa madla. Huli, courage. Hindi birong magsulat, maraming trial and error. Darating sa puntong hihingalin ka, pero wag kang titigil. Pwede kang magpahinga para mas lumakas.
16. Ano ang mensahe mo sa kapwa mo manunulat na undiscovered? Ano ang dapat nilang gawin para hindi tumigil?
-Know your reason why you're in this field. Libre lang mangarap, basta ba pagsumikapan rin natin.
———
Hi guys, support po natin si proudtobenothing. Lablab guys!
Maraming salamat po!
BINABASA MO ANG
Aspiring Wattpad Writers Interview (UNDISCOVERED)
RandomAng book na 'to ay naglalaman ng interview sa mga aspiring wattpad writers na 'di kilala ng nakararami. Undiscovered kung baga. Sana paglaan niyo ito ng oras basahin dahil may mga matutunan kayo at mamo-motivate kayo sa mga sagot ng mga featured asp...