MariyaChaCha

91 12 2
                                    

Isang panayam kasama si MariyaChacha, isang aspiring author. Ating basahin ang panayam ko sa kaniya. Nawa'y may mapulot tayo sa kaniya.

Suportahan din natin si MariyaChacha, sa lahat ng obra niya. May talento siya at nararapat lang na magkaroon ng mababasa.

Happy reading!

ASPIRING WATTPAD WRITERS (UNDISCOVERED)

1. Kailan ka nagsimulang magsulat sa wattpad? Kailan at paano mo nalaman ang wattpad?

–June 2016 ako nagsimulang magsulat sa wattpad sa second account ko. (Yung first account ko kasi nakalimutan ko ang password kaya hindi ko na nabuksan, pero sa ngayon nabuksan na siya at bestfriend ko na ang gumagamit.) 2014 ko ata unang natuklasan ang wattpad dahil sa bestfriend ko, (yung gumagamit ng account ko) mahilig rin kasi siyang magsulat at magbasa kaya nagkakasundo kami sa gan'ong bagay.

2. Ano ang purpose mo, bakit ka nagsusulat?

–To enhance my writing skills and share my only talent. Yah! Nag-iisa ko 'tong talent na natitira kaya prini-preserve ko talaga. Kidding. Sa totoo lang gaya ng sabi ni Kuya @Ttotoy same kasi kami ng purpose, marahil nag-aaral pa ako at matagal-tagal pa ako bago maka-graduate because of my five year course gusto kong makatulong sa mga magulang ko kung sakali na madiscover ang obra ko at maging isang published book. I don't want the fame basta ang gusto ko lang makatulong ako sa mga magulang ko at makapagpasaya ng mga mambabasa.

3. Sinong inspirasyon mo sa pagsusulat?

–Yung mga readers ko na walang sawa na ipm ako para lang mag-update, my old and new classmates na hindi rin ako iniiwan sa ere dahil full support talaga sila sa akin, sa mga idol ko Queen J and Ate Patch, sa mga crush ko, sa mga magulang ko dahil isa sila sa mga dahilan kung bakit ako nagsusulat, si God dahil hindi niya ako pinapabayaan, and most especially myself, alam naman natin na ang ating sarili lamang ang makakatulong upang tayo ay magkaroon ng lakas ng loob upang magsulat. Even though andyan nga si crush mo para maging insipirasyon pero wala ka naman sa mood, wala din! So dapat gawin muna nating inspirasyon ang ating sarili bago ang iba.

4. Ano ang nag-udyok sa'yo para magsulat?

–Mga tao sa paligid ko. My best friend, my classmates na naging mga readers ko na rin, and my dreams. Simula kasi ng masubukan ko ang magsulat parang gusto ko ng maging isa sa mga professional writer. So, pinagpatuloy ko na kahit maraming hadlang at bumabagabag sa'kin.

5. Ano ang nakakaapekto sa'yo para magsulat? Mag-UD? Paano mo iyon nalalampasan?

–KATAMARAN, STUDIES, and SOCIAL MEDIA. Marami kasi akong activities na ginagawa bago ako mag-update. Like; facebook muna, manood ng TV at kdrama, basa-basa sa mga secret files at magbasa rin sa wattpad, ganern! Marami kasi akong kaek-ekan sa buhay bago mag-update sa wattpad. At ang kinakalabasan tinatamad na ako at laging pinapag-pabukas ang update hanggang sa isang linggo na naman ang lumipas, ang tendency each week isang update na lang talaga. Ang ginagawa ko na lang para mawala 'yon lahat, iniisip ko na maraming umaasa sa update ko at kailangan ko na talagang magsulat dahil mapapatay na ako ng mga naghihintay sa update ko. Atsaka iniisip ko rin na konting push na lang matatapos na kaya dapat binibilisan ko na at maging active araw-araw. As a writer dapat responsible ka na mag-update, wag maging paasa (kahit sobra talaga akong paasa as a writer) kaya nga iniiwasan ko na at sinusunod ko na ang number one rule ko; KAHIT ISANG UPDATE LANG SA ISANG LINGGO AYOS NA YUN!

6. Ano ang mahirap sa'yo bilang undiscovered author?

–Parang nada-down ako. 'Yon bang lahat sila nakakatanggap ng mga kritiks para mas mapabuti ang sinusulat, pero ako! Nganga! Hindi ko alam kung ano ang tama at mali, kaya ang kinakalabasan uhaw na uhaw ako sa mga comments. Kahit kritiks lang ayos na ako.

Aspiring Wattpad Writers Interview (UNDISCOVERED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon