QueenBear019

90 13 7
                                    

Maganda buhay mga mag mamababasa ng librong ito! Hehehe! Isa na namang aspiring wattpad writers ang nakapanayam ng inyong lingod. Hehehe!

Nais kong ipakilala sa inyo ang aking kaibigan, bess ko 'to hehehe. Si QueenBear019. Isang teen fiction writer. May series siyang sinusulat. Suportahan niyo po ang aking bessy hehehe! Magaling 'to, promise!

Ito na't basahin na natin ang panayam ko sa kaniya. Nawa'y makapulot tayo ng inspirasyon at motibasyon sa kaniya.

Happy reading!

ASPIRING WATTPAD WRITERS (UNDISCOVERED)

1. Kailan ka nagsimulang magsulat sa wattpad? Kailan at paano mo nalaman ang wattpad?

-Nagsimula ako noong agosto 2016. Nalaman ko ang wattpad sa kaibigan ko na kapitbahay ko. Nagstart akong magbasa sa wattpad noong enero 2016.

2. Ano ang purpose mo, bakit ka nagsusulat?

-Para ma-express ko ang mga imaginations ko. Kapag once na nagsulat ka sa wattpad, kahit walang nagbabasa mafe-feel mo yung saya. Na kahit ganito ka lang ay kaya mo palang makatapos ng isang kwento.

3. Sinong inspirasyon mo sa pagsusulat?

-Ang inspiration ko ay yung mga sikat na authors and also yung mga readers ko.

4. Ano ang nag-udyok sa'yo para magsulat?

-Ang nag-udyok sa akin na magsulat ay ang mga nag-cocomment sa unang story. Yung comment kasi nila nagpalakas ng loob ko na ituloy ang ginagawa ko.

5. Ano ang nakakaapekto sa'yo para magsulat? Mag-UD? Paano mo iyon nalalampasan?

-Ahh.. Ang mahirap lang don ay yung porket hindi ka kilala ay hindi maganda ang mga sinusulat mo. Hindi lahat ng bagay dapat minamadali kasi panget ang magiging resulta. Ako kahit na hindi ako makilala bilang isang manunulat, basta't ang goal ko lang naman ay ma-express lahat ng imagination ko throught to wattpad.

6. Ano ang mahirap sa'yo bilang undiscovered author?

-Minsan na-iisecure ako sa mga kapwa writers ko. Syempre hindi naman iyon maiiwasan. Sabi ko sa sarili ko na kaya ko, na kahit pare-pareho tayong may kakayahan sa pagsusulat, magkaiba naman ang pananaw natin kung paano mo pa mas mapapaganda ang mga kwentong ginagawa mo.

7. Sinong idolo mong wattpad author/s? Mapa-sikat man o kapwa mo undiscovered?

-Ilan sa mga idol ko, si KIB, Jonaxx, UndeniablyGorgeous, PaigeFortalejo, si Ate karizza.

8. Ilan na ang nagagawa mong kwento? Ano ang pinakagusto mo sa mga iyon?

-12 but yung iba on-going pa. Yung iba naman one-shot at short story. Ang pinakagusto ko ay yung You Are The One. Kasi first story ko, hindi ko akalain na magiging 30k+ reads na.      

9. Anong ginagawa mo sa mga bashers/haters mo? Pinapatulan mo ba sila o hinahayaan na lang?

-Hinahayaan ko nalang sila, kung below the belt na sinasabi nila syempre dun ko lang sila lalabanan. Minsan kasi may mga taong naiingit sayo dahil sa mga nagawa mong story. Magkaiba kasi ang mga pananaw ko at pananaw ng mga bashers ko kaya hindi ko nalang pinapatulan.

10. May nangyari na ba sa'yo o naging dahilan para mawalan ka ng gana sa pagsusulat?

-Noong mahaba ang i-uud ko, ipupublish ko nalang tapos biglang na-delete.

11. Dumating na ba sa punto na nawawalan ka na ng gana at gusto mo ng huminto sa pagsusulat?

-Kapag may mga bad comments ako nababasa. So far wala pa naman.

12. Anong ginagawa mo kapag tinatamaan ng tinatawag na 'writer's block'?

-Nagbabasa at nagrerelax.

13. Gaano mo kamahal ang passion mo? Ang pagsusulat?

-Dati hindi ko naman passion ang pagsusulat. Nung sinubukab ko, maganda naman ang kinalabasan at napamahal na rin ako kasi bunga sila ng pagsisikap ko.

14. Bilang isang manunulat saang bahagi ka ng story mo nahihirapan?

-Sa mga series na ginagawa ko. Babalikan ko pa kasi yung mga scene na nakasulat sa unang story ko.

15. Para sa'yo ano ang tatlong katangiang dapat taglayin ng isang baguhang manunula? O ng kahit na sikat na manunulat?

-Malikhain, Hindi nagpapaapekto sa sinasabi ng iba at masipag.

16. Ano ang mensahe mo sa kapwa mo manunulat na undiscovered? Ano ang dapat nilang gawin para hindi tumigil?

-Ang masasabi ko lang ay dapat kung mahal mo ang ginagawa mo dapat panindigan mo, huwag kang magpapa-apekto sa mga bashers at haters. Bahagi lang sila ng buhay mo na magpatatag sayo.

Salamat sa pagbabasa mga mahal kong mamababasa. Nawa'y nagbigay ito sa inyo ng motibasyon at inspirasyon.

Tayo na't suportahan si QuEnn!

Maraming salamat!

Aspiring Wattpad Writers Interview (UNDISCOVERED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon