ParengJuanVicente

197 27 10
                                    

Ako ay labis na nagagalak dahil iyong tinanggap ang panayam na ito ParengJuanVicente. Ako'y masaya sa iyong pagtanggap.

Masyado bang malalim? Hehehe! Makata po kasi 'yang si ParengJuanVicente isa siyang tunay na anak ng panitikang pilipino. Hehehe! Makikita mo sa kaniya ang pagmamahal sa sariling wika. Makata siya at nakakatuwa iyon. Basahin niyo ang panayam ko sa kaniya at sana'y mabigay ito ng inspirasyon sa inyo. Maligayang pagbabasa!

ASPIRING WATTPAD WRITERS (UNDISCOVERED)

1. Kailan ka nagsimulang magsulat sa wattpad? Kailan at paano mo nalaman ang wattpad?

-Magandang gabi, Ttotoy, at sa lahat ng mga nakakabasa ng panayam na ito. Ikinagagalak kong paunlakan ang inyong paanyaya.

Nagsimula ako sa wattpad bilang si JohnVincentAgbunag. Naka default name pa kasi noon. Ito ay naganap noong hapon nang ika-7 ng Pebrero, dalawang taon na ang nakakalipas.

May mga pahina kasi ako noon ng aking mga adbokasiya. Which is dadala pa lang noon. (Saludo Ako sa Mga Sundalo at Saludo Ako sa Mga Guro.)

Alam mo Ttotoy, katulad nga nang madalas ko nang maikuwento sa mga Stariors. Nagsimula ako sa wattpad para magdiwara lang. For my advocacies.

It was until wattpad's summer activity na isinilang ang The Bakasyon Super Libangan, na isa na namang kadiwaraan.

Dumating ang Mayo. Aba‘y hindi na summwe! Kaya ayon. Isinilang ang The Pasukan Super Libangan.

2. Ano ang purpose mo, bakit ka nagsusulat?

-Walang permanente dito sa mundong ginagalawan natin. Lahat tayo ay mawawala rin kalaunan dito sa pansamantalang mundo.

Nagsusulat ako para iwanan sa kanilang puso‘t isipan ang nakakalokong bakas ng kapilosopohan ni ParengJuanVicente.

3. Sinong inspirasyon mo sa pagsusulat?

-Ang mga inspirasyon ko sa pagsulat ay ang Diyos Ama, Diyos Anak, mga magulang at kapatid ko. At lahat ng mga mahal ko sa buhay.

Kasama na rin doon ‘yung mga haters ko. May kaisipan kasi akong “Haters gonna hate.”

4. Ano ang nag-udyok sa'yo para magsulat?

-Ang pinakamalakas na nakapag-udyok sa akin para magsulat ay ang aking mga ginintuang adbokasiya.

5. Ano ang nakakaapekto sa'yo para magsulat? Mag-UD? Paano mo iyon nalalampasan?

-Dalawa lang ang pangunahing dahilan kaya hindi ako nakakapag-update. Kapag walang net, at kapag wala akong maisip na ideya.

Nagpapahinga lang ako nang kaunti, para malampasan ko ang mga ‘yon.

6. Ano ang mahirap sa'yo bilang undiscovered author?

-Ang pinakamahirap sa isang undiscovered author ay kung paano niya aalisin ang gigil niyang i-portray na ng isa o dalawang mga artista ang istorya niya.

One can almost see it.

7. Sinong idolo mong wattpad author/s? Mapa-sikat man o kapwa mo undiscovered?

-Ang pinakaidolo kong wattpad author ay si Alyloony.

8. Ilan na ang nagagawa mong kwento? Ano ang pinakagusto mo sa mga iyon?

-Marami na akong mga naisulat na istorya.

9. Anong ginagawa mo sa mga bashers/haters mo? Pinapatulan mo ba sila o hinahayaan na lang?

-Bashers or haters are always there. Bubutasan at bubutasan ka nila.

Sa bashers palaban ako. Pero sa haters hindi.

10. May nangyari na ba sa'yo o naging dahilan para mawalan ka ng gana sa pagsusulat?

-Wala pa. I will only rest. I will not quit.

11. Dumating na ba sa punto na nawawalan ka na ng gana at gusto mo ng huminto sa pagsusulat?

-Hindi pa. Hinding-hindi!

12. Anong ginagawa mo kapag tinatamaan ng tinatawag na 'writer's block'?

-Nagpapahinga lang nang sandali.

13. Gaano mo kamahal ang passion mo? Ang pagsusulat?

-•Ang pagsulat ay mamahalin ko hanggang kamatayan.

Ako kasi ang unang minahal nito, bago ko pa siya mahalin.

14. Bilang isang manunulat saang bahagi ka ng story mo nahihirapan?

-Pinakanahihirapan ako sa part na sobrang excited ako kaagad sa flow ng story.

15. Para sa'yo ano ang tatlong katangiang dapat taglayin ng isang baguhang manunula? O ng kahit na sikat na manunulat?

-One must be Godly, humble and brave.

16. Ano ang mensahe mo sa kapwa mo manunulat na undiscovered? Ano ang dapat nilang gawin para hindi tumigil?

-May tinta pa ang pluma. Laban lang, MGA PARE!

Suportahan po natin ang katulad ni ParengJuanVicente. Isang makatang pilipino na mahusay sa pagsulat. Isa siyang tunay na makata at siguradong mabibigyan kayo ng motibasyon sa kaniyang mga sagot.

Nagulat ako kasi may 70 works niya siya sa wattpad. Suportahan natin siya.😊

Salamat!

Aspiring Wattpad Writers Interview (UNDISCOVERED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon